chapter 45

451 29 3
                                    

Paalala Hindi angkop para sa bata😂😂😂😂😂😂

Ilang minuto ng nagtulog tulogan si Briz ng mapakiramdaman niyang tahimik na ang paligid. Dahan dahan siyang tumihaya at nakiramdam. sinanay ang Mata sa kaunting liwanag na nagmumula sa lampshade nila. Nang maka-adjust bumangon siya at hinanap Kung nasaan ang dalaga.

Napailing at napahugot Siya ng hininga nang makitang namamaluktot ito sa sahig at pilit pinagkakasya ang sarili maliit na kumot.

"You really a hard headed  woman mas pinili mo pa talaga ang nahiga sa sahig kesa tumabi sa  akin." Bamangon Siya at naupo sa kama. Nang di makatiis ay bumaba siya at saka paluhod na tumalungko sa dalaga at pinagmasdan ito habang bahagyang umaangat ang dibdib nito dahil sa pantay na pag hinga.

"Ito ang mukhang hinding hindi ko pagsasawaang tingnan araw araw."  Nakangiti niyang bulong sa sarili.

Ilang minuto pa niya itong pinanuod bago siya nag pasyang buhatin ito at ilipat sa kama. Pero bago iyon inayos na muna niya ang higaan para magkasya silang dalawa at hindi ito masikipan. Although masisikipan talaga ito dahil yayakapin Niya.

Ngising aso siya sa naisip.

I love you babe!  Sabi niya matapos itong ipwesto.

(Talaga bang yakap Lang ang gagawin mo?) Tanong ng kaliwang bahagi ng utak Niya.

(Hey I'm not thinking anything I just want to hug her that's all wag green minded  okay!)

Saway Naman ng kanang bahagi.

(If you say so)

Di parin matigil Ito.

(Oh shut up Arrrghh!)

"Shit I'm gonna be crazy!!" Ungol Niya sabay sabunot sa buhok.

Ilang bises siyang humugot ng hininga bago nag pasyang tumabi sa dalaga.

Pinakiramdaman muna niya Kung magigising ito  at ng makitang tuloy lang ang tulog nito ay hinila Niya ito at pinaunan sa kanyang dibdib saka  niyakap. The momment na magdikit ang mga balat nila ay may iba agad siyang naramdaman he felt hot. But not hot of lust it's just a warm feeling Yung bang pakiramdam na parang kinikilig Ka na makita mo lang si crush masaya kana . Yung  mayakap mo lang ang babaeng Mahal mo ay masaya kana at walang ano mang kalaswaang naiisip not like his other woman before may halong pag nanasa kumbaga.

Napangiti Siya nang matamis ng maramdamang kumilos ang dalaga at nagsumiksik sa dibdib niya.

Hay heaven!

Ninamnam niyang mabuti ang pakiramdam na iyon bago ito tingnan saka masuyong hinalikan sa noo.

"I love you so much baby! Lahat gagawin ko para sa'yo poprotektahan kita sa ano mang kapahamakan just stay by my side.."

Para ma siyang baliw kinakausap ang tulog.

"I love you too Briz." Mahina nitong sagot.

Nanlaki ang Mata Niya ng marinig na sumagot ang dalaga.

Napabalikwas Siya pero Di tuyang nakabangon dahil mas lalong humigpit ang pagkakayakap ng dalaga sa kanya.

Dang aatakihin yata siya sa puso ah!
Wag ganyan babe baka bigla nalang akong mahimatay! Papakasalan pa kita.

Humiga siya ng maayos at hinaplos ang likod nito bago masuyong tiningnan Kung gising ba talaga ito at tutuong sumagot sa kanya. Ganun nalang ang panghihinayang niya ng makitang mahimbing parin ang pag tulog nito.

"Hay baby binabaliw mo akong lalo." Reklamo niya saka ito mababaw na hinalikan sa labi. Just a peek lang
Baka Kasi tuluyan na siyang mag init at bumandera ang watawat ng junior niya at magising ang natutulog niyang lion.

 Spy  Maid                                             IBIA  ( Agent Invisible )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon