Chapter 3

1.9K 49 1
                                    

KLEA
written by: Lorna Tulisana

Napatigil sa paghakbang si Klea sa tapat ng isang tindahan. Hindi siya pumasok sa eskuwelahan kaya nagpapalipas na lamang siya ng oras sa bayan habang hinihintay niya si Minyo dahil mamimingwit sila ng isda sa ilog.

Tiyak niyang nasa kagubatan ang kanyang Tata kaya hindi muna siya pupunta dito dahil malalagot na talaga siya dito sa oras na mahuli na naman siyang hindi pumasok sa eskuwela. Binigyan na siya nito ng ultimatum.

Ibibitin daw siya nito ng patiwarik.

Hindi naman siya natatakot sa banta ng ama dahil ang patiwarik na posisyon ang paborito niya lalo na sa tuwing naglalaro sila ni Koko.

Ang hindi lang maganda sa babala ng ama niya ay ang ibibitin daw siya nito sa mismong loob ng eskuwelahan niya para hindi daw siya pamarisan ng ibang estudyante.

Tama ba naman 'yon?

" Bibili ka ba? ".

Hindi pinansin ng dalaga ang tanong ng masungit na tindera dahil ang mga mata niya at buong atensyon ay nakatutok sa diyaryong nasa estante ng tindahan.....TYREX MARAVILLO invades COTABATO!

Isang lalake na sa tingin niya ay galing sa ibang planeta ang nasa unahang pahina ng pahayagan.

Dinampot ni Klea ang diyaryo at halos idikit ito sa mukha.....

Napakaguwapo nito sa suot at nakakapang-akit ang ngiti na nagpalabas sa mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. May malalim din itong biloy sa isang pisngi.

" Bibilhin mo ba 'yan? ".

Pahagis na ibinalik ng dalaga ang pahayagan sa estante nito,pero mabilis din itong inayos dahil sa matalim na tingin ng tindera.

Tumalikod na ito. Humakbang palayo. Ngunit,muli ding napahinto. 

Ibinalik nito ang tingin sa diyaryo. Tila ba sinasabi ng lalake na nasa larawan na bilhin niya ito. 

" Magkano ito,Manang? ", sabay dampot nito ang pahayagan.

" Sampu! ".

" Ang mahal mo naman! ", reklamo nito sa larawan.

Inapuhap nito sa bulsa ang mga barya na napagbentahan niya ng mga bayabas. Binilang ito. 

Sampu.

Eksakto lamang. Wala man lang siyang pambili ng kendi.

'Di bale,maghahanap na lang siya ng ibang makakain sa gubat.

----


" Good morning,Sir! ".

Nginitian ni Tyrex ang dalawang receptionist na bumati sa kanya. Hindi na naitago pa ng mga ito ang kilig nang kumaway pa ang binata sa mga ito.

" Mauna na kayo! ".

" See you later! ", paalam ng personal assistant ng binata kasunod ang dalawa pang alalay habang tangan ng mga ito ang ilang damit at mga gamit para sa gaganaping huling fashion show ni Tyrex.

Tinungo ng binata ang restaurant na nasa loob ng hotel na tinutuluyan. Dinampot nito ang magazine na nadaanan sa rack at naupo sa isang bakanteng mesa.

" Can i have your order,Sir? ".

Umaangat ng mukha si Tyrex. Nabungaran nito ang isang magandang waitress na pumipilantik pa ang mga mata at abot-tenga ang matamis na ngiti, " Yes,please! Can i have a cup of hot choco? ".

" Is that all,Sir? Would you like to try our specialty? ".

" No,thanks! I'm not yet hungry! ".

" Okay,Sir! ", sandali nitong pinagala ang tingin sa paligid,at nang masiguro na wala ang superior ay mabilis nitong inilabas ang cellphone, " Sir,can i have a photo? I'm one of your fans! ".

KLEA (Book 3: Trinity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon