Chapter 58: I won't leave you again

2K 54 5
                                    

Louisse's POV

"Mhine! Ito pa oh!" Sabi ko sabay abot ng maraming chocolates sa sa kanya. Napakunot siya ng noo.

"Chocolates? Hindi ba sasakit ang ngipin mo diyan?"

"Nope!" Sabi ko sabay lagay ng mga chocolates na kinuha ko, sa cart.

Naggo-grocery kasi kami ngayon. Napagutusan lang ni Mama. At dahil sa makulit si mhine, isinama ko nalang siya. At isa pa, gagawin ko siyang tagabuhat huehuehue.

Anyways, ang saya pala mag-grocery lalo na pag may kasama ka. Tingin ko nga nababaliw na ako eh. Pano ba naman kasi, naiimagine ko na mag-asawa kami ni mhine. Tapos naggo-grocery kami kasi wala ng stock ng pagkain sa bahay namin. Tapos susunduin namin yung mga anak namin sa school nila.

Waah! Ang layo na ng narating ng imagination ko! Mag-asawa daw kami? Wahahahaha! Sana nga hakhak.

"Mhine, dun muna ako sa may meat station ha? Dun ka naman sa toiletries." Sabi niya. Tumango ako at nagtungo na sa toiletries section.

Hmmmm. Tissue, where are you? There! Nakita din kita! Pagkatapos kong kuhanin ang lahat ng mga kailangan, ay agad ko namang pinuntahan si mhine sa meat station.

"Ahm, kuya pwede po ba malaman ang pangalan mo?" Naabutan kong may babaeng nagpapa-cute kay mhine. I think mas matanda siya samin ng 3 years? Todo pa-cute naman siya sa harap ni mhine.

"I'm Nicholas, you are?" Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi ni mhine. Aba't sinabi niya pa talaga ang pangalan niya ha?

"I'm Sophia. You can call me Pia." Sabay lagay ng buhok niya sa likod ng tenga niya. Pwe! Di ka maganda teh!

"By the way, are you single?" Nang marinig ko yun ay agad na akong sumingit sa kanilang napakasayang usapan *note the sarcasm*.

"He's not single anymore." Tumabi ako kay mhine at hinarap si Ate girl. Tinaasan niya ako ng kilay. Infairness, maganda kilay niya ah. Pero mas maganda pa rin yung akin hakhak.

"At sino ka naman para sabihing hindi na siya single?" Tinaasan ko din siya ng kilay. Hindi ako ang nagsimula ah. Sinasabayan ko lang siya.

"Hindi na importante kung sino ako. Ang sinasabi ko lang ay layuan mo na tong lalaking to kasi may nagma-may ari na sa kanya. So back off." Mataray kong sabi sa kanya.

"Huh! Why would I? Eh hindi mo nga maharap sakin yang girlfriend kuno ni Nicholas eh." Napairap nalang ako. Bakit ba nakikipagtalo pa to sakin? Bat di nalang siya umalis?

"You're right Pia, I don't have a girlfriend." Nagulat ako sa sinabi ni mhine. Wtf?! Ikinakahiya niya ba ako?! Tuwang-tuwa naman si Ate girl.

"See? Sabi ko na ng---------"

"Because the woman standing in front of you right now is my wife." Saka niya hinapit ang bewang ko.

Napamaang nalang si Ate girl. Maya-maya pa ay umalis na siya na hiyang-hiya.

Gosh! Di ko ineexpect na sasabihin niya yun! Kyaaaaaaah! Kinikilig akooooo! >/////<

"So, nakuha mo na ang mga kailangan mo?" Tumango nalang ako bilang sagot.

Pumunta na kaming cashier. Marami-rami rin kaming nabili.

Sa di kalayuan ay nakita ko si Ate girl na nakatingin ng masama samin. Naramdaman ko nalang na inakbayan ako ni mhine.

"Wag mo nalang siya pansinin mhine." Bulong niya sakin.

"Kung hindi mo kasi kinausap, edi sana hindi siya magagalit sakin."

"Eh nagtatanong siya eh. Alangan naman na hindi ko siya sagutin." Sasagot pa sana ako kaso, naunahan ako ng cashier.

"5,796 po lahat Sir." Tapos nagpa-cute nanaman siya kay mhine. Yung totoo, ilan bang babae ang magpapa-cute kay mhine?


"Here." Saka niya inabot yung credit card niya. Nang kinuha ito ni ateng cashier ay sinadya niyang hawakan ang kamay ni mhine. Kilig na kilig naman si ate. Aish! Naman eh!


Agad akong yumapos kay mhine.


"Asawa koooooooo, matagal pa ba yan?" Malambing kong sabi sa kanya. Bahagyang natawa si mhine.


"Saglit nalang to, asawa ko." At nginitian niyo ako. Napasimangot naman si ateng cashier.


Sa wakas ay nakaalis na din kami sa supermarket na yun. Grabe! Ka-stress sa loob nun ah!


"Mhine are you ok? Kanina ka pa nakabusangot diyan ah?" Inis ko siyang hinarap.



"Pano ba naman kasi! Pa-cute ng pa-cute sayo yung mga babae dun sa loob! Nakakainis!" Malakas siyang tumawa. Luh? Na-abno nanaman ba to?



"Tawa ka diyan!" Singhal ko sa kaniya.



"Hahahaha! Ang selosa mo pala mhine?" Patuloy pa rin siya sa pagtawa.



"No I'm not! Nakakainis lang sila kaya ganun!" Napa-pout nalang ako.



"Sus! Aminin mo na mhine! Nagseselos ka lang eh." Habang nasa byahe kami ay kinukulit niya pa rin ako. Ayaw niya talaga akong tigilan.

Hanggang sa napansin ko nalang na huminto na pala kami sa isang park. Alam ko tong park na to ah. Ito yung......


"Mhine." Tawag niya sakin. Nilingon ko siya. Seryoso na ang mukha niya ngayon.


"Bakit?"


"Alam ko kung ano ang ala-ala natin sa lugar na'to." Hindi ko yun makakalimutan. Kasi dito siya nakipaghiwalay sakin.



"Gusto kong palitan yang ala-ala na yan. Gusto ko pag pupunta tayo dito, masaya ang maaalala mo." Napangiti ako sa sinabi niya. Bumabawi nga talaga siya sakin.


"Gusto kong humingi ng tawad sayo. Kasi iniwan kita basta basta. Iniwan kitang mag-isa. At ngayon, gusto kong bumawi sayo. And I promise, I will never leave you again. Never." Sabi niya habang nakatingin ng diretso sakin.



Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Sobrang saya ko. I just can't help falling in love with him deeper and harder.







-------------------------------------------------------------


~ Ms. Sandoval







Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon