Chap. 23

847 75 6
                                    

Chap. 23

Nagkaroon ng paglilitis kina Marco at Magnolia. At hinatulan silang makulong ng mahabang panahon.

Samantala, nasa pangangalaga ni Patrick ang kanyang anak. Hindi makapaniwala ang mga taong nakakilala kina Marco at Magnolia na kaya nilang gawin ‘yon laban kay Aldrin. Naging usap-usapan ang pangyayari. Walang mukhang ihaharap ang pamilya Vera kay Aldrin.

Gayun pa man hindi sarado ang damdamin ni Aldrin sa mga Vera. Dahil pamilya sila ng taong tumayong bilang ama n’ya.

Pagkaraan ng mahigit isang taon...


KRINGGGGG...KRINGGGGGG.....

( Hello, Aldrin. )

“Mama? ”

(Kumusta ka na hijo? )

“I’m great. Everything is fine.”

( Aldrin, there is something wrong with you. )

“Mom, what do you mean? ”

( I’m your mother, I can feel it. )

“Yeah, I know. How about you?”

( I came from France. I was with your Mamita. And we’re planning to visit you there. Let’s have a reunion... )

“If that’s what you want..then, it’s fine for me. No problem. ”

( Okay, just call your brother and tell him about it. I know he’s busy with his family. )

“Yeah, I will. ”

Sa mga sinabi ng kanyang ina..muling nakadama ng lungkot si Aldrin. Minsan pa lumipad ang kanyang isip kay Yuna.

Matagal na rin na wala s’yang balita galing sa pamilya ni Kokak. Para bang ayaw nilang may mabalitaan si Aldrin tungkol kay Yuna. Marahil sapat na ang narinig n’ya nung huling nagkausap sila..MAY SARILING PAMILYA NA SI YUNA.

--------------------------------------------------------------------

Samantala sa Korea...

Lumalago ang negosyo ni Yuna. Lumalaki na rin ang kanya anak na si Minho. Bagamat walang ama ang bata si Minsu ang parating bumibisita sa mag-ina.

Minsan..

“Appa...Appa..” tawag ng anak ni Yuna kay Minsu.

( father )

Tuwang tuwa naman si Minsu na marinig ang tawag ng bata sa kanya.

Samatalang kibit balikat lamang ni Yuna ang narinig mula sa anak.

Pakiramdam ni Minsu, manhid si Yuna o nagbubulag bulagan lang dahil ayaw n’yang pambigyan ang anak na magkaroon ng ama.

“Yuna, yohoooo!” Dumating si Kokak.

“Annyeong!” Agad lapit ni Yuna sa kaibigan.

“Meron tayong pag-uusapan..” Bulong ni Kokak.

Lumabas silang sandali..

“Uuwi ako ng Pilipinas..gusto mo bang sumama?” - Kokak

“Hindi. Ayaw ko.” - Yuna

“Hindi ka naman tutuloy doon sa bahay ni Aldrin. Tsaka may bahay na kami sa kabilang bayan. Doon ka tutuloy. Ano payag ka?” - Kokak

“Kokak, ayaw ko..natatakot ako kay Aldrin baka malaman n’ya ang tungkol kay Minho..kukunin n’ya sa akin.” - Yuna

“Ay naku, walang magagawa si Aldrin kung ayaw mong ibigay. Tsaka isa pa, hindi naman n’ya alam tungkol sa bata. Eh, kahit nga ang mga magulang ko hindi alam na nabuntis ka.”- Kokak

NE SARANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon