Chap. 8

911 76 2
                                    

Nagulat si Aldrin sa babaeng kaharap nito..ang babaeng minsang pinangarap n’ya na makasama sa buhay..ngunit hindi n’ya pwedeng mahalin dahil...IISA ANG KANILANG DINADALANG PANGALAN..ANG PAGIGING VERA. AT INIISIP NG LAHAT NA SILA AY MAGKADUGO.

Lumingon si Aldrin kina Yuna ngunit wala na ito..hinanap ng kanyang mga mata ngunit biglang nag-umpukan ang mga tao sa gitna upang sumayaw.

“Aldrin..” Tawag ni Magnolia.

“Hi, how are you doing?” Agad na tanong ni Aldrin.

“I’m great. It’s nice to see you here. Are you with someone else?” -Magnolia

“Yeah, I’m with....with her..” Sabi ni Aldrin habang nakatingin kina Yuna at Marco na nagsasayaw. Nakita naman ni Aldrin mukhang masaya si Yuna kasama si Marco.

“Is she your girlfriend?” Biglang tanong ni Magnolia.

“Hindi...Bisita ko lang s’ya. She’ll stay in my house for 3 months..Let’s dance, Maggy.” Hindi pa nakasagot si Magnolia ay agad hinila ni Aldrin sa gitna..katabi nina Yuna.

Nang nasa gitna na sina Aldrin at Magnolia, agad din silang napansin ni Yuna. Ngumiti si Yuna sa dalawa.

Biglang huminto sa pagsayaw sina Yuna at Marco, hinila ni Marco si Yuna na lumabas sa reception hall. Samantala, aliw na aliw si Aldrin na kinakausap si Magnolia. Nang muling ibaling ni Aldrin ang kanyang atensyon kina Yuna..wala na ito.

Nag-aalangan si Aldrin na iiwan si Magnolia sa gitna ng dance floor. Mabuti nalang at may lumapit sa kanila at hiningi na makasayaw ang dalaga.

Muling hinanap ni Aldrin si Yuna. Natagpuan n’ya ang dalawa sa labas ng RECEPTION HALL..at nag-uusap. Umatras si Aldrin..pabalik sa loob ng reception hall...NAIINIS S’YANG MAKITA NA NGUMINGITI SI YUNA KAY MARCO.

Hinanap n’ya si Magnolia..patuloy paring sumasayaw si Magnolia sa isang lalaki..

“Pwede, ako naman ang makasayaw ni Magnolia?” Bulong ni Aldrin sa lalaki. Ayaw sana ng lalaki ngunit tumaas ang kilay ni Aldrin. Sa hindi malamang dahilan agad umalis ang lalaki.

Muli silang nagsayaw ni Magnolia.

“Aldrin, balita ko pinalitan mo na ang apelyido mo? Bakit?” Tanong ni Magnolia.

“Dahil hindi naman ako totoong Vera. Alam mo naman ‘yon di ba?” - Aldrin

“Well, it sounds good.” Bulong ni Magnolia.

Alam ni Aldrin ang ibig sabihin ng dalaga..dahil noon..

NE SARANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon