Chapter 20

1.5K 36 2
                                    

KLEA

written by: Lorna Tulisana

" Hsssssttttttt! "

Hindi pinansin ni Klea ang muling pagbagsak ni Koko sa lupa mula sa itaas ng punongkahoy kung saan napatid na naman ang baging na ginagamit nito sa pagbibigti ng sarili.

Tumalikod ito at sumandal sa katawan ng puno na kinaroroonan. Tumingin ito sa kawalan habang muli ay nanariwa na naman sa isipan ang sinabi ni Tyrex na hindi siya espeyal dito.

Ang buong akala pa naman niya ay mayroon din itong pagtatangi tulad ng kanyang nararamdaman.

Ibinaliko nito ang tuhod at inihilig dito ang ang noo. Pinipigilan man niya ang huwag lumuha,pero hindi niya magawa.

Masarap ang magmahal,pero mas masakit pala ang mabigo sa isang pag-ibig na hindi pala nakalaan para sa kanya.

Kasalanan niya!

Masyado siyang umasa at nangarap. Akala niya ay kayang mahalin at tanggapin ng isang katulad ni Tyrex ang katulad niya.

Nababagay lang talaga siya sa gubat.

" Hssssstttttt! "

Muling nabaling ang tingin ni Klea sa kaibigan, " Koko?! " napamulagat ito na muntikan pa nitong ikalaglag sa puno.

Hawak sa dulo ng buntot ng sawa ang baril na nakatutok sa sintido nito.

Mabilis na bumaba si Klea. Nataranta ito. 

" Hsssssttttttt! "

" Koko,bitiwan mo 'yan! Bakit meron ka n'yan? "

Natigilan si Koko. Nawala na sa kanyang isipan ang itinatagong sekreto tungkol sa kanyang baril.

" Ibigay mo 'yan sa akin! "

Napaatras si Koko. Kahit wala nang bala ang baril ay mahalaga ito sa kanya. 

" Koko..."

Gumapang palayo ang sawa na agad namang sinundan ni Klea.

Tinalon ng dalaga ang kaibigan at tinungo ang dulo ng buntot nito.

Naging maliksi naman ang naging pagkilos ni Koko. Mabilis nitong ipinasok sa bibig ang baril at madiin itong sinelyuhan.

Nag-iba naman ng direksyon ang dalaga. Mula buntot ay gumapang ito patungo sa ulo ng sawa na pilit siyang inaalis sa mahigpit na pagkakakapit.

" Hsssssttttt! "

" Ibigay mo sabi sa akin ang baril! "

Bumangga sa isang puno ang sawa ng humarang sa mga mata niya ang katawan ng kaibigan na puwersahang ibinubuka ang kanyang silyadong bibig.

Nagpambuno ang dalawa. Nagpagulong-gulong.

Ngunit,iwas na iwas si Koko na huwag madaganan o makagat ang kaibigan dahil ayaw naman niya itong masaktan o malagay sa panganib. Pero,hindi nito dapat makuha ang baril dahil ginagamit niya ito sa pag-eensayo para kung sakaling magharap sila ni Coco Martin ay may ibibida at ipagyayabang siya dito.

" Hssssttttt! "

Mabilis na ipinasok ni Klea ang isang kamay ng bahagyang bumuka ang bibig ng kaibigan. Kinapa nito sa loob ang baril at agad hinatak palabas ng maapuhap ito.

Muling nagpambuno at nag-agawan ang dalawa. 

At nang makakuha ng pagkakataon si Klea,tumakbo ito palayo tangan ang baril. Agad itong sinundan ni Koko na biglang napahinto.

" Kapag nagpilit ka pa, ipuputok ko 'to! " pagbabanta ni Klea na sa sariling sintido naman itinutok ang armas.

Ipinako sa kinaroroonan si Koko. Walang kurap na tinitigan ang kaibigan na AWARD-WINNING ang eksena.

" Tama! Siguro ipuputok ko na lang ito! Dahil hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko dahil sa Tyrex na 'yon! "

Pang-FAMAS ang mga linya!

" Kung mamamatay ako,baka sakaling aminin niya sa kanyang sarili na kahit papaano ay naging espesyal din ako dahil 'yon ang nararamdaman ko sa kanya! "

Best Actress ang dating!

" Pagsisisihan niya ang ginawa niyang pananakit sa akin! "

Nahagip ng tingin ni Koko ang pag-arko ng isang daliri ng kaibigan sa gatilyo ng hawak nitong baril.

" Paalam na kaibigan! Patawarin mo sana ako kung ito ang pinili kong tadhana...ang harapin si Kamatayan! "

Mabilis na tumalikod ang sawa. Hindi ito pasado sa kanya. Kung isa man itong teleserye o pelikula,mukhang maitatapon lang ito sa basura.

" Koko! Hindi mo man lang ba ako pipigilan? Koko? "

----

Natapos ang buong klase ni Klea na wala man lang kahit isang aralin ang pumasok sa kanya. Ilang beses siyang pinatayo ng guro sa hulihan at unahan ng silid-aralan dahil sa mga tanong na hindi niya masagot.

Ilang araw na siyang balisa at wala sa sarili dahil sa kabiguan niya sa pag-ibig. Kahit anong pilit niyang kalimutan si Tyrex ay lalo lamang itong nagsusumiksik sa kanyang isipan. At kahit nasasaktan ang kanyang puso ay ang pangalan pa rin ng binata ang isinisigaw nito. Pero,may bahagi nito na nakakaramdam ng galit. 

Nagagalit siya dahil pinaasa lamang siya ng binata. Alam nito na mahal niya ito,pero nagawa pa rin siyang saktan at paniniwalain. 

" Klea! "

Hindi pinansin ng dalaga pagtawag ng kaibigang si Minyo. Tuloy-tuloy lang ito sa paghakbang pauwi. Kung dati pagkatapos ng klase ay kung saan-saan siya napapadpad,ngayon ang nais niya ay ang magmukmok at mag-isa.

Si Koko naman ay hindi niya maasahan na pagaanin ang loob niya dahil bigo rin ito sa pag-ibig. Tulad niya ay nagluluksa din ito sa kabiguan nito kay Erich.

" Klea! "

" Bakit ba? "

" Uuwi ka na ba? "

" Oo! "

" Sumama ka muna sa amin nina Tado! "

" Saan? "

" Sa Ilog Tada! May namataan daw sila doong buwaya! Sigurado na matutuwa si Koko dahil makakakain na naman siya ng karne! "

" 'Di ba sinabi ko na sa'yo na hindi na kumakain ng karne si Koko dahil vegetarian na siya! "

----

Muling napadighay si Koko habang sa dulo ng buntot nito ay napupuluputan ang nangangalahati nang katawan ng pangalawang baboy-damo na nahuli niya. Mamaya naman ay gagawin niyang panghimagas ang mga manok at kambing ni Ka Bastre.

Anong pakialam niya sa mga gulay?

Mabuti na ang mapadali ang kanyang buhay o kung tumaba man siya at mawala ang kanyang ABS. Wala nang silbi sa kanya ang pag-aalaga ng kanyang kalusugan at katawan dahil wala na rin naman siyang pag-aalayan ng kanyang mga kaliskis.

Kung may pagkakataon ay bubunutin na rin niya ang kanyang mga pangil. Sayang lang ang inubos niyang oras sa paglilinis at pagpapatulis nito araw-araw.

Inisang lunok na ng sawa ang natitira pang karne. Wala nang nguya-nguya. Ang tulad niyang bigo sa pag-ibig ay wala na sa tamang pag-iisip.

KLEA (Book 3: Trinity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon