"Uy, Marie tanghalian na hindi kaba kakain?"
"Mamaya na lang siguro hihintayin ko pa ang asawa ko."
Sagot niya sa ka grupo niyang nag-aaya na kumain.
"Ah, ganun ba? Ay! Oo nga pala kaya wala ka sa quarters ng blue team kasi kasama mo asawa mo sa sarili nyong kwarto." lihim siyang napangiwi sa sinabi nitong asawa.
Wish it's true! Ano ba maica napaghahalataan kana!
"Oo at nag papasalamat nga ako eh, Kasi kahit papano may privacy kami ng asawa ko." Nakangiti niyang sagot. Ngumiti ito pero hindi nag komento maya maya pa ay nagpaalam na ito at iniwan na Siya.
"Hi baby!" Nakangiting bati ni Briz sa kanya sabay yakap at kiss sa pisnge.
Gumanti naman siya nang yakap dito.
Nakangiting tumingala.
"Kumusta trabaho mo?" Double meaning niyang tanong pero syempre na gets naman nito iyon kaya sumagot din ito.
"Ayus lang." Tipid nitong sagot sabay nguso.
"Ano yan?" Kunot nito n'yang tanong.
"Kiss!!" Nakanguso nitong sagot. Natawa Siya.
"Diba nakahalik kana? Bakit nanghihingi kapa."
Sumimangot Ito.
Para talaga itong bata.
More on isip bata hahaha
"Baby sa pisnge lang yun. Gusto ko sa lips." Reklamo nito.
"Umayos Ka nga. Hindi ko kasalanan Kong sa pisnge mo lang ako hinalikan saka may mga nakatingin kaya sa atin nakakahiya." Reklamo niya na itinago ang mukha mula sa mga kasama nila.
"Ay ang sweet sweet Naman nila. Kaya Pala ayaw sumabay sa atin kumain eh, hinihintay si lovey baby nya" tukso ng kasama niya.
Namula siya at siniksik ang mukha sa dibdib ni Briz
"Hindi ka pa kumakain baby ko?"
Kinilig siya kahit naka kunot ang noo si Briz sa kanya.Umiling lang Siya at lalo itong niyakap.
"Dapat di ka nagpapagutom halika pakakainin Kita."
Humiwalay ito at hinawakan ang kamay niya saka hinila.
"Ayeee!!"
Chorus na Sabi ng mga dalagang nandoon. Nahihiya Naman siyang ngumiti sabay ipit ng buhok sa tainga.
Putcha ang pabebe niya...
Omg! Ewwww Ka maica not so you!!!
"Paano pala kung hindi Kami nakabalik di, hindi Ka din kakain?"
Turan nito ng nasa kusina na sila.
Kumuha ito isang Plato at naglagay ng maraming kanin saka ulam.
"Hindi sa ganun wala lang ako gana saka ayaw kung sumabay sa kanila pakiramdam ko lihim nilang pinag-aaralan bawat kilos ko." Mahina niyang sabi para iwas huli.
Humugot ito ng hininga.
"Next time don't do it okay!! Kumain ka sa tamang oras Baka magkasakit ka." Pangaral nito.
"Opo!" Nakangiti niyang sagot.
"Good girl now eat!"
Sumandok ito ng kanin at ulam bago iumang sa kanya ang kutsara.
"Huh?"
Nagtatanong ang Mata na tumingin dito.
"I'll feed you!"
![](https://img.wattpad.com/cover/120900447-288-k986675.jpg)
BINABASA MO ANG
Spy Maid IBIA ( Agent Invisible )
AcciónStarted August 2017 End, jan 31 2018 Highest rank achieve 48 Rank#1 in maid category Repub- sept12/18