Chap. 15

775 70 7
                                    

Chap. 15

Walang nagawa sina Kokak at mga kasambahay na pigilan ang mga awtoridad. Mistulang walang bahid ng takot si Yuna na sumama sa mga pulis at alagad ng Immigration.

Tanghali na nang magising si Aldrin. Agad s'yang nagbihis. Nakita n'yang masarap parin ang tulog ni Magnolia. Nakaramdam ng kaba si Aldrin. At nakukunsensya s'ya sa nangyari sa kanila ni Magnolia. Agad sumagi sa isip n'ya si Yuna.

Nagmamadali s'yang umalis pauwi ng Villa..

Pagpasok ni Aldrin sa loob ng bahay...nakita n'yang nakaupo sa sofa si Kokak at umiiyak..

"Kokak...Anong nangyayari?" tanong ni Aldrin..

"Aldrin...si Yuna...dinala ng mga pulis...Aldrin, tulungan mong makalabas si Yuna..wala s'yang kasalanan..pauwiin n'yo na lang s'ya sa Korea..Maawa ka sa kaibigan ko..." Kasabay na humagulgol si Kokak.

"Bakit s'ya uuwi ng Korea? Hindi ba't taga Socsargen s'ya?" Nalilito si Aldrin.

Umiling si Kokak..

"ISA S'YANG KOREANA.. PINSANG BUO NG ASAWA KO..." - Kokak

"Saan nila dinala si Yuna?" Tanong ni Aldrin

"Sa Zamboanga City..ikukulong nila si Yuna.." Sumbong ni Kokak

Hindi nag-aksaya ng panahon si Aldrin..muling sumakay sa kanyang sasakyan..sinamahan s'ya ni Kokak..

"Aldrin may problema pa..may nakitang maliit na supot sa trolley bag ni Yuna kanina..ang sabi Shabu daw 'yon. Aldrin, hindi ko alam kung paano ko matutulungan si Yuna..Ang tigas kasi ng ulo n'ya..ayaw n'yang ipa-extend ang visa n'ya nung nakaraang buwan.." Salaysay ni Kokak.

"Sana sinabi n'yo sa akin ang totoo..nagawan ko na ng paraan..hindi sana aabot ng ganito.." Mas lalong tumataas ng stress ni Aldrin.

Nang marating nila ang Immigration office..

Halos madurog ang puso ni Kokak nang makita ang kaibigan na nasa loob ng selda. At umiiyak..

"Yuna!" Tawag ni Kokak..

"Kokak..." Gusto nilang magyakapan na magkaibigan, ngunit hanggang hawakan lamang sila ng kamay..ang rehas na bakal ang humadlang sa kanila..

"Yuna..ottoke ya ji? Na musawo so." - Kokak

( Yuna, paano na 'to? Natatakot ako. )

"Kukchung hajima..Shi Woo an-tae chona he jo." - Yuna

( H'wag kang mag-aalala..Tawagan mo si Shi Woo. )

"Babayaran ko ang multa mo..Ilalakad ni Aldrin ang kaso na isinampa sa iyo tungkol sa bawal na gamot...Yuna, ito na ang kinatatakutan ko."

- Kokak

"Gusto ko nang umuwi..ayaw ko na...nasasaktan ako...Kokak, ayaw ko s'yang makausap..." Nagulat si Kokak sa narinig mula kay Yuna..

"Anong ibig mong sabihin?" Nalilito si Kokak.

"Nahuli ko sila ni Magnolia..sa may tent...kaninang umaga.." Kasunod noon ay humagulgol si Yuna..

Hindi na tinanong ni Kokak ang tungkol sa nakita ni Yuna..nauunawaan n'ya na ang ibig sabihin nito..Pati s'ya ay napaiyak na rin..

"Hihintayin kita sa Incheon. Makakapasok ka ulit sa bansa namin. Magkikita tayo ulit." - Yuna

Narinig ni Aldrin ang pinag-usapan ng dalawa..gusto n'yang lapitan si Yuna..ngunit matapos narinig sa dalawa ay nakadama si Aldrin ng hiya sa sarili..sinisi n'ya ang kanyang sarili...Marahil kung hindi s'ya natukso kay Magnolia..di sana mangyayari ito..HINDI N'YA NAIPAGTANGGOL SI YUNA.

Napasandig s'ya sa dingding at huminga ng malalim. Nasabunutan ni Aldrin ang sarili..

"Ang gago ko! Ang tanga tanga ko!" Nasabi n'ya sa sarili n'ya. Tinawagan agad ni Aldrin ang kanyang mga koneksyon sa Pulisya. Kailangang mailabas n'ya si Yuna sa kulungan na 'yon.

Samantala, nakarating kay Shi Woo ang nangyari kay Yuna dahil narin sa tawag ni Kokak.

MAGNOLIA'S POV

Nang gumising si Aldrin, alam kong huli na s'ya para maabutan si Yuna. Kahapon palang ng umaga ay tumawag na kami ni Marco sa Immigration office. Pinatawagan ko na rin ang koneksyon namin sa Immigration at sa Pulisya. Binayaran ko narin ang mga 'yon na h'wag hayaang manatili dito si Yuna sa bansa..kailangang maibalik sa sa Korea..

Alam kong masasaktan si Aldrin, pero ito lang ang tanging paraan na maangkin ko s'ya agad..

THIRD PERSON'S POV

Gustong kausapin ni Aldrin si Yuna..Gusto n'yang damayan ito sa kalagayan nito. Alam n'ya kinamumuhian s'ya nito..ngunit handa s'yang magpaliwanag..kung paano n'ya ipaliwanag ang nangyari sa kanila ni Magnolia 'yon ay di n'ya alam kung paano sisimulan..

"Yuna.." Tawag ni Aldrin

Nakita n'yang nakaupo si Yuna sa isang maliit ng kama, at nakayuko.

Lumingon si Yuna sa kanya. Namumugto ang mga mata nito. Napakapula ng kanyang ilong, mata, bibig at pisngi..

"Ba't ka pa nagparito? Sana nanatili ka nalang sa bahay mo kasama ni Magnolia.. alam ko naman na hindi ka liligaya sa akin..Ang mali ko lang ay naniwala agad ako sa 'yo na mahal mo ako..ang mali ko lang ay minahal kita agad..Aldrin, minsan lang rin ako magmahal..pero bakit ganito HINDI AKO PWEDENG MAHALIN NG TOTOO.."

Yuna

"Yuna, hindi totoo 'yan..mahal kita..ilalabas kita dito..hindi ka babalik sa Korea.." Nagsimula na ring gumaralgal ang boses ni Aldrin..

"Hindi Aldrin. Hindi na ako babalik sa 'yo...Mian hae.."

( I'm sorry. )

Agad hinubad ni Yuna ang singsing at inilagay sa kamay ni Aldrin.

"Hindi ito para sa akin..." -Yuna

"Yuna ,h'wag. H'wag mong sabihin 'yan. I made a vow." - Aldrin

"Then forget your vow. It's over."- Yuna.

Tumalikod si Yuna at muling naupo sa gilid ng maliit na kama. Agad namang lumapit ang mga awtoridad at hinila si Aldrin palabas.

Buong gabi hindi nakatulog si Yuna. Samantala, si Aldrin ay nasa labas ng opisina ng Immigration..Hinihintay n'ya ang resulta kung anong mangyayari kay Yuna. Hindi rin siya makatulog.

Samantala, umuwi si Kokak upang ligpitin ang mga gamit ni Yuna.

"Miss Yuna Gwon..ihahatid ka na namin sa Zamboanga Airport. Lilipad po kayo pabalik ng Korea mamayang alas-syete ng gabi. Binilihan na po kayo ng ticket ng inyong kaibigan. Wala na ho kayong alalahanin sa kaso n'yo tungkol sa drugs." Sabi ng opisyales.

Hindi akalain ni Yuna na ganun kabilis naayos ang kanyang kaso. Alam n'yang pera ang gumalaw sa lahat..iisang tao lang ang may kakayanan nun walang iba kundi si Aldrin..

Eksaktong alas-nuebe ng umaga, kumain si Yuna ng almusal at ilang sandali lang ay lumabas na s'ya sa kulungan. Ihahatid na s'ya sa airport.

Palabas pa lamang s'ya sa gusali ng Immigration Office..nakita n'ya si Aldrin na nakatayo sa sasakyan nito.

Sa huling sandali nagkatinginan sila ni Aldrin. Bawat angulo ng mukha ng binata at inirerehistro na ni Yuna sa kanyang isipan. Hindi n'ya alam kung magkikita silang muli ng lalaking mabilis n'yang minahal sa loob ng 4 na buwan. Kung mayroon mang aalala na iniwan si Aldrin sa kanya 'YON ANG TANGING HULING PANGHAHAWAKAN N'YA.

"Yuna.." Napalingon si Yuna at nakita n'ya si Kokak kasama ang mga magulang at mga kapatid nito.

Niyakap si Yuna ang mga kamag-anak ni Kokak.

"Kokak, kung sakaling maisipan ni Aldrin na sundan ako..sabihin mong H'WAG NYA NA AKONG PAG-AKSAYAHAN NG PANAHON..ISIPIN N'YA NALANG NA HINDI KAMI NAGKAKILALA.." Muling tumulo ang luha ni Yuna.

AN : MAIKSI LANG CHAPTER NA 'TO..BABAWI NALANG NEXT TIME.

NE SARANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon