Umalis si Magnolia sa Villa ni Aldrin, umaasa s’yang pipigilan s’ya ng binata. Ngunit nakarating na lamang s’ya sa labas hindi s’ya sinundan..Hindi tulad ng dati nang maghiwalay sila...
FLASH BACK ( AGAIN )
Nadiskubre ng pamilya ni Magnolia ang lihim nilang relasyon ni Aldrin..
“Punyeta! Anong nakain mo Magnolia at naisipan n’yo ni Aldrin ang gawin ang bagay na ito? hindi ka ba nahihiya? Minsan nang nilagay ng Tito Carlo mo ang kahihiyan sa pamilya natin. Uulitin n’yo na naman.
Kaya nagkakabwisit bwisit ang Hacienda dahil sa inyo. At itong si Aldrin, hindi mo dapat maging nobyo..NAKAKAHIYA ANG KANYANG INA. INAKIT NG KANYANG INA ANG ISANG LALAKING MAY ASAWA..AT NAGBUNGA ANG KASALANANG ‘YON!
Salaysay ng ama ni Magnolia.
“Papa, mahal namin ni Aldrin ang isa’t isa..” Mangiyak ngiyak si Magnolia.
“Kung pipilitin mong makisama kay Aldrin; ipapakasal na kita sa anak ng kaibigan ko. Tsaka isa pa, hindi mabibigay ni Aldrin ng luho mo..DAHIL KAHIT ISANG KAPIRASONG LUPA SA PILIPINAS AY WALA SILA! ”
Hindi gusto ni Magnolia na ipagkasundo s’ya sa iba. Takot si Magnolia na itakwil ng kanyang pamilya. Kailangan n’yang pumili...AT PINILI N’YA ANG KANYANG MAGULANG AT PAMILYA.. DAHIL INISIP N’YANG MAUUNAWAAN S’YA NI ALDRIN.
Nang muli silang magkita ng binata..
“Aldrin, tapusin na natin itong relasyon natin..mahihirapan lang tayong pareho. Ayaw kong labagin ang gusto ng mga magulang ko.” - Magnolia
“Maggy, mahal kita alam mo ‘yon. Ba’t ang bilis mong magdesisyon ng ganun?” - Aldrin
“Dahil kung pipilitin kong ipagpatuloy itong relasyon natin ipapakasal ako ni Papa sa iba. Ayaw ko rin mangyari ‘yon.”
Magnolia.
Agad tumalikod si Magnolia kay Aldrin at simulang lumakad palayo.
Hinabol s’ya ni Aldrin at niyakap ng mahigpit..
“Maggy, please don’t leave me..stay with me.” Garalgal na boses ni Aldrin.
“I’m sorry, Aldrin..LET ME GO..” Napapaluha rin si Magnolia ngunit hindi s’ya napigilan ni Aldrin sa naging desisyon n’ya.
Bakit ngayon kung kelan malinaw at ayos na ang lahat; kung kelan pwede na silang magsama..bakit merong hadlang parin..HINDI ANG PAMILYA VERA KUNDI ISANG BABAENG HINDI NAMAN NILA KILALA..SA ISA LAMANG BISITA AY IPINAGPALIT S’YA NI ALDRIN.
“ Ako ang may karapatan sa ‘yo Aldrin.. ako lang!” Nasabi ni Magnolia habang nakatingin sa Villa.
BINABASA MO ANG
NE SARANG
Storie d'amoreFilipino - Korean Love Story. ALDRIN VERA/ ATTIERA & YUNA GWON ----------------------------------------- Kung nagustuhan ninyo ang MY GOODNIGHT GIRL..Basahin n'yo ito. IMAGINATION lang pairalin n'yo. SALAMAT!