Chapter 11

1.7K 41 0
                                    

KLEA

written by: Lorna Tulisana

Kasabay ng pagkawala ng ulirat ng minalas na cameraman ay ang pagbagsak nina Tyrex at Klea na agad naghabol ng hininga.

Mabilis na pinahid ng dalaga ang bibig na basang-basa sa laway ng binata.

" Nag-toothbrush ka ba? ", asik na tanong ni Tyrex.

" Hoy! Mas mabango pa ang hininga ko sa'yo! Kapal nito! ", tinapunan nito ng matalim na tingin ang binata.

Inilapit naman ni Tyrex ang palad sa harap ng bibig at bumuga ng hangin. Mukhang may amoy na nga!

Buong magdamag ba namang walang sipilyo?

" Koko?! ".

Napatigil ang sawa na akto sanang hahabulin ang epal na bayawak.

" Baka may makakita sa'yo! ", babala ng dalaga, " Hayaan mo na 'yon! ".

" Buhay pa ba siya? ", tanong ng binata na hinagilap ng tingin ang pinag-iwanan ng damit.

" Humihinga pa at normal naman ang pulso! ".

Tumayo si Tyrex at tinungo ang kinaroroonan ng damit. Aktong dadamputin niya ito ng maunahan siya ng buntot ng sawa.

" Ibigay mo sa akin 'yan! ", nilundag nito ang nakawagayway na damit,ngunit mas itinaas lang ito ng sawa na patay-malisya at kunwaring inaabala ang sarili sa pagkiskis ng mga pangil sa pamamagitan ng mahaba nitong dila.

Alam ng binata na ang istilo nito ay para takutin na naman siya. Pero,sa pagkakataon iyon ay tila ba wala na siyang takot sa higanteng nilalang.

Mas nakaramdam pa nga siya ng kapanatagan. Marahil ay dahil sa naging laban nila...at mukhang naghahamon na naman ito ng panibagong duwelo!

" Ibigay mo 'yan sa akin kung ayaw mong gawin kitang bulate! ", pagbabanta nito.

Natigil sa ginagawang pagkiskis ang sawa at bumaling sa naglakas-loob na manakot sa kanya. Inilabas nito ang bagong hasang mga pangil,pinatigas ang katawan,at pinabagsik ang mukha, " Hssssssttt!!! ".

Sa halip na umatras si Tyrex katulad ng lagi nitong ginagawa,nilundag nito ang sawa at mahigpit na kumapit sa makaliskis nitong katawan.

Nabigla si Koko sa ikinilos ng binata. Hindi agad ito nakaalma.

Gumapang ang binata paakyat sa buntot ng sawa kung saan naroon ang damit niya.

Ramdam nito ang mga kaliskis sa hubad niyang itaas na katawan. Pero,hindi niya ito ininda. 

Gusto niyang ipakita sa dambuhalang nilalang na hindi na niya ito kinatatakutan.

Rumirehistro sa kanyang utak ang minsang sinabi ni Kulot na tinuruan itong huwag pumatay ng tao.

Hindi man ito harmless,tiyak niyang hindi nito magagamit sa kanya ang ipinagmamalaki nitong mga pangil.

" Tumigil nga kayong dalawa d'yan! ", nakatuon man ang tingin ng dalaga sa pagpupunas ng dugo ng nahimatay na lalake sa sugat nito sa pisngi at leeg dahil sa matutulis na kuko ng bayawak ay ulinig niya ang nagaganap na duwelo sa pagitan ng dalawa.

Tila wala namang narinig sina Tyrex at Koko.

Iwinasiwas ng sawa ang buntot,ngunit tila tuko na nakakapit dito ang binata at pilit inaabot ang damit sa kaduluhan.

" Koko,tigilan mo nga 'yan at baka may biglang sumulpot! Tyrex,tulungan mo ako dito! Kailangang madala siya sa bahay! ".

Inilabas ni Koko ang mga pangil at kinagat nito ang pantalon ng binata.

KLEA (Book 3: Trinity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon