Chapter 7

1.7K 42 1
                                    

KLEA

written by: Lorna Tulisana






" Huwag kang lilingon! "

" Bilisan mo at mamamatay na ako sa lamig! " nangangatal na wika ni Tyrex habang nakalubog ang kalahati ng katawan sa tubig .

" Kasalanan mo,kaya magtiis ka! " singhal ni Klea habang nagbibihis sa likuran ng malapad na katawan ni Koko.

" Nasa tamang pag-iisip ka ba para mag-alaga ka ng ganyang klaseng hayop? "

" Hssssssssttt! " Inilabas ng sawa ang mga pangil nito habang nakatingin sa nakatalikod na binata.

Napaabante ng ilang hakbang si Tyrex sa pagkakarinig sa tila protesta ng sawa.

" Huwag mong ginagalit si Koko dahil hindi siya maghihinayang sa kutis mo! ".

" Mapanganib siya! At kahit..."

" Ibahin mo si Koko! " maagap na putol nito sa iba pang sasabihin ng binata. " Nakakaintindi siya at baka mas matalino pa siya sa'yo! "

Pinatigas ng sawa ang katawan nito bilang sang-ayon sa papuri at pagbibida sa kanya ng kaibigan.

" Nag-aral ka ba? "

" Oo! Bakit? "

" I'm sure natulog ka lang! Dahil walang sawa ang tinubuan ng utak at puso para maging mabuting alaga! "

" Hssssst! "

" Hoy! Hindi ko alaga si Koko! Kaibigang matalik ko siya! "

" Baliw ka talaga! "

" Koko, ipakita mo nga sa gunggong na 'yan na totoo ang sinasabi ko! One minus One? "

Hindi umimik ang sawa.

" One times zero? "

Tahimik uli ito.

" One plus one? "

" Hssssst! Hsssst! "

" Narinig mo? Matalino si Koko! "

" E, simple lang naman kasi ang tanong mo! Koko, what is the square root of eight divided by ten plus one thousand with the power of two minus three hundred? Kaya mo? "  nakakalukong tanong nito na sinabayan pa ng pagngisi.

Bilang tugon ng sawa, pinahaba nito ang buntot eksakto lamang sa layo ng nakatalikod na binata at malakas itong itinulak dahilan upang lumubog ito sa tubig.

Alumpihit sa pagtawa si Klea habang nataranta naman si Tyrex. Hindi nito malaman kung aahon ba o mananatili na lamang sa ilalim.

" Buti nga sa'yo! "

Sa huli ay nagdesisyon din ang binata na umahon. Napasinghap ito sa hangin. Habol ang paghinga at lalong nakaramdam ng matinding ginaw sa matagal na pagkakababad sa tubig.

" Maliit pa lang si Koko, tinuruan ko na siya ng abakada at pagbilang ng mga numero! "

Hindi na ibinuka pa ni Tyrex ang bibig sa takot na baka hindi lang tulak ang abutin niya sa sawa.

" Tinuruan ko rin siya na maging mabait sa lahat ng may buhay sa kagubatan lalo na sa mga tao! ". 

BALIW! Ito ang katagang nababagay na isalarawan sa kulot na nakasandal sa malapad na katawan ng higanteng nilalang.

" Siya ang tagapagtanggol ko sa katulad mong mapanlait at matalim ang dila! "

" Dahil hindi ako sinungaling na tao! Nagsasabi lang ako ng totoo! Anong gusto mong gawin ko? Purihin ka? Gusto mong sabihin ko na napakaganda ng buhok mo kahit ang totoo puwede nang ipangwalis ng sahig! Gusto mong sabihin ko na napakakinis ng balat mo kahit kitang-kita naman na tinalo pa ang mapa ng mundo! At..."

Muling humaba ang buntot ni Koko na nagpahinto sa litanya ng binata at nagpaatras dito.

" Patigilin mo siya! "

" Sige pa,Koko! Lunurin mo ang mayabang na 'yan! "

" I said,STOP IT! " patuloy ito sa pag-atras hanggang umabot na sa leeg nito tubig.

" Kunting atras pa, Tyrex Maravillo, at malapit ka nang pagpyestahan ng mga linta! , natatawang wika ng dalaga.

Linta?

Pilit hinahagilap ni Tyrex sa natatarantang utak kung ano ba ito.

Linta?

" Mabubusog sila sa dugo mo kahit tiyak kong mapait dahil sa sama ng ugali mo! "

Linta? 

LEECH?!

" Ahhhh! "

Muling bumagsak ang binata sa tubig dahil sa magkahalong pangamba at takot sa pag-iwas na muling madaiti sa makaliskis na buntot ng sawa at sa mga linta na ayon kay kulot ay nananahan sa ilog na kanyang kinalulubugan.

Idinilat ni Tyrex ang mga mata sa ilalim ng maitim na tubig. Hindi siya sigurado kung ano ba ng hitsura ng linta dahil sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nakakakita nito,pero may kung anu-anong gumagalaw sa kanyang harapan na ang ilan ay tila patungo sa kanyang direksyon.

Mabilis itong umahon. Kumampay patungo sa pampang,ngunit agad ding napahinto sa tanawing nabungaran.

" Hey! Where are you going? "

Palayo ang dalaga habang nakahilata naman sa tabi ng pampang si Koko na iniunat ang kahabaan ng buong katawan sapat upang maharangan ang posibleng daraanan ng binata kung maisipan man nitong tumakas. 

" Hey! Kulot? "

Hindi pinansin ng dalaga ang malakas na pagtawag ng aroganteng binata.

" Hey! Please don't leave me here with that THING. Hey! "

Ipinikit ng sawa ang isang mata habang ang kabila ay nakatutok sa binatang nauubusan na ng pasensiya.

" Klea! "

Napatigil sa paghakbang ang dalaga sa pagkakarinig sa pagbanggit ng pangalan niya. Nilingon nito ang nagsusumamong binata. At gumuhit sa labi nito ang pilyang ngiti.

" Please,Klea? I'm begging! "

KLEA (Book 3: Trinity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon