Chap. 5
Hila-hila ni Aldrin si Yuna papunta sa kanilang mga silid.
"Bitawan mo ako! Hindi mo kailangang hilain ako." Pagpupumiglas ni Yuna.
Agad naman iwinaksi ni Aldrin ang kamay ng dalaga.
Hindi kumibo si Aldrin tinitigan lang ang dalaga. Agad pumasok si Aldrin sa kanyang silid. Kaya pumasok din si Yuna sa sariling silid nito.
Nagpalit ng damit si Aldrin. At kahit gabi na ay muling lumabas si Aldrin sa Villa. Sumakay s'ya sa kanyang kabayo at umalis ito.
Tinungo ni Aldrin ang tulay.
Tumayo s'ya sa tulay. Nakita n'yang maraming alitaptap na nagsisilabasan sa mga puno. Dagdagan pa ng liwanag ng buwan. Sa mga sandaling 'yon gumanda ang buong paligid..tanging maririnig lamang ang lagaslas ng tubig sa ilog. Napaisip si Aldrin wala pang gaganda kung sana may kasama s'ya sa mga sandaling 'yon...
Muling sumagi sa isip n'ya si Selene..naisip n'ya na napaka swerte ni Joaquin na minahal ni Selene. Huminga s'ya ng malalim. Iniisip n'ya na sana kasing swerte n'ya si Joaquin para naman maging kompleto ang buhay n'ya.
---------------------------------------------------------
Kinabukasan, nagising si Yuna sa sunod sunod na katok sa pinto. Iniisip n'ya marahil si Aldrin na naman ang kumakatok. Kaya Agad s'yang bumangon..Hindi n'ya maunawaan ang sarili kung bakit parang sabik s'yang makita ang mukha ng binata..
Nang buksan n'ya ang pinto...
"Maam Yuna, kumain na ho kayo ng almusal.." Sabi ni Laura.
"Ahhh, si..si Aldrin?" Tanong ni Yuna.
"Ah..eh..maagang umalis kanina..may pupuntahan po kasi s'ya." Sabi ni Laura.
"Ganun ba. Uuwi ba s'ya mamayang tanghali?" Halos hindi malaman ni Yuna bakit gustong gusto n'yang marinig sa katulong kung uuwi Aldrin.
"Hindi po yata. Kasi may pupuntahan po s'ya sa bayan. May importanteng katatagpuin si Sir Aldrin." - Laura
Bahagyang ngumiti si Yuna.
Bumaba si Yuna at pumunta sa hapagkainan..tulad ng dati naninibago parin s'ya sa pagkaing Pinoy.
"Laura, may alam ka bang tindahan dito na nagpapabenta ng Korean food? Kasi gusto kong kumain ng Korean food." - Yuna
"Sa mga Department Store meron po. Naku, adopt na ninyong kumain ng Korean Food. Wow, sabi nila maganda daw sa katawan ang mga pagkain ng mga Koreano. Maam, ibig sabihin mahilig kayo sa gulay?" - Laura
"Oo, lalo na ang kimchi. Importante ang Kimchi sa mga Koreano. Mahilig din ang mga Koreano sa maaanghang. Pero may mga pagkain din naman na hindi maanghang." - Yuna
"Ahh, ganun po ba. May alam po ba kayong luto ng mga Koreano?" - Laura.
"Oo, gusto mo gawan kita?" Nakangiting sinabi ni Yuna.
"Opo." - Laura.
"Samahan mo akong pumunta ng Department Store. Magluluto ako." - Yuna
"Okay." - Laura.
Matapos kumain si Yuna ay agad itong nagshower. Inihanda ang sarili nito sa unang pamamasyal n'ya sa syudad ng Zamboanga kasama si Laura. Gusto man n'yang tawagan si Kokak ngunit inisip n'yang maaring abala ito sa trabaho.
Pumunta sila ng Department Store ni Laura. Agad nilang hinanap ang pagkaing Koreano. Bumili rin si Yuna ng mga ingredients .
Nang umuwi na sila, nagluto si Yuna ng SAM GAE TANG (Korean Stuffed Chicken Soup with Ginseng ). Halatang takam na takam ang mga katulong na makatikim sa niluto ni Yuna.

BINABASA MO ANG
NE SARANG
RomanceFilipino - Korean Love Story. ALDRIN VERA/ ATTIERA & YUNA GWON ----------------------------------------- Kung nagustuhan ninyo ang MY GOODNIGHT GIRL..Basahin n'yo ito. IMAGINATION lang pairalin n'yo. SALAMAT!