Chapter 1:NDG

8.8K 190 64
                                    

Louisse's POV

Nagising ako dahil sa may kung anong dumidila sakin. Ay! Si choochai lang pala. Awww ang cute talaga ng alaga ko.

"Hello choochai! Good morning! " bati ko sa kanya. As if namang sasagot 'to. Nilaro-laro ko muna sya bago ako tumayo at pumuntang banyo. Naghilamos at nagbihis naman ako bago bumaba. Naabutan ko si kuya na kumakain.

"Oh panget nasan sina mama at papa? " tanong ko kay kuya.

"Ay! Kakaalis lang pandak. Sayang 'di mo naabutan."sagot nya. May CS kasi kami ni kuya. Pandak saka panget. Sweet no? Hahaha.

"Ayt! Sayang. "Sabi ko sabay pout. Tahimik akong pumunta ng upuan at umupo.

"Eh kuya kelan ka uuwi sa bahay nyo ni ate lovely? "Tanong ko. Sariling bahay? Yes. May bahay si kuya. Ate lovely? Asawa sya ni kuya. Mag-asawa sila. Galing noh? Kakagraduate lang nila ng college pero kasal na agad sila. Hihi! Sayang nga wala pang baby eh! I want to have pamangkin na!

"Ewan."sagot nya . Di nalang ako sumagot.

Pagkatapos ko kumain, nagpaalam na ako kay kuya na aakyat ako sa taas. Pag akayat ko, umupo ako sa kama saka nag-isip ng pwedeng gawin. Hmmm.... Ano nga bang pwedeng gawin ngayon? Ah! Bibili nalang ako ng mga gamit for school tutal pasukan na rin naman bukas. Di pa kasi ako nakakabili ng gamit ko hehe. Kaya kumuha na ako ng damit sa closet ko. Simpleng blouse at jeans lang ang suot ko. Magpapaalam muna ako Kay kuya.

"Kuya! Alis lang ako! "Sigaw ko sa may pintuan ng kwarto nya.

"At saan ka naman pupunta?! "Kuya.

"Bibili lang ng school supplies sa mall! "Sagot ko.

"Oh sige! Ingat ka! "Sagot nya. Lumabas na ako ng bahay. Magta-taxi nalang ako. Wala kasi yung driver namin eh, nasa bakasyon. Well, naisipan kong dalawin ko muna si Francis bago ako pumunta ng mall. Pagdating ko sa sementeryo, agad kong hinanap yung puntod nya. Sementeryo? Puntod? Yes. Deads na siya.

"Hello Francis! Si Louisse 'to! Musta na? Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw ha? Marami akong ikukwento sayo. Alam mo ba nagbakasyon kami sa Paris! Yehey! Ang saya dun! Saka pumunta rin kami sa Eiffel tower! Grabe ang ganda. Saka nga pala pasukan na namin bukas. Lumipat kami ng school, sa Princeton Academy. Ang ganda ng name no? 4th year highschool na sana tayo kung nandito ka pa. Bakit kasi niligtas mo pa ako sa aksidenteng yun? Edi sana buhay ka pa hanggang ngayon. Alam mo ba miss na kita. I miss you so much."sabi ko sa kanya. Di ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Nakakalungkot lang isipin na nawala sya ng dahil sa akin. It's been 11 years since that accident happened. Pero parang sariwa parin siya sa alala ko.

Nag-stay pa ako dun ng ilang saglit bago umalis at pumuntang mall. Binili ko na lahat ng kailangan ko saka nagtaxi pauwi. Habang nasa taxi ako, nakita ko yung park na madalas naming paglaruan dati. Dito nalang ako bumaba dahil naisipan kong magstay nalang muna dito. Ang daming batang naglalaro. Naghanap ako ng pwede kong maupuan. Ayun! Kaya lang may nakaupo na. Ayos lang yan, magpapaalam nalang ako.

"Kuya paupo ha."sabi ko dun sa lalaking natutulog yata? Basta yun na yun. Pinagmasdan ko yung buong park. Katulad parin ito ng dati. Walang pinagbago. Hay. Marami na akong memories dito. Naaalala ko pa na lagi kaming naglalaro dito. Actually, tatlo kami. Ako, si Francis, at si Jake. Lagi kaming magkakasama nung mga bata palang kami. Dito kami nagkikita-kita tuwing hapon para maglaro. Dito rin kami nagkakila-kilala. At dito rin naganap yung aksidente. Hay! Tama na nga ang drama. Napatingin ako sa tabi ko. Ay! Wala na pala si kuya. Siguro umalis na.

Naisipan ko na ring umuwi kasi pagabi na. Makapaglakad na nga lang, tutal walking distance lang naman ito sa bahay. Naku! Mukang galit na si kuya neto! Gabi na eh. Habang naglalakad ako, may narinig akong mga daing! Ha? Daing? Lalim nun ah hahaha. So ayun dahil sa curious ako, pinuntahan ko yung pinanggagalingan ng ingay. Nakita ko na binubugbog ng isang lalaki ang lima pang mga lalaki. Anla! Ang galing naman ni kuya! Mukhang gwapo nga eh! Kaya lang nakamaskara. Sayang di ko makita yung mukha. Ang galing niya makipaglaban. Para bang sanay na sanay na siya sa mga ganito. Natapos na ang laban at naiwan syang nakaupo. Akmang tutulungan ko na sya para tumayo ng magsalita siya.

"I don't need any help. " Cold nyang sabi sabay alis. Ay ganern? Sungit? Ako na nga itong nagmamagandang loob dito tapos ako pa susungitan? Aba matinde!

So, wala na pala akong dapat gawin dito kaya uuwi nalang ako. Pero may napansin ako sa may paanan ko. Ano ito? Panyo? Wow ang ganda! Color black! Inamoy ko. Ang bango pa. May napansin akong nakaburda.

NDG?

Ano yun? Initials? Pangalan? Baka kay kuyang sungit to. Well, sorry siya, akin nalang ito. Kapalit ng pagsusungit niya sakin. Mwehehehehe.

Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si kuya na nag-iintay. Uh-oh! Paktay! Lagot ako neto kay kuya. Huhuhu. Someone help me? T____T

"Ahm h-hello kuya? "Sabi ko kay kuya at medyo nag-aalangan pa akong ngumiti.

"At saan ka galing aber? "Tanong ni kuya na nakapameywang pa at nakataas ang kilay. Haha. Kulang nalang daster mukha na siyang nanay hahahaha. "Tinatawa-tawa mo diyan?!"sigaw ni kuya. Lagot, sumigaw na sya.

"Wala po. Kuya kasi bumili ako ng gamit for school, binisita ko si Francis saka tumambay ako sa may park. "Paliwanag ko sa kanya.

"Oh siya. Sige matulog ka na. "Sabi niya. Tumango nalang ako at umakyat na sa taas.

---------------------------------------------

[EDITED]


~Ms. Sandoval

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon