Chap. 1

2.6K 94 6
                                    

Author's Note : Bago ang lahat nais ko pong ipaalala sa inyo HINDI AKO MAGALING NA WRITER.

                         INTINDIHIN NINYO ANG STORY..H'WAG PARATING NAKAFOCUS SA KILIG MOMENTS..KUNWARI NANUNUOD TAYO NG TV...

Korea, 6:00am

KRINGGGGGGGGG....KRINGGGGGGGGGG..

"Yoboseyo?" ( Hello )

( Yuna, gumising ka na..Ala-sais na nang umaga. Pumunta ka na dito sa TANIMAN NATIN NG SILI ..Kailangan namin ng tulong mo.Bilis! )

"Ne." ( Yes )

Napilitang bumangon si Yuna. Kahit gusto n'ya pang matulog, wala s'yang magagawa. Kailangan n'yang tulungan ang kanyang ama't ina sa kanilang TANIMAN. Kaya agad nagbihis at pumunta sa kanilang taniman ng sili; kung saan naghihintay ang kanyang mga magulang. Walang hilig kumain ng almusal si Yuna sa umaga.

Merong tatlong kapatid na lalaki si Yuna, lahat sila ay nasa Seoul. Doon sila nagtatrabaho. Tanging si Yuna lang ang naiwan na kasama ang kanyang mga magulang. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Yuna. Hanggang High School lang s'ya. Wala s'yang hilig sa pag-aaral. Gayun pa man, may 2 apartment na pinapaupahan si Yuna. May sarili s'yang pera sa bangko.

Lahat ng pera na meron si Yuna ay bigay sa kanya ng kanyang mga magulang. Mahal nila si Yuna dahil nag-iisang babae na anak.

Mula sa isang MAY KAYANG PAMILYA SI YUNA.

Tuwing Sabado at Linggo tinutulungan n'ya ang kanyang mga magulang sa kanilang taniman. Lunes hanggang Byernes, nagtatrabaho s'ya bilang Pre-School Assistant. Mahilig si Yuna sa mga bata. Mahilig rin makipagkaibigan si Yuna. Isa sa naging kaibigan ni Yuna ang isang illegal worker na si KOKAK.

Si Kokak ang naging dahilan na natutong magsalita ng Tagalog si Yuna. Dahil doon naging marami ang kaibigan ni Yuna na mga Pilipino.

Pag-aari ng Tiyuhin ni Yuna ang pinapasukang pagawaan ni Kokak; ang Ceramic Plates and Pottery. Stay- in sina Kokak sa loob ng factory. Kaya araw-araw silang nagkikita ni Yuna. Malapit lang ang bahay nina Yuna sa factory. At halos mga kamag-anak ni Yuna ang nakatira sa buong baranggay.

"Koky,,,Koky..." Tawag ni Yuna.

"Magandang gabi, bayan!" Biglang sinalubong ni Kokak ang kaibigan. May tapal na facial mask ang mukha ni Kokak.

"Ya! Kamchak nolaso.." ( Nakakagulat! ) Sigaw ni Yuna.

"Ha ha ha ha..Grabe, hindi ko madrawing 'yong mukha mo pagnagugulat!" - Kokak

"Kokak nakakainis ka!" Sabay kurot ni Yuna sa pisngi ng kaibigan.

"O ba't ka naman napunta dito?" Tanong ni Kokak.

"Kasi, gusto kong makipagkwentuhan sa 'yo." Nakangiting sinabi ni Yuna.

"Ano na naman ang gusto mong malaman?" Nakakunot ang noo ni Kokak na tinanong ang kaibigan. Habang tinatanggal ang facial mask.

"Kasi napapansin ko parati kayong nagpapadala ng pera sa Pilipinas. Bakit ba?"- Yuna

"Kasi sa amin umaasa ang aming mga pamilya..mahirap lamang kami Yuna. Maswerte nga kami dahil nakarating kami dito. Kahit mahirap ang trabaho dito..malayo kami sa pamilya tinitiis namin; matulungan lang ang pamilya namin makaahon sa hirap. KAKAPIT KAMI SA PATALIM." - Kokak

"Ahhh..wala bang trabaho ang mga kamag-anak n'yo sa Pilipinas?" - Yuna

"Meron naman. Pero hindi sapat ang kinikita." -Kokak

NE SARANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon