Inabot ng gabi ang kasiyahan sa kasalan nina Kokak at Shi Woo. Matapos ang kasalan naiwan si Shi Woo kina Kokak kasama ang mga pamilya nito. Kaya sina Aldrin at Yuna na lamang ang babalik sa Villa.
Sa loob ng sasakyan parehong walang imikan ang dalawa. Biglang hininto ni Aldrin ang sasakyan sa daan..
"Yuna, may problema ba?" Agad binasag ni Aldrin ang katahimikan.
Napabuntong hininga si Yuna.
"Aldrin, ano bang gusto mong palabasin kanina? Alam mo, iba ang tumatakbo sa isipan ng mga tao..Aldrin, alam kong may relasyon kayo ni Magnolia. Kung ano man ang gusto mong palabasin..h'wag mo naman akong idamay..Ayaw ko ng ganitong biro." - Yuna
"Yuna, hindi ko maintindihan ang sarili ko..Inaamin ko minahal ko si Magnolia. Nagkarelasyon kami noon pero hindi namin tinuloy; dahil inisip ng karamihan na magkadugo kami,,AT 'YON AY BAWAL..Kahit alam namin ang totoo na walang koneksyon ang mga dugo namin sa isa't isa..MATAGAL NA PANAHON NA HINDI KAMI NAGKITA. AKALA KO NAKALIMUTAN N'YA NA AKO..PERO HINDI.
Pareho kaming umaasa na pwede naming ibalik ang nakaraan. I really tried to fix everything. Pero mayroong mali...mayroong hindi tama.."
- Aldrin
Kumunot ang noo ni Yuna.. at biglang kinabahan.
"Gusto ko nang magpahinga, Aldrin. Umuwi na tayo." Agad na sinabi ni Yuna. Ayaw nya nang marinig ang sunod na paliwanag ng binata.
Muling pinaandar ni Aldrin ang sasakyan..
Nang nasa Villa na sila..Naunang bumaba si Yuna sa sasakyan..
Hinabol naman ni Aldrin..at pinigilan ang dalaga.
"Yuna, There is something I want you to know...THANK YOU FOR THE KISS..AND I....." - Aldrin
"Toothbrush lang ang katapat ng halik mo Aldrin. Good night."
Yuna
Agad pumanhik ng hagdan si Yuna.. Naiwan si Aldrin..
"And I want more....more kisses from you." Nasabi ni Aldrin sa sarili.
Samantala, habang nasa silid si Yuna..agad s'yang pumunta sa salamin..pinagmasdan n'ya ang kanyang sarili..tinakpan n'ya ang kanyang bibig.
" At kahit ilang beses akong magtoothbrush..hindi mabubura sa isip ko ang ginawa mo Aldrin..Huminto at lumindol ang pakiramdam ko kanina ng dahil sa halik mo. Sana akin na lang ang lahat ng halik mo..HINDI SA IBA."
Yuna
----------------------------------------------------------
Tanghali na nang gumising si Yuna. Nang lumabas s'ya sa kanyang silid inabutan n'yang nasa sala si Magnolia.
"Good Morning." Nakangiting binati s'ya ng babae.
"Good Morning." Sagot ni Yuna.
Dumitretso si Yuna sa dining room. Nakahanda na ang kanyang almusal..
Naupo si Yuna at simulang kumain..pumasok naman sa dining room si Magnolia at naupo sa tabi ni Yuna. May dala dalang magazine.
"Yuna, sabi sa akin ni Aldrin 3 buwan ka daw dito titira sa kanyang pamamahay. Taga-saan ka ba?"- Magnolia
Hindi agad nakasagot si Yuna. Hindi n'ya alam kung anong sasabihin..matagal s'yang nag-isip..
"Taga..Taga-Mokpo.." - Yuna
"Mokpo? Saang lugar 'yon?" -Magnolia
"Sa may..." Hindi alam ni Yuna kung anong sasabihin mabuti nalang nakita n'ya sa hawak na magazine ni Magnolia..SOCCSKSARGEN.

BINABASA MO ANG
NE SARANG
RomanceFilipino - Korean Love Story. ALDRIN VERA/ ATTIERA & YUNA GWON ----------------------------------------- Kung nagustuhan ninyo ang MY GOODNIGHT GIRL..Basahin n'yo ito. IMAGINATION lang pairalin n'yo. SALAMAT!