EPILOGUE

1.3K 116 56
                                    

Author's Note : May pahabol na eksena na action..

Habang nagluluto si Yuna may kumatok sa pinto.

TOK TOK TOK

Malakas ang pagkatok na tila ba nagmamadaling makapasok ang taong dumating..

Agad pinagbuksan ni Yuna..

“Minsu....”

Hindi lang nag-iisa si Minsu na dumating kundi kasama nito ang ama at ina ni Yuna.

“Yuna-ya..umayos ka. Aalis tayo ngayon, sumama ka sa amin dahil pupunta tayo sa City Hall para mag-apply ng marriage license ninyo ni Minsu.”

“Anong ibig n’yong sabihin ipapakasal ninyo ako kay Minsu? Appa, hindi pwede.” - Yuna

“Anong hindi pwede?” Tumaas ang boses ng Ama ni Yuna.

Mula sa silid ng bata lumabas si Aldrin. Nabigla ang mga magulang ni Yuna nang makita si Aldrin. Kalong ni Aldrin ang kanilang anak.

“Nu gu n’ya? ” ( Sino ‘yan ? ) Tanong ng ama ni Yuna.

“Minho Appa. ” ( Minho’s father )

“Hok shi?” ( Don’t tell me...) - Ina ni Yuna

Nanlaki ang mga mata ni Minsu sa naisip ng ina ni Yuna.

Bigla n’yang hinawakan ang kamay ni Yuna.

“Yuna, h’wag mong gagawin muli ang pagakakamaling minsan mong ginawa.” - Minsu

“Wala akong maling ginawa Minsu. Nagmahal ako..pilit lang kaming pinaghiwalay..Mahal namin ang isa’t isa.” - Yuna

Biglang lumapit ang ama ni Yuna at sinampal si Yuna kaya napaupo sa sofa.

NE SARANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon