Chapter 22: Avoiding Him

3K 86 3
                                    

Louisse's POV

Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala sa narinig ko kahapon. Biruin mo, nagseselos pala si Nick? Akala ko pusong bato yun eh.

By the way, nandito na ako sa school. As usual, mag-isa lang ako. Ang tagal naman kasi pumasok nila Hannah eh.

Maya-maya, biglang may tumabi saking babae. Maganda siya.

"Hello Louisse." Sabi niya habang nakangiti.

"Pano mo nalaman pangalan ko?" Tanong ko sa kanya.

"Narinig ko lang sa ibang students. By the way, I'm Lizelle." pagpapakilala niya.

"Nice meeting  you Lizelle."

"Ano kayo ni Nicholas?"

"MagkaibiganBakit?"

"Nothing. I have to go na. Bye, see you when I see you." sabi niya at nag-wave syempre, nag-wave din ako. Sakto naman paglabas ni Lizelle, ay ang pagpasok nila Hannah.

"Mga bruha kayo! Bakit ang tagal nyo?" Salubong ko sa kanila.

"Sorry naman po mahal na prinsesa. Na-traffic lang po kami." Sabi ni Jhoanna. Hmm.... May naisip ako. Bwahahahaha.

"Hmp! Bahala kayo diyan!" sabi ko tapos nag-cross arms at tumalikod sa kanila. Tignan natin kung anong gagawin nila.

Niyakap nila ako.

"Hala! Nagtatampo baby namin!" sabi ni Amethyst.

"Wag kang mag-alala maaga na kaming papasok."

"Talaga?" sabi ko.

"Oo naman!" sabi ni Jhoanna.

"Sabi niyo yan ha!" sabi ko at niyakap sila pabalik.

"Babe, ako walang yakap?" Nagulat kami ng may nagsalita. Si Lucas lang pala kasama sila Joaqin at Sean. Nasan kaya si Nick? Kumalas naman sa yakap si Jhoanna at nilapitan si Lucas.

"Gusto mo ng hug?" tanong nya kay Lucas.

"Yes babe." sabi ni Lucas na parang kumukinang pa yung mga mata niya.

"Sige, back hug kita."sabi ni Jhoanna tapos pumunta sa likuran ni Lucas. Tapos, bigla niyang sinakal. Haha!

"Aack! Aack! Babe tama na!"sabi ni Lucas. Hahaha akala niya talaga yayakapin siya ni Jhoanna eh. Binitawan na niya si Lucas.

"Ano, gusto mo pa ng yakap?" tanong sa kaniya ni Jhoanna.

"Ayoko na babe. Holding hands nalang tayo." Sabi ni Lucas. Akmang kukunin na ni Lucas yung kamay ni Jhoanna ng bigla siyang suntukin nito.

"Ano?! Di ka talaga titigil?!" 

"Ouch naman babe! Ang sadista mo naman! Pasalamat ka....."  sabi ni Lucas.

"Pasalamat ano?!" singhal sa kanya ni Jhoanna.

"Pasalamat ka mahal kita." sabi niya at kumindat kay Jhoanna.

"Ayiee!" asar namin sa kanila. Syempre nangingibabaw yung boses ko. Namula naman si Jhoanna.

"Ayiee! Kinikilig siya!" asar ko pa sa kanya.

"Heh! Manahimik nga kayo!"  sabi niya at umupo sa upuan niya. Binalingan ko naman si Sean.

"Sean, nasan si Nick?" 

"Ewan ko,wala ngang paramdam samin eh." Sagot niya.

"Ayiee! Bakit mo hinahanap? Ikaw ha!" pang-aasar sakin ni Jhoanna. Bumabawi  lang yan sa pang-aasar ko sa kanya kanina.

*BOGSH!*

Lahat kami napatingin sa may pintuan. Nakita namin si Nick na papasok. My sugat siya sa gilid ng labi niya. Dire-diretso lang siyang naglakad papunta sa upuan niya. Pagkaupo, agad niyang pinikit ang mga mata niya.

San siya nanggaling? Atsaka bakit may sugat siya? San naman niya nakuha yan? Hindi kaya........NAKIPAG-AWAY SIYA SA ALIENS?! Holo! Siguro kaya siya nakipag-away sa aliens para sa kaligtasan ng universe.

"Sean, bakit hindi niyo naman sinamahan si Nick?" bulong ko sa kanya.

"Ha? Saan?"

"Diba nakipag-away siya sa aliens kaya siya late at may sugat?"

"Pfft. Ano ka ba Louisse hindi siya nakipag-away sa mga aliens."

"Ha? Eh bakit siya may sugat?"

"Hindi ko rin alam eh. Sige kakausapin ko lang siya." Sabi niya at nilapitan si Nick. Ganun din yung ginawa nila Lucas at Joaqin. Dumating na si Ma'am kaya nagsi-ayos na kami. Agad naman siyang nag-start ng klase.

---------------

Hindi pa ba 'to tapos? Ang tagal naman, nagugutom na ako eh. Waah! Ma'am bilisan mo na!

"Okay. Class dissmiss." sabi ni Ma'am at umalis na. Yehey! Tapos na! Agad akong tumayo at hinila sila Amethyst papuntang canteen. Saka isa pa, iniiwasan ko si Nick. Nahihiya kasi ako. Alam mo yung feeling na kahit wala kang kasalanan, nahihiya ka? Yun yun eh.

Umupo na kami sa table na madalas naming pagkainan. Sila Hannah at Jhoanna na ang nag-order ng pagkain namin.

"Louisse, may problema ba kayo ni Nick?" Biglang tanong ni Amethyst sakin.

"Ha? Wala naman."

"Weeeehh."

"Pano mo naman nasabi na may problema kami?"

"Kasi, kung okay kayo, sana kanina pagdating niya ay kinulit mo na siya. Saka tignan mo, hindi na sila sumabay satin. May hindi ka ba sinasabi samin?" Kaibigan ko nga talaga siya. Kahit na magsinungaling ako, alam niya pa rin yung totoo. Kaya kinwento ko na sa kanya yung nangyari sakin kahapon.

"What?! Nagselos siya?!"

"Ssshh. Wag ka nga maingay." saway ko sa kanya.

"Ha? Sino nagselos? " tanong ni Hannah na kakarating lang.

"Ikaw na magsabi." sabi ko kay Amethyst. Sinimulan naman na niya ang kwento.

"Oh my gosh! Nakakakilig kayo!" - Jhoanna.

"Kyaah! He's jealous!" - Hannah.

"Wag nga kayo maingay." saway ko sa kanila.

"Pero alam mo, ang tanga mo. Bakit mo ba siya iniiwasan?" - Amethyst.

"Nahihiya kasi ako."

"Bakit ka naman nahihiya?" - Hannah.

"Hindi ko nga alam eh. Basta nahihiya ako."

"Pero kyaah! Biruin mo, yung crush mo, nagseselos!" - Jhoanna.

"Manahimik ka na nga Jhoanna. Halika na baka ma-late pa tayo." sabi ko at tumayo na.






----------------------------------------------------



[EDITED]






~ Ms. Sandoval

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon