"Pangalan?" Tanong ng lalaking nakabantay sa gate ng malaking mansion kung saan sila mag-a-undercover."Marie Disanto po." Sagot niya sabay hawak sa kamay ni Briz upang kunin ang pansin nito na abala sa lihim na pagmamasid.
"Baby Pangalan daw!" Wika niya medyo kinalabahan.
"Ang Sarap namang pakinggan Pwede isa pa?" Pa cute nitong hiling. Pinandilatan niya ito at nginuso ang lalaking nakamasid sa kanila.
"Wag Kang Malandi baby tinatanong ni kuya guard ang Pangalan natin kaya umayos ka" nakangiti pero ma diin niyang sabi pinapahiwatig na umayos ito dahil nasa trabaho sila.
Nakuha naman nito ang gusto niyang ipahiwatig at nakangiting bumaling sa lalaki"ah, oh, hi Brad" kakamot kamot sa ulo na bati nito.
"Pangalan?" Seryusong tanong nito Kay Briz.
"Brandon disanto Brad at itong magandang babae sa tabi ko ay ang asawa ko." Proud na sabi nito. Lihim siyang napangiwi.
Puro talaga kagaguhan itong si briz maganda daw sya? Saan dako? For sure pagtatawanan ito sa jitsura ba naman niya ngayo na mukha manang ewan nalang pero ganun pa man aaminin niya na kinilig Siya dahil don.
Tiningnan siya ng mabuti ng lalaki mula ulo Hanggang paa animo sinusuri ang buong pagkatao niya maging ang kululuwa.
Hindi niya nagustuhan ang ginawa nito pero nagtimpe siya para sa trabaho.
Medyo kinabahan pa nga siya ng kumuyom ang kamao ni Briz at namula ang tainga patunay na hindi nito nagustuhan ang ginawa ng lalaking sa tingin niya ay pumapangalawang manyak sa boyfriend niya.Yes po, she's so proud to say na boyfriend niya ang lalaking maniac na katabi niya sa mga ora's na iyon.
"Mawalang galang na Brad pero asawa ko yang tinititigan mo respeto naman." Sabi nito sa mamang guard.
"Ano kaba babe? Wala namang ginagawa si manong guard." Saway niya dito kahit ang totoo gusto na niyang usapan ang lalaki.
"Anong wala?" Nakakunot noong tanong nito. Pinanlakihan niya ito ng mata.
"Oo wala naman siyang ginagawa." Nakanguso niyang sagot.
"Wala ba Yun na Kung tingnan Ka Niya akala mo huhubaran Ka na!" Galit na nitong sabi paktay na, possessive alert. Hindi Niya masabi Kung umaarte ba ito o tutuhanan. Malaking gulo pag di nakapagpigil itong si Briz Baka mabulilyaso pa sila.
Buti nalang tumawa si manong guard at di pinatulan ang galit ni Briz"Wag kang mag-alala bata hindi ko kursonada yang asawa mo tinitigan ko lang sya para mahanap ko ang gandang sinasabi mo. pero wala eh, pinalaki at pinaliit ko na ang mga mata ko at Malinaw din naman ang mga ito pero diko talaga makita ang sinasabi mong ganda." Anito na tumawa.
Nanlaki ang mata niya. Nainsulto siya don ah! Ano suntukan nalang? Ngali ngali niyang sabihin dito sa halip
"Bastos ka ah! At anong ibig mo sabihin Hindi ako maganda ganun ba?" Alma niya sa lalaki.
"Babe"
Humalakhak ang lalaki at mukhang aliw na aliw sa kanya
"Mabulonan ka sana!" Bulong niya.
"Nakakatawa ang asawa mo Brandon nag mamaganda ang puta Hindi Naman maganda." Natatawa pa rin nitong sabi.
Nainis Siya sa sinabi nito. Lalapitan na sana niya ang lalaki pero pinigilan siya ni Briz saka niyakap at bumulong
"Hayaan mo siyang tumawa babe para di mag-isip sa atin. Hindi Yan nakakapag focus dahil tumatawa Yan." Napaisip Siya may Punto nga Naman ang maniac niyang boyfriend sige palalampasin niya ang Bwisit na lalaking kaharap sa ngayon pero sa sunod na insultuhin ang kagandahan niya may paglalagyan na ito sa kanya.
"Anong pinagbubulungan nyo Jan?" Sita nito at puno ng pagdududa na tumingin sa kanila.
Hmmmp vipolar!
Umarte siyang humihikbi.
"Wala Brad pinapagaan ko lang ang loob ng asawa ko. Ikaw kasi pinaiyak mo hindi mo alam brad Mahal na mahal ko ang asawa Kong ito Kaya araw araw kong sinasaniban ng maganda dahil para sa akin maganda siya In and out Kung baga." Proud na proud na sabi ni Briz. Lihim siyang napangiti at pilit na itinago ang kilig sa narinig sabihin nang ang babaw niya pero yun talaga ang nararamdaman nya ke umarte lang si Briz o hindi masaya siya.
Tumawa ulit ang lalaki dahilan para matigil ang kilig na naramdaman niya at ng tingnan niya ito lalo sayang naasar, sa lakas ng tawa nito parang gusto ng lumabas ang ngala ngala nito. Nakatikim nalang siya.
Kung laslasin Kaya niya liig nito habang tumatawa ito?
Gigil na gigil talaga siya.
What do you think guys, maybe latter? Hmmm, Matalim Niya itong tinitigan. Natigil lang siya ng bumulong ulit si Briz.
"Baby your eyes Baka magduda"
Saway nito sabay halik sa tainga Niya.
Pambihira pinagtatawanan na nga sila nagagawa pang sumimple.
"Kaya naman pala sabagay bagay Naman kayong dalawa." Anito na tinapunan sila ng mapanuring tingin.
"Isang manang na may makapal na salamin at brace at isang lalaking jologs manamit at may malaking ilong." Pintas nito sa kanila sabay tawa ng malakas.
Tangna Pwede ko na bang laslasan ang liig nag hayop na yan? Gigil na Tanong ni maica sa isip.
"Hoy paning tawang tawa Ka dyan ah? Baka gusto mong di na sikatan ng araw bukas kanina pa naghihintay si boss sa mga yan bilisan mo na yan bago Kapa pagplanuhan." Sigaw ng isang lalaki sa loob.
Kumabog ng malakas ang puso niya sa narinig.
"Tang na mo black panira Ka ng moment minsan na nga Lang makahanap ng katatawanan pipigilan mo pa."
"Gago Ka din paning mamili Ka ang minsang katatawanan na yan o ang buhay mo na minsang lang Kung dumating sa isang Tao? Sabihin mo lang ako mismo tatapos sayo" Napipilan ang tinawag na paning saka kakamot kamot na binuksan ang gate.
"See babe sila Mismo ang magpapatayan" nakangising bulong ni Briz sa kanya. Napanguso Siya na agad naman nitong hinalikan. Hinampas niya ito sa dibdib
"magnanakaw Ka talaga ng halik."
"What? nakanguso Ka eh Kaya akala ko gusto mo Ng kiss" ngising Aso nitong Sabi.
"Pambihirang black tinakot pa ako. Pasok na kayo Tama na ang landian dahil nakakasuka na tingnan Hindi kayo si Richard gomez at Lucy Torres para maglandian diyan. Dumaan muna kayo sa guard house para ma- inspection ang laman Ng bag nyo." Utos nito sa kanila sabay turo sa isang bahay na may ilang taong nakatayo.
Hindi nalang nila pinansin ang kumento nito sa kanila."Ihated mo sila dito paning Baka maligaw ang mga Yan mukhang mga promde eh," Sabi nung isang lalaki sabay tawa Ng malakas.
Bweset na mga to, Kota na ako sa panghuhusga nyo mga gago may araw din kayo sa akin. Ngit-ngit na ngit-ngit si maica habang nakasunod sa lalaking nagpapasok sa kanila.
"Tumahimik nga kayo mga gago. Makapagsalita kayo parang ang gagwapo nyo ah eh mga mukha pa nga kayong sangano kesa sa dalawa na Yan."
Saway ng lalaking maitim. SA hitsura pa Lang nito nahinuha na niyang Ito ang tinatawagan na black.
"Ang kj mo talaga black palibhasa kauri mo sila." Sagot naman Ng isa pa. Sinamaan lang ito ng tingin Ng lalaki bago bumaling sa kanila.
"Wag na ninyong pansinin ang mga siraulong yan. Ilagay ninyo dito sa machine ang mga bag nyo para ma inspection." Tahimik silang sumunod sa utos nito. Buti nalang at wala silang nilagay na armas sa loob Ng Kanilang bag pwera nalang sa mga maliliit na gadget na sa tingin nila ay Di na mapapansin dahil nakalagay Naman iyon sa mga personal na gamit Niya. Hindi din madidetect dahil nababalutan iyon ng bagong imbento ng agency na plastic gel na pinambabalot nila sa armas para Di ma detect ng machine. Kung sakaling may makaharap sila tulad ngaun.
![](https://img.wattpad.com/cover/120900447-288-k986675.jpg)
BINABASA MO ANG
Spy Maid IBIA ( Agent Invisible )
ActionStarted August 2017 End, jan 31 2018 Highest rank achieve 48 Rank#1 in maid category Repub- sept12/18