Chapter 4

1.8K 48 3
                                    

KLEA

written by: Lorna Tulisana

" Ako ba ang hinahanap mo? ".

Napatingala ang lalake kung saan nakabitin patiwarik sa sanga si Klea.

Bago pa man nakakilos ang sanggano para kalabitin ang baril,nanlaki ang mga mata nito sa nakita nang mula sa likuran ng dalaga ay lumabas ang ulo ng isang sawa.

Aktong sisigaw ito nang mabilis na nilingkis ni Koko ang katawan nito.

" Boss? May nakita ka bang tao? ".

Bumaba si Klea sa binibitinang sanga at bumagsak sa sa lupa gamit ang dalawang kamay.

Tumayo ito at sumandal sa puno ng marinig nito ang mga yabag na patungo sa kanilang direksyon.

Sinenyasan ng dalaga ang kaibigan na manahimik dahil wiling-wiling ito habang mula sa pagkakapulupot sa namumutlang biktima ay todo din ang pagyayabang nito dito sa pagpapakita ng matutulis na pangil at mahabang dila.

" Boss? ".

Ikinasa ng pangalawang sanggano ang hawak nitong baril at mabilis na iniumang sa likuran ng puno.

" Boss? ", napakunot ang noo nito dahil wala dito ang kanyang pinuno, " Saan kaya nagpunta 'yon? ", napakamot ito sa ulo habang pinagala ang tingin sa paligid, " Boss? ".

Nanatiling tahimik ang paligid na tila ba maging kuliglig ay nakiayon.

Napaatras ang armado dahil sa kakaibang nararamdaman. Naninindig ang mga balahibo nito dahil sa katamikan na alam niyang hindi normal sa isang kagubatan.

Patakbo nitong binalikan ang bihag nang matigilan ito.

Nakahiga sa pinag-iwanan niya sa pamosong binata ay ang kanyang boss na nakatulala sa kawalan.

" Boss? ", tinakbo nito ang pinuno na hindi man lang matinag sa pagkakahandusay, " Anong nangyari? ", inilapag nito sa tabi ang hawak na baril at pinulsuhan ang kasama....normal naman ang pintig nito, " Boss?! ", sinabayan pa ito ng pagyugyog sa balikat.

Napalingon ang lalake ng makarinig ito ng malakas na sipol. At agad nitong napansin ang tila kakaibang nilalang na nakasandal sa katawan ng punongkahoy.

Buhaghag ang makapal at kulot nitong buhok na pakiwari niya ay minsan nang ginawang pugad ng mga ligaw na ibon. Ang suot nitong damit ay hindi niya matiyak kung ano ang orihinal na kulay dahil sa tingin niya mas maganda pa dito ang mga ipinapamigay sa relief goods. Bukod kasi sa tagpi-tagpi na ay maiksi pa ito dahilan upang makita na ang maiitim nitong pusod. Hindi nalalayo dito ang palda nito na nagpalabas sa puro galos nitong mga binti na daig pa ang pinadaanan ng papel de liha.

" Bakit ganyan ka kung makatingin? ".

" Tao ka ba? ".

Matalim na pinandilatan ng mga mata ni Klea ang lalake na sa tabang buhay niya ay noon lamang siya napukol ng ganoong klaseng tanong, " Nang-iinsulto ka ba? ", iniumang nito ang hawak na pana.

Mabilis na hinagilap ng lalake ang barik,ngunit kahit saang direksyon ay hindi na niya ito mahagilap.

" Ahhhh! ".

Nagulantang ang sanggano dahil sa malakas na sigaw ng pinuno. Lumingon ito,at napaatras.

Kasing taas ng tatlong katao...kasing lapad ng poste ng Meralco...kasing bagsik ng sampung turo...

' Yan si KOKO!

Ngunit,sa pagkakataong iyon ay wala sa mood ang sawa para muling magyabang at ibida ang sarili sa dalawang lalakeng nasa harap dahil abala ito sa paglalaro ng baril na nasa dulo ng buntot.

KLEA (Book 3: Trinity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon