Chapter 44: I hate you!

2.2K 60 5
                                    

Kenneth Luigi's POV 




"Ken? Bakit di ka pa nagda-drawing?" 




"Hello? Ang tagal mo naman!"




"Hey! Hanuna? Magda-drawing ka pa ba?"




"Haist! I'm sure wala tayong mapapasa niyan."




"Ken! Bilisan mo na!" Aish! Ang ingat talaga ng babaeng to. 




"Pwede ba?! Paano ako makakapag-concentrate sa pagda-drawing kung ang ingay mo?!" Nakakainis na siya. Kanina pa siya dada ng dada diyan. 




"Drawing?! Eh wala ka pa ngang nadodrawing eh! Tignan mo oh! Blanko yung papel! Blanko!" Ang lakas naman ng boses nito, pasalamat siya---




"Ssshhh! Quiet!" Sita samin nung masungit na librarian. Haha wala kasi yang asawa kaya masungit. 




"Ayan! Ang ingay mo kasi eh!" Wow ha! So ako pa ngayon?!




"Wow! Ako pa?! Ako pa ang maingay?!" 




"I SAID QUIET!! Kung di niyo kayang gawin yun, lumabas nalang kayo sa library ko!" Naku, mukhang galit na siya. 




"Wag ka na ngang magsalita diyan." Bulong sakin ni Zhane. Tignan mo, kahit bulong malakas parin ang boses niya. 




"Anong ako? Eh ikaw nga yung salita ng salita diyan eh. Tsk." 




"Huh! Ulol! Don't me Ken! Di mo ako maloloko noh!" Sabi niya habang nakataas ang middle finger niya. Wow lang talaga ha! Ako pa namura ngayon?!




"GET OUT! YOU TWO! GET OUT OF THE LIBRARY! NOW!!!" Nagulat ako ng biglang may sumigaw sa likuran namin. Andyan na pala yung masungit na librarian. Tss! Kahit kailan talaga tong babaeng to, pahamak. 

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon