Chap. 2

1.1K 84 4
                                    

AN : UNANG PAGTATAGPO

 

 

Tuluyang pinauwi si Kokak sa Pilipinas. Kaya pagkatapos ng 2 Linggo...

 

 

Maagang nagising si Yuna. Kailangan n’yang pumasok sa eskwelahan. Bago s’ya umalis ay kinuha muna n’ya ang mga bagahe ni Kokak. Dahil ipapadala n’ya sa Pilipinas.

 

Muling nagkita sila ni Shi Woo..

 

 

“Yuna, ipapadala mo ba ang mga bagahe ni Kokak sa Post Office? O sa mga byaherong Pinoy?- Shi Woo

 

 

Tumango si Yuna.

 

 

“Oo, sa mga Byaherong Pinoy ko ipapadala. Ihahatid ko nalang kay Ate Vergie. Si Ate Vergie na ang bahala.”

-Yuna

 

 

“Bakit hindi nalang ikaw ang maghatid ng mga bagahe ni Kokak sa Pilipinas? Tutal matagal mo nang gustong magbakasyon. Tsaka, para naman masubukan mong bumiyahe ng malayo.”

 

-Shi Woo

 

 

“Ako? Anong alam ko sa Pilipinas? Marunong naman akong mag-English ng kunte..Pasalamat din ako kay Kokak dahil sa kanya natuto akong magsalita ng Tagalog at English..Pero alam mo, interesado akong malaman ang mga bagay bagay sa Pilipinas.” - Yuna

 

 

“May naisip ako..tutal kahit hindi ka naman magtatrabaho mabubuhay ka. Siguro naman, hindi agad mauubos ang pera mo kung magbakasyon ka muna doon ng mga 4 na buwan.”

Shi Woo

 

 

“Nagpapatawa ka ba? Anong gagawin ko doon? Hindi ako sanay na hindi nagtatrabaho. Hindi ako katulad ng mga ibang babae d’yan na porke’t nakatapos sila ng kolehiyo ayaw nilang humawak ng putik sa bukid. Ako walang pili. Ang importante MABUBUHAY AKO..kahit saan!” - Yuna

 

 

“Alam ko na naman eh, pero susuportahan kita. Pero kailangan kumbinsihin mo si Kokak na tanggapin n’ya ako. Gusto ko s’yang maging asawa.” - Shi Woo

 

 

“Eh tanga ka pala. Nandito si Kokak hindi mo niligawan.” -Yuna

 

 

“Hindi ko alam paano s’ya lalapitan. Nahihiya ako.” -Shi Woo

 

 

“Ahh..nahiya ka pero nung dumating ang mga pulis at immigration officer sa factory, lakas loob mong sinabi na ASAWA mo s’ya. Chareso! ( Magaling! )

Umirap si Yuna.

 

 

“Wala na akong naisip nung mga panahon na ‘yon.” - Shi Woo

NE SARANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon