Chap. 17

752 77 3
                                    

Chap. 17

 

 

Author’s Note: DYARAAANNN! May bagong DECORATION sa buhay ni

                            Yuna...

 

 

 

Dumating si Kokak sa Korea..Hindi s’ya makapaniwala sa balitang natanggap.

 

 

“Yuna, dapat malaman ni Aldrin ang kalagayan mo.” - Kokak

 

 

“Koky, ayaw kong guluhin pa si Aldrin. Minsan na akong naging tanga sa kanya. Siguro ganito talaga ang kapalaran ko. Pero masaya parin ako dahil meron na akong pagbubuhusan ng atensyon.” - Yuna

 

 

“Hanggang kelan mo itatago ang lahat? Yuna, dapat kang panagutan ni Aldrin.” -Kokak

 

 

“Panagutan? Di bale na. Hindi s’ya sigurado sa pagmamahal n’ya sa akin. Hanggang salita lang ang kaya n’ya.” - Yuna

 

 

“H’wag kang magsalita ng ganyan. Hindi pa tapos ang lahat.” - Kokak

 

 

“Pwede ba Kokak, h’wag na nating pag-usapan si Aldrin. Sa ngayon gusto kong paghandaan ang pagdating ng anak ko.” - Yuna

 

 

Walang nagawa si Kokak. Nauunawaan n’ya ang nararamdaman ng kaibigan.

 

 

Malakas man ang pag-ulan ng yelo, hindi makikita si Yuna nasa loob ng bahay. Hindi parin n’ya matitiis na di matulungan ang kanyang mga magulang sa gawain. Lagi s’yang nasa bodega upang tumutulong sa paghugas at pagpapatuyo ng Kamtae.

 

 

“Anak, kumapit ka ng maigi..ito ang buhay natin dito sa Korea..kailangan nating lumaban..mabuhay na wala ang iyong ama..” Bulong ni Yuna sa sarili habang hinihipan nito ang kamay na naninigas sa lamig ng tubig.

 

 

“Yuna, tama na. Pumasok ka na sa loob. Ako na ang bahala dito.” Sabi ng kanyang ina.

 

Sumunod naman si Yuna.

 

 

Samantala, abala naman sina Shi Woo at Kokak sa kanilang tindahan. Laging dumadalaw si Yuna sa kanila. Tinuturuan naman n’ya si Kokak kung paano lutuin ang mga pagkaing Koreano.

 

 

“Yuna, namimiss mo rin ba ang Pilipinas?” - Kokak

 

 

“Hindi. Koreana ako bakit ko iisipin ang Pilipinas.” - Yuna

NE SARANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon