Chapter 25

1.6K 37 2
                                    

KLEA

written by: Lorna Tulisana

" Sssshhhh! "

Natigilan si Koko. Bumalik ang alaala ng mga nagdaang mainit na tagpo sa pagitan nila ng kalingkisan si Erich.

Nawala na ito sa kanyang isipan dahil sa presensiya ng kaibigan.

Mabilis nitong ibinalik ang dila sa loob ng bibig na paulit-ulit na pinadaan sa unat na unat na buhok ni Klea sa pag-asang may natitira pang himala dito para magpatubo muli ng kanyang pangil.

" Ssssshhhh! ".

" Ano 'yon? ".

Inalis ni Koko ang buntot na kumikiliti sa tagiliran ng kaibigan.

" Sssshhhh! ".

Napaatras si Klea at napasandal sa malapad na katawan ng kaibigan ng may maaninag itong pigura ng isang dambuhalang nilalang na lumilingkis paibaba ng punongkahoy.

" Sino siya Koko? ".

Hindi umimik si Koko. Titig na titig ito kay Erich na mula sa kanyang direksyon ay kitang-kita niya ang nag-aalab nitong mga mata.

" Sssshhhhh! ".

Lumantad sa paningin ng dalawa si Erich na sa matatalim nitong tingin ay nagpaatras sa magkaibigan.

" Sino siya Koko? Siya ba ang dahilan kung bakit ang tagal mong sumagot sa tawag ko kanina? Nagtatago ka na sa akin? ".

Bilang tugon ni Koko ay itinulak nito ang kaibigan na napasubsob sa lupa.

Saka na lang siya magpapaliwanag dito. Aayusin muna niya ang LOVELIFE dahil baka mawala ang kulay nito na kanina lamang ay mala-krayola ang EFFECT.

" Hssssttttt! ".

" Sssssshhhh! ".

Agad na sinundan ni Koko ang pagtalikod at paglayo ni Erich. Hindi niya hahayaan na magbago agad ang kanyang STATUS from IN RELATIONSHIP to ITS COMPLICATED!

Sawa na siya sa pag-iisa. Tama na ang mahabang panahon ng naging SINGLE siya. Sapat na ang mga malalamig na gabi na nagdaan sa kanyang buhay. 

Ngayong natupad na ang pangarap niyang magkaroon ng ka-LOVETEAM hanggang sa ENDING ng kanyang buhay,handa niyang gawin ang lahat SA NGALAN NG PAG-IBIG...

----

" The hell with that stupid girl! After all the money i've spent to her,ito lang ang igaganti niya?! ".

Napatigil sa paghakbang si Tyrex ng mapadaan ito sa nakasarang pinto ng isang silid-tanggapan.

" Wala na ba tayong magagawa pa para pabalikin siya dito? ".

" We did all our best! Pero nakapagdesisyon na daw siya! Maging ang mga magulang niya ay hindi rin siya mapilit! ".

" I'll sue her for this! Inilalagay niya sa kahihiyan ang kompanya! She signed a contract and i will make sure na pagbabayaran niya ito! ".

Malakas na napahampas sa mesa si Mylene dahil sa matinding galit ng biglaang pag-alis ni Klea ng walang paalam.

Dalawang araw na itong hindi nakikita sa entablado kaya inuulan sila ng maraming tanong at intriga.

" Kayong dalawa...", sabay turo nito sa dalawang empleyado, "....nakuha ba ninyo ang buong detalye sa naging tagpo at usapan nina Tyrex at Klea? ".

Mas inilapit ni Tyrex ang tenga sa pinto nang marinig ang pagbanggit sa pangalan nito.

" Yes,Ma'am! Ilalabas ba natin 'yon? ".

" Stupida! ", singhal ng ginang, " Natural! Kaya kinuha ko ang babaing-gubat na 'yon dahil gusto kong tayo ang mauna sa scope na nagkaroon nga ng relasyon sa kanya si Tyrex Maravillo! Nakita ninyo naman kung bakit dinagsa ng tao ang Fashion Show...people wants to confirm the rumors na may espesyal ngang namamagitan sa dalawa! ".

KLEA (Book 3: Trinity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon