Chap. 13

922 69 4
                                    

Chap. 13

Umabot sa kaalaman ni Magnolia ang pagdating nina Aldrin at Yuna sa Villa. Kaya napag-isipan n’yang muling dalawin si Aldrin sa Villa. Umaasa s’yang may natitira paring pagmamahal si Aldrin sa kanya.

Alam ni Magnolia na malambot ang puso ng binata. Alam din ni Magnolia na kahit ikinahihiya sina Aldrin ng kanilang pamilya..Hindi parin kinakalimutan ni Aldrin na bigyan galang ang pamilya Vera.

Malaya parin ang mga Vera makalabas pasok sa Hacienda ni Aldrin. Tanging pamilya ni Marco at Magnolia ang kalimitang pumapasok sa Hacienda. At kung umasta sa mga tauhan na tilang sila parin ang nagmamay-ari.

Ipinarada ni Magnolia ang kanyang kotse sa harap ng Villa. Pumasok s’ya sa loob ng bakuran..Alam n’yang sa mga sandaling ‘yon ay wala na si Aldrin at ang kanyang maabutan ay si Yuna..

Inabutan n’yang si Yuna na nagdidilig ng mga halaman..

“Wow, ginagampanan mo narin pala ang pagiging katulong sa bahay na ito. Ano pa ang pwede mong gawin Yuna?” Biglang sulpot ni Magnolia sa likuran ni Yuna.

“M-Magnolia...Good Morning!” Bati ni Yuna.

“Saan ka ba dinala ni Aldrin?” - Magnolia

“Pumunta kami ng Dakak..” Sagot naman nito. Hindi makatingin ng tuwid si Yuna kay Magnolia. Sa hindi n’ya malamang dahilan nakadama s’ya ng takot sa babae.

“Ganun. Hindi ko alam kung anong balak mo kay Aldrin. At hindi ko rin alam kung anong pinakain mo sa kanya; at biglang nagbago ang ihip ng hangin at nagkagusto s’ya sa ‘yo. Hindi kaya may lahi kang mangkukulam?” - Magnolia

Parang may bumara sa lalamunan ni Yuna. Hindi n’ya magawang sumagot.

Humakbang si Magnolia..at lumapit kay Yuna..

“Ano man ang binabalak mo..malalaman ko rin. Hindi ka naman pupunta dito at aakitin si Aldrin kung wala kang DAHILAN, hindi ba? Binabalaan kita Yuna, hindi ka magtatagumpay.”

Magnolia

Hindi inakala ni Yuna na ganun ang sasabihin sa kanya ni Magnolia. Nakita ni Magnolia na may isang baso ng juice sa mesa na malapit sa kinatatayuan ni Yuna. Agad n’yang kinuha at itinapon ang juice sa mukha ni Yuna.

“Huh!” Gulat si Yuna.

“Yan ang nababagay sa ‘yo..MALANDI!” Sigaw ni Magnolia. Agad naman lumabas si Laura..

NE SARANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon