Chapter 56: Hurt

1.9K 55 1
                                    

(A/N:) This is going to be a short update. Bawi ako next chapter. Enjoy! :)

-------------------------------------------------------------------------

This is happened after Nick broke up to Louisse.

Catalina Aubrey's POV

Nandito ako ngayon sa park. Iniisip yung nalaman ko. I just can't believe it. We're cousins?! Just like what the fudge?! Pinsan ko ang kaaway ko?! Haist! Ang sakit sa ulo!

Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Dapat ko na bang isuko si Nick? Dapat ko na ba siyang pakawalan? Hindi ko kaya. Pero sa pinsan ko na siya. Aagawin ko pa ba?

Kahit na lagi kong inaaway si Louisse noon, mahal ko siya kasi pinsan ko siya. Kahit na ngayon ko lang nalaman, mahalaga na siya sakin. Kasi ngayon lang ako nagkaroon ng pinsan. Inampon lang kasi ako. At ngayon na nakita ko na ang tunay kong mga magulang, hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon na to.

Tumayo ako at naglakad-lakad. Kailangan kong magisip-isip. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa hide-out nila Nick. Eh? Bakit naman ako napadpad dito? Sa lahat naman ng pwede kong mapuntahan ito pa.

*BLAG!*

*BLAG!*

"AAAAAHHHHHH!" Nakarinig ako ng isang sigaw. Sinundan naman ito
ng isang tuning na nabasag.

May nagwawala? Sino naman? Sumilip ako sa bintana. Nakita kong gulo gulo ang mga gamit sa loob. Basag na rin ang mga vase. Pati nga rin siguro mga pinggan at baso ay binasag na rin.

Hindi ko makita yung nagwawala na lalaki kasi nakatalikod siya sakin. Pero alam ko kung kanino yung likod na yun. Tindig palang niya alam ko na.

Nick..... Bakit ka nagwawala? May problema ba siya?

Pumasok ako sa loob. Hindi niya man lang ako napansin. Napapitlag ako ng ihagis niya ang vase na malapit sa kanya.

Pagkatapos ay sumigaw nanaman siya. Paulit-ulit? Di ba siya napapaos kakasigaw? Hanggang sa napaluhod nalang siya at yumuko.

Maya-maya ay napansin kong may tumutulo sa mukha niya. Eh? Pawis niya ba yun? O umiiyak siya? Gumalaw pataas baba ang balikat niya. Halaaaaaaa! Umiiyak nga siya! Pero bakit? Bakit siya naiyak? Sa pagkakakilala ko sa kaniya ay hindi siya basta-basta naiyak.

"Louisse......" Si Louisse ang dahilan ng pag-iyak niya? Bakit, nagaway ba sila?

"Louisse...... Louisse......" Paulit-ulit niyang sabi. Nagaway nga sila.

Sa totoo lang, ngayon ko lang siya nakita na umiiyak ng ganyan. Kasi nung hiniwalayan ko siya dati mga ilang patak lang yung luha niya eh. Pero ngayon hagulgol siya. Mahal na mahal niya nga talaga si Louisse.

Nasasaktan ako at the same time naaawa. Nasasaktan ako kasi mahal na mahal niya talaga si Louisse. Na kahit anong gawin ko hindi ko na siya mababawi pa. Kasi may nagma-may ari ng iba sa kanya. At naaawa ako kasi parang sobrang nasasaktan siya. Kung dati ay hindi mo siya mapapaiyak, ngayon parang bata siyang nawawala sa kakangawa.

Ngayon ay nakapagdesisyon na ako. I'm letting him go. Pinapakawalan ko na siya. Malaya na siya. Ayoko nang pahirapan pa siya. Siguro hindi talaga kami para sa isa't-isa.

Agad ko naman siyang nilapitan. Hinimas ko ang likod niya.

"Tahan na." Sabi ko sa kanya. Nakatulala na siya. Para lang akong invisible. Hanggang sa tumulo nanaman ang mga luha niya. Mas lalo akong naawa sa kaniya. Mukhang matindi yata Ang pagaaway nila ni Louisse.

Handa akong tumulong para magkaayos silang dalawa. Kahit na masasaktan ako. Gagawin ko para sa kaniya at para sa pinsan ko.








----------------------------------------------------------


~ Ms. Sandoval




Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon