Chapter 10: Operation: Patawanin si Nick

3.7K 105 11
                                    

Louisse's POV

"We're here."

Eh kung sumayaw kaya ako sa harap niya? Ay wag! Ayoko! Hmm..... Ano ba? Kung mag-joke kaya ako? Pano kung di siya matawa?

"Hey. I said we're here." Huh? Napatingin ako kay Nick.

"Huh? May sinasabi ka?" Tanong ko sa kanya. Para 'tong baliw, nagsasalita mag-isa.

"Psh. Nevermind." Sabi niya at umirap? Whut?! Umirap?! Jusmiyo Marimar! Bakla yata 'to eh!

Bigla siyang bumaba ng kotse at dire-diretsong naglakad papunta sa....... KUBO?! Bakit naman kami nandito? Nasa probinsiya na ba kami? Ganon ba ako ka-lutang kanina kaya di ko napansin na nasa probinsiya na kami?

"Hala! Bakit tayo nasa probinsiya?" Tanong ko sa kanya ng makababa na ako ng kotse.

"Stupid. Wala tayo sa probinsiya." Sabi niya habang naglalakad.

"Eh nasaan? Sa Pluto?" Sabi ko sa kaniya. Binigyan naman niya ako ng 'wag-mo-ako-lokohin-look'

"Hehe peace. Pero seryoso, kung wala tayo sa probinsiya, bakit may kubo?" Tanong ko. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Bakit, porket ba may kubo,  probinsiya na agad?" Sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Sabagay, may point siya.

"Oo nga noh? Galing mo!" Sabi ko habang sumusunod sa kaniya. Pagpasok namin sa loob ng kubo, agad siyang umupo at nag-stretch ng kamay. Napagod siguro sa pag-drive.

"San ba kasi tayo?" Tanong ko sa kanya.

*Kruu~ Kruu~*

Aish! Anubayan! Parang hangin lang kausap ko ah!

"*poke* Uy! San nga tayo? *poke poke* sumagot ka naman." Nakatulog na ata eh. Alam ko na! Lagot ka sakin bwahahahaha! (evil laugh)

Lumapit ako sa may tenga niya. Ready na akong sumigaw in 1..... 2.... 3.....

"HHOOOYYY!!" Malakas kong sigaw sa may  tenga niya. 

"Fvck! Ano ba?!" Galit niyang sigaw sakin. Hala! Nakakatakot siya! Para siyang halimaw! Huhuhu T____T

"G-gusto ko lang naman m-malaman kung nasan t-tayo eh."

"*sigh* We're still here in Manila, don't worry malapit lang 'to sa school." Sabi niya sabay pikit ulit.

"O-ok." Sagot ko sa kaniya. Grabe! Katakot pala siya magalit! Waah! Ayoko na! Lumabas na ako sa kubo at nagikot-ikot. Ang ganda pala ng tanawin dito! Puro green yung nakikita ko dito. Puno here, puno there, puno everywhere! Hahaha!

Biglang humangin ng malakas. Wooh! Ang sarap! Pumikit ako at dinama ang simoy ng hangin. Ibang-iba ang ang simoy ng hangin dito, parang ang linis-linis. Masarap siguro tumira dito kahit walang gadgets at internet. Kasi kapag dito ka tumira, wala kang aalalahanin. All you have to do is to relax.

Nang tumigil na ang pag-ihip ng hangin, dumilat na ako. Grabe! Ang ganda talaga dito. Nagsimulang na akong maglakad. Ang lawak! May mga palay pang tanim. Sinubukan kong dumaan dun sa gitna ng mga palay. Yung daan sa gitna pero maliit lang.

"1.....2.....3.....4.....5......6...." Binibilang ko kung ilang hakbang ang ginagawa ko. "7.....8.... Ay!" Waah! Kadiri! Huhu! May putik! Eww! Waah! Yung uniform ko! Huhuhu T____T Ang malas ko talaga ngayong araw!

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon