Chap. 7

975 77 4
                                    

Naunang umalis si Yuna, iniwan n’ya ang dalawa. Sa kanyang paglalakad nakasalubong n’ya si Kokak..

 

 

“Annyeong Chingu-ya! O di katawa ni?

( Magandang umaga kaibigan! Saan ka ba nanggaling? )

 

 

Hindi masagot sagot ni Yuna ang tanong ng kaibigan, huminga s’ya ng malalim.

 

“Yuna!” Dinig ni Yuna ang tawag ni Aldrin, papalapit sa kanila ni Kokak ang binata.

 

 

“Omo! Magkasama kayo ni Aldrin?” Medyo gulat rin si Kokak..

 

 

“Kokak, kakausapin ko muna si Yuna sandali.” - Aldrin

 

 

Lumayo naman si Kokak.

 

 

“Mas importante ang sasabihin ko sa kanya. Kaya Kokak, halika na. Hintayin mo nalang ako sa pamamahay mo.” - Yuna

 

Walang nagawa ang binata.

 

 

Naglakad palayo ang dalawa. Dinala ni Yuna si Kokak sa may tulay.

 

 

“Kokak, tatanungin kita..nagkapagdesisyon ka na ba?” Agad na tanong ni Yuna.

 

 

“Yuna, ano bang nangyayari sa ‘yo? bakit parang kabado ka? Anong ginawa sa ’yo ni Aldrin?” Kunot noong tanong ni Kokak.

 

 

“Wala..wala s’yang ginawa. Ano tatanggapin mo ba ang alok ng pinsan ko? Kokak, kailangan makabalik agad ako ng Korea..Alam mo ‘yon.” - Yuna

 

 

“Akala ko ba 3 buwan ang visa mo? I-enjoy mo muna ang mamalagi dito.” - Kokak

 

 

Hindi masabi sabi ni Yuna ang mga nangyayari sa kanya ng dahil kay Aldrin..

 

 

“Kokak...please..Kung ayaw mo talaga, tatawagan ko si Shi Woo..para makabalik agad ako sa Korea. Hindi mahalaga sa akin ang nagastos ko..sapat na ang makarating ako dito..”

- Yuna

 

Hinawakan ni Kokak ang balikat ng kaibigan...

 

 

“May nangyayari ba Yuna? Sa inyo ni Aldrin?” - Kokak

 

 

“Hindi si Aldrin..kundi ako...” Malumanay na sinabi ni Yuna.

NE SARANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon