AN : IN LOVE SILANG DALAWA..
Natutulog pa si Aldrin nang bumukas ang kanyang silid. Naramdaman n’ya ang taong pumasok. Lihim s’yang ngumiti. Alam n’ya papalapit ito sa kanya...Hinintay n’yang maupo ito sa kanyang kama..
Nanatili s’yang nakapikit..nang naramdaman n’yang umupo na ito sa kanyang tabi ay agad n’yang hinapit ang baywang nito at niyakap..kaya napahiga si Yuna sa kama..
“Gyaaaaa!!!!” Pagtitili ni Yuna..
“Wala kang takas..!” Sabi ni Aldrin habang niyapos ng mahigpit ang dalaga.
Pilit isiniksik ni Aldrin si Yuna sa kanyang dibdib .
At hinalikan ang noo nito..
“Sarap gumising sa umaga ikaw ang una kong makikita..” Sabi ni Aldrin.
“Mmmmmm...ang galing mong mambola..” Sabay kurot ni Yuna sa pisngi ni Aldrin.
Muling niyapos ni Aldrin si Yuna..
“I love you...” Sa sinabi ni Aldrin napapangiti si Yuna ng husto.
“Alam mo, ang aga- aga pinapakilig mo na ako..” Sabi ni Yuna.
“Ang aga-aga pinapainit mo na ang katawan ko...” Pilyong sinabi ni Aldrin..nabasa naman ni Yuna ang nasa isip ni Aldrin..
“Hoy, hindi porke’t sinagot kita kung anu-ano ang nasa isip mo.. Bumangon ka na nga!” - Yuna
Hindi bumangon si Aldrin bagkus dinaganan si Yuna at..
Hinalikan ang dalaga..
“You’re mine Yuna..and I’m yours...” Bulong nito habang titig na titig sa mga mata ni Yuna..
Pigil hininga naman si Yuna..nagsisimulang nagwawala ang mga paruparo sa kanyang dibdib. Hinalikan ulit s’ya ng binata..nadama n’ya ang isang matigas na bagay na bumubundol sa kanyang tiyan...
“Aldrin..hindi ako handa..” Ang sabi n’ya..
“Wala naman akong gagawin sa ‘yo.” Ngumiti si Aldrin..
“H’wag ka na ngang magmaang maangan d’yan. Ikaw pa!” - Yuna
Kasabay tumawa si Aldrin..
“Anong nakakatawa dun? Naniniguro lang ako.” Sabi ni Yuna.
“Oo na. Hindi ko gagawin ‘yon sa ’yo maliban kung sasabihin mo.” -Aldrin.

BINABASA MO ANG
NE SARANG
RomanceFilipino - Korean Love Story. ALDRIN VERA/ ATTIERA & YUNA GWON ----------------------------------------- Kung nagustuhan ninyo ang MY GOODNIGHT GIRL..Basahin n'yo ito. IMAGINATION lang pairalin n'yo. SALAMAT!