Chapter 24

1.6K 41 0
                                    

KLEA

written by: Lorna Tulisana

Kahit sugat-sugat na ang noo ni Koko sa kakahampas nito sa punongkahoy ay hindi pa rin ito tumitigil. Ayaw niyang managinip kung sa kanya rin lang paggising ay muli niyang mararamdaman ang sakit ng kabiguan dahil sa pag-ibig.

Pero kahit gaano kalakas ang gawin niyang pagpokpok sa ulo ay hindi pa rin naglalaho ang presensiya ni Erich na titig na titig pa rin sa kanya.

" Sssssshhhhhhhh! "

Totoo nga ito!

Kahit nahihilo ay mabilis na nagtago si Koko sa likod ng puno. Bumilis ang hininga nito na tila ba nakikipaghabulan sa tibok ng kanyang puso na halos dinig na niya ang malakas na pintig nito.

Nakaramdam ito ng pagkataranta. Mabilis na sinipat ang kaliskis kung nasa kondisyon pa ba ito sakaling mapalaban siya sa lingkisan. Pinadaanan ng mabahang dila ang nag-iisang pangil.

Badtrip!

Paano kung ma-turn off sa kanya si Erich? Kung kelan naman kailangan niyang magbida ay saka naman hindi umayon ang panahon.

" Shhhhhhh! "

Napaigtad si Koko sa biglang pagsulpot ni Erich sa kanyang tagiliran, " Hsssssstttttt!" Noon lamang niya napagtanto na mas maganda pala ito sa malapitan.

Sandaling nagkatitigan ang dalawa. Parehong binabasa ang nais ipahiwatig ng kanilang mga mata. At bago pa man muling ibuka ni Koko ang bibig ay mabilis na siyang nilingkis ni Erich.

Hindi man lang nagpakipot?

Ano na lang ang sasabihin ng kanyang mga kalahi o maging ng mga namayapa niyang ninuno na basta-basta na lamang niya isinuko ang kanyang DANGAL at PRINSIPYO???

" Hsssssstttt"

Nais magprotesta ni Koko dahil sa kiliting hatid ng nakalingkis sa kanyang birhen at inosenteng katawan. Pero,kakaiba ang dulot nito sa kanya na tila ba sa mga oras na iyon ay nilabasan siya...NG KAKAIBANG ENERHIYA! 

" Ssshhhhhhh! "

Mabilis ang naging desisyon ni Koko bago pa man manlamig sa kanya si Erich. Gumanti na ito ng...KILITIAN!

" Sssshhhhh! "

" Hsssstttt! "

Anong pakialam niya sa kanyang mga kalahi at ninuno? Ang mahalaga ay may makakasama na siya sa mga gabing malamig hanggang sa kanyang pagtanda.

----

" Klea,wait! "

Mas lalong binilisan ng dalaga ang paghakbang pababa ng hagdan patungo sa lobby. Hindi na niya ginamit ang elevator dahil wala siyang alam sa mga kung anu-ano pang pinipindot dito.

" Klea! "

Maagap na pinigilan ni Tyrex sa braso ang dalaga ng maabutan niya ito, " Where do you think you're going? "

Mabilis na pinalis ni Klea ang kamay ng binata at muling humakbang pababa ng hagdan, " Babalik na ako sa gubat at WALA KANG PAKIALAM!" pagdidiin nito sa huling mga kataga.

" But the Fashion Show will run for the whole week! And we're just on our second day! "

" At sapat na ang dalawang araw para makapag-isip ako at makapagdesisyon na hindi para sa akin ang mundong ito! "

" Don't mind those people! Just think about your dream! "

Napatigil sa paghakbang si Klea. Nilingon ang nakasunod na binata, " Alin? "

KLEA (Book 3: Trinity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon