Chapter 23

1.6K 41 0
                                    

KLEA

written by: Lorna Tulisana

Walang kurap na nakatitig si Klea sa harap ng malaking salamin. Pigil nito ang paghinga. Nakalarawan sa mukha ang labis na pagkamangha.

Ilang sandali pa ay ipinikit nito ang mga mata,ngunit mabilis ding idinilat. Ibinuka ang bibig. Pinalabas ang dila na pinagalaw pa at inilabas-pasok

" She's crazy! "

Hindi pinansin ng dalaga ang tinig na nasa likuran. Sa halip ay itinaas nito ang isang palad at isinampal sa sariling pisngi. 

" Will you stop that? Para kang baliw! , singhal ng isang modelo.

Muli tinitigan ni Klea ang repleksyon sa salamin na bawat gawin niya ay ginagaya nito. Hindi siya nananaginip. Hindi siya namamalik-mata. Totoo ang kanyang nakikita.

" She can't believe it either! " natatawang wika ng baklang manager.

Hinaplos ng dalaga ang maitim at unat na unat nitong buhok. Pinadaanan ito ng daliri.

Walang sabit!

Napakadulas at napakalambot nito. Hindi katulad noong nabubungi ang suklay sa tuwing punipilit niya itong unatin.

Bumagay ito sa kanya maging ang bangs nito na umaabot hanggang sa bagong ahit nitong kilay.

Malaki man ang bilog na hikaw na nakasabit sa kanyang tenga ay lalo naman nitong pinaganda ang kanyang aura. Manipis lang ang kanyang make-up, pero lutang ang pagiging simple at natural niya.

Nabaling ang tingin ni Klea sa mga braso at binti na lumabas sa suot nitong mini-skirt.Makinis na ang mga ito at hindi man lang kababakasan ng kahit isang galos.

" We maintain your skin tone dahil mas magandang tingnan sa isang modelo ang morena! "

Sa muling pagtingin ni Klea sa salamin ay agad nahagip ng kanyang mga mata ang pagtaasan ng kilay ng mga kasama.

Huh?!

Pagkakataon na niya para bumawi.

Umarko sa mapupula nitong labi ang isang pilyang ngiti. Pinataas ang isang kilay. Inilagay ang isang kamay sa beywang at humarap sa mga taong naroon sa loob ng silid.

" This is fabulous! " Pa-kembot itong humakbang na pinalipad pa ng isang kamay ang bagong unat na buhok na sa pag-ikot nito ay halos humampas sa ilang mga kasamahang modelo na madalas ay nanlait at humusga sa kanyang pagkatao.

Pumalakpak si Mylene,ang manager,at stage instructor sa eleganteng paghakbang at pagrampa ni Klea sa harap.

" She's really a fast learner! Full of patient and courage! " pagmamalaki ng instructor.

" And I

 never regret for taking her out of the shell! We will make her famous! " nakangiting pahayag ni Mylene.

" How about Tyrex? " pabulong na tanong ng manager.

" Klea is just an appetizer! And Tyrex will be the main dish! Putting them together will be a perfect menu for our company! "

" How about an early celebration for it? "

" Sure! "

Ipinalakpak ng instructor ang mga kamay para maagaw ang pansin ng mga modelo? " Let's start our rehearsal, girls! "

" Don't be too proud! " taas-kilay ni Alma, " You're just a product of technology! Baguhin man ang hitsura mo o bihisan ka man ng maganda, you're still the same as before...BABAING-GUBAT! "

KLEA (Book 3: Trinity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon