Chap. 20

775 73 4
                                    

  

Muling nagRedial si Aldrin sa cell phone ngunit hindi na pumasok sa linya. Halos gusto n’yang itapon ang cell phone sa sobrang inis.

“Damn!” Napahigpit ang hawak ni Aldrin sa cell phone. Napasandig s’ya sa pader. At napaupo.

Ngayon tumatakbo sa isip ni Aldrin ang kanyang narinig..

“ Yuna-ya, our little boy needs you..”

“Yuna-ya, our little boy needs you..”

“OUR LITTLE BOY NEEDS YOU...”

Sabayan pa ng iyak ng sanggol na naririnig n’ya...umi-echo sa loob ng utak ni Aldrin..

“SHIT!!” Hindi napigilan ni Aldrin at naitapon ang cell phone. Sabay suntok n’ya sa pader.

“Mang Berting papalitan ko ang cell phone...h’wag kayong mag-alala.” Pikit matang hinarap ni Aldrin ang matanda. Tumalikod at umalis.

“Anong nangyari?” Tanong ng isang kasamahan ni Mang Berting.

“Hayaan n’yo s’ya. Nagkakaproblema si Aldrin.” - Mang Berting.

Naglakad si Aldrin pabalik ng kanyang pamamahay..Hindi n’ya pinapansin ang mga taong nakamasid sa kanya..

Nang makarating s’ya sa kanyang tahanan, agad s’yang pumanhik patungo sa kanyang silid. Inabutan n’yang nasa silid n’ya si Magnolia.

“Anong ginagawa mo dito Maggy? This is not your room. Please get out.” utos nito kay Magnolia.

Masama ang titig ni Aldrin kay Magnolia. Naunawaan naman ni Magnolia ang reaksyon na nakikita sa mukha ni Aldrin kaya agad s’yang sumunod.

Bago pa man lumabas si Magnolia sa silid ni Aldrin..

“ MAGGY, THERE’S NO LOVE BETWEEN US ANYMORE. DON’T EXPECT TOO MUCH.”

Napagkagat ng labi si Magnolia...

“ I NEED POWER. NOT LOVE.” Bulong ni Magnolia sa kanyang isipan.

-----------------------------------------------------------------

NE SARANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon