Umaga, habang nag-aalmusal sina Kokak, Yuna at ang dalawang bata..
“Koky, saan ang mga magulang mo?” tanong ni Yuna
“Ah, pumunta sila sa taniman ng mga mangga. Mag-aani sila doon.” Sagot ni Kokak.
“Talaga. Gusto kong subukan ang mag-ani ng mangga. O kaya makakita man lang.” Masayang sinabi ni Yuna.
“Naku, h’wag na kasi baka mapano ka pa doon. Madaming lamok doon.” - Kokak
“Kokak, please.” Pagpipilit ni Yuna sa kaibigan.
“Pupunta ka lang doon pagkasama mo ako. Pero may pasok ako ngayon. Hindi pwede.” - Kokak
“Kokak, Please. Gusto ko pag-uwi ko sa amin marami akong maikukwento.” - Yuna
“Sige na nga. Ang kulit kulit mo. Magpasama ka nalang kina Budoy at Lindsey.” - Kokak
Abot tenga naman ang ngiti ni Yuna.
Nang umalis si Kokak; agad ding umalis ang 3. Walang kamalay malay si Yuna sa kanyang pupuntahan..at kung sino ang madadatnan doon..
“Naikarga na ba sa truck ang mga delivery? Bilisan na nating maitulak sa bayan ang mga prutas. Mamaya kukuha pa tayo ng mga pinya at saging. Bilis bilisan natin dahil tumataas ang sikat ng araw.” Utos ni Aldrin.
Samantala, narating naman nina Yuna ang manggahan.
“Wow, ganito pala ang puno ng mangga. Ang laki. Tsaka ang daming bunga. Pwede ba tayong kumuha? Gusto kong kumain ng mangga.” Sabi ni Yuna sa mga bata.
“Ate, hindi pa ho ‘yan hinog. Kung gusto n’yo hihingi kami doon.” Sabay turo ni Lindsey sa unahan. Agad nilang tinungo ang mga trabahanteng namimitas ng mangga.
“Tatay!” Tawag ni Lindsey sa ama na abala sa paglalagay ng mangga sa malaking basket.
“O ba’t nandito kayo? Ba’t n’yo pa isinama si Yuna. Maraming lamok dito.” Sabi ng ama nina Kokak
“Eh, tatay gusto pong kumain ng mangga ni Ate Yuna. Pwede po bang makahingi?” Sabi ni Lindsey.
“Naku, hindi pwede. Idideliver na ito eh.” Sabi ng ama ni Kokak.

BINABASA MO ANG
NE SARANG
RomansaFilipino - Korean Love Story. ALDRIN VERA/ ATTIERA & YUNA GWON ----------------------------------------- Kung nagustuhan ninyo ang MY GOODNIGHT GIRL..Basahin n'yo ito. IMAGINATION lang pairalin n'yo. SALAMAT!