Chap. 19
Pagkalipas ng isang buwan..habang abala si Aldrin na nakikipag-usap sa mga tauhan nito..dumating si Magnolia..
“Aldrin..pwede ba kitang makausap.” Mahinahong sinabi ni Magnolia.
Lumapit naman si Aldrin. Lumakad sila ni Magnolia sa lilim ng isang puno.
“Aldrin..hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa ‘yo...hindi ko alam kung matatanggap mo ito..BUNTIS AKO.”
Nabigla si Aldrin sa sinabi ni Magnolia..
“Ako ang ama...” Parang mapaluha si Aldrin..Hindi s’ya makapaniwala.
Bigla s’yang tumalikod.
Kinabahan si Magnolia sa naging reaksyon ni Aldrin.
“Aldrin..ano ang desisyon mo?” - Magnolia
“Ituloy mo..Anak ko s’ya paninindigan ko s’ya.” Sagot ni Aldrin.
Ngumiti si Magnolia at napayakap kay Aldrin. Hahalikan n’ya sana si Aldrin ngunit umiwas ito.
Alam ni Magnolia na napipilitan si Aldrin, ano pa man ‘yon HINDI N’YA DAPAT INTINDIHIN DAHIL tagumpay s’ya sa kanyang plano.
Hindi parin makapaniwala si Aldrin sa narinig mula kay Magnolia. Bakit ba hindi s’ya nakadama ng kahit anong saya? Pakiramdam n’ya kung sana si Yuna ang nakapagsabi ng ganun..MAPAPAHIYAW S’YA SA TUWA..
-------------------------------------------------------------------
Samantala sa Korea, balik trabaho naman si Yuna. Hindi man n’ya magawang tulungan ang kanyang mga magulang sa kanilang taniman dahil na nga sa anak nito..nakaisip na panibagong pagkakakitaan si Yuna..ang pagtutulak at pagbibenta ng mga Philippine Food and Products.
Napadali kay Yuna ang lahat dahil na nga sa marunong s’yang makipag-usap sa mga Pilipino.
Hanggang isang araw..
“Yuna may problema ako..walang mapagkunan ng mangga ngayon. Maraming naghahanap dito ng mangga at ibang prutas galing Pilipinas. May kilala ba kayo ni Kokak na pwedeng mapagkunan?” Tanong ni Vergie
“Meron..pero si Kokak ang magkikipag-ugnayan sa kukunan natin ng prutas.” Naisip agad ni Yuna si Aldrin.
“Bakit hindi nalang ikaw? Marunong ka naman makipag-usap sa Tagalog.” - Vergie
BINABASA MO ANG
NE SARANG
RomanceFilipino - Korean Love Story. ALDRIN VERA/ ATTIERA & YUNA GWON ----------------------------------------- Kung nagustuhan ninyo ang MY GOODNIGHT GIRL..Basahin n'yo ito. IMAGINATION lang pairalin n'yo. SALAMAT!