Chap. 9

911 76 2
                                    

Nang gumising si Yuna sa umaga, hinihintay n'yang may kumatok sa kanyang pinto. At sana sa pagbukas n'ya si Aldrin ang makikita nya.

Nanatiling nakahiga si Yuna sa kama..ngunit walang nangyari. Kaya bumangon s'ya at inaayos ang sarili. Nang bumaba s'ya tahimik ang buong pamamahay..

"Laura...Laura.." Tawag ni Yuna sa katulong.

"Good Morning, Maam. Kakain na po ba kayo?" -Laura

"Ayaw kong kumain ng kanin. Kape at tinapay nalang, okay na." Sagot ni Yuna

"Maam, wala po si Sir Aldrin maaga pong umalis. Kasi babaguhin na ang karatola sa labas ng Hacienda. Papalitan na ho daw ng ATTIERA FARM."- Laura

"Ganun ba. Ano ba talaga ang apelyido ni Aldrin? Akala ko ba Vera." Pagtataka ni Yuna.

"Mahabang kwento,..HINDI TOTOONG VERA SI SIR ALDRIN..KAPATID NI SIR ALDRIN 'YONG NAPANGASAWA NG FONTEMAYOR- YONG MAY ARI NG KABILANG LUPAIN. NANG DAHIL SA BABAENG FONTEMAYOR NAGTAGPO SILANG MAGKAPATID. Parang Teleserye nga ang pangyayari eh." Salaysay ni Laura.

"Eh, sino naman 'yong babaeng 'yon?" - Yuna

"Si Senyorita Selene. Ang ganda ganda ng babaeng 'yon. Nainlove nga doon si Sir, kaso huli na s'ya. Eh, in love pala si Selene doon sa kapatid ni Sir Aldrin na si Joaquin Attiera.

Dios ko po! Si Sir Joaquin parang pinagbiyak sila na bunga ni Sir Aldrin. Magkamukha sila." tuloy na salaysay ng katulong. Nakinig naman si Yuna.

"Pumupunta ba sila dito? Sana makilala ko sila." - Yuna

"Naku, balita ko pupunta daw dito ang mag-asawa..hindi ko lang alam kung kelan. Hindi ko rin alam kung dito tutuloy sa Villa. Eh may malaking bahay din naman ang mga Fontemayor sa kabila." - Laura

Biglang tumunog ang cell phone ni Yuna..

"Yoboseyo?"

( Yuna-ya, Annyeong! ) Tawag ni Shi Woo

"Shi Woo kelan ka ba pupunta dito?"

( Sa loob ng 3 Linggo darating na ako d'yan sa Pilipinas. Pakisabihan mo na si Kokak tungkol sa kasal namin d'yan. )

"Okay. Bilisan mo..

( Tumawag ka nalang sa akin kung kailangan mo ng pera para sa gastusin..)

Matapos silang mag-usap ni Shi Woo naisipan n'yang puntahan si Kokak.

-----------------------------------------------------------

Inabutan ni Yuna si Kokak sa kanilang bahay..

"Koky, wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ni Yuna. Inabutan n'ya ang kanyang kaibigan na kaharap ang mga magulang nito at mga kapatid.

Lahat sila ay napatingin kay Yuna.

"Ate Yuna, ba't hindi mo sinabi sa amin na isa kang KOREANA?" Tanong ni Budoy.

"Shhhhhhh...h'wag kayong maingay...ayaw kong mailang kayo sa akin na kausapin ako." Sabi ni Yuna

"Nanay Miding..Tatay Berting..pasensya na po." Sabi ni Yuna sa matatanda.

"Walang ano man 'yon Yuna. Masaya nga kami at sinabi ni Kokak ang tungkol sa 'yo. Salamat sa pagtulong mo sa aming anak nung nasa Korea pa s'ya." - Mang Berting

"Kailan ba darating ang pinsan mo?" - Tanong ni Aling Miding.

"Sa loob ng Tatlong Linggo, darating na si Shi Woo. Kailangan mapaghandaan na ninyo ang kasal. Kokak, h'wag kang mag-alala ako ang bahala sa mga gastusin mo sa kasal."- Yuna

NE SARANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon