Chapter 2

2.2K 48 4
                                    

KLEA
written by: Lorna Tulisana





" Stand straight! "

Muling itinuwid ni Klea ang nabaluktot na likod sa malakas na sigaw ng gurong si Miss Unayan.

Kung tama ang kanyang kalkulasyon ayon sa mga natutunan niya sa MATH,siya ay halos nakatayo na sa likuran ng buong klase ng....

24 minutes
6 seconds
36 nano-seconds

Whew!

Napabuga ng hangin ang dalaga. Kanina pa siya nangangalay. Hindi dahil sa pagkakatayo kundi dahil sa tatlong malalaking aklat na nakapatong sa ulo. Idagdag pa dito ang dalawang maliit na paso ng halaman sa kanyang magkabilang kamay.

Ito ang malupit na parusang iginawad sa kanya dahil lang sa pagbibigay niya ng regalo para sa kaarawan ng dalagang guro.

Ano naman ang masama sa ginawa niya?

Napatingin si Klea sa direksyon ni Miss Unayan na nakaupo sa harap ng mesa nito at abala sa pagpapahid ng kung anong gamot sa maliliit na bukol nito sa buong mukha.

Nadako ang mga mata ng dalaga sa basag na banga na nasa sahig.

Ito ang kanyang regalo sa guro. Ang pinaglagyan niya ng pukyutan na siya mismo ang kumuha sa kagubatan.

Ang naging pagkakamali lang niya ay nakalimutan niyang tanggalin ang mga bubuyog sa loob.

Hindi bale....babawi na lang siya sa susunod na kaarawan ni Miss Unayan. 

Ano kaya magandang iregalo dito?

Tama!

Maraming bayawak sa gubat. Maganda itong bantay sa bahay lalo pa at uso ang nakawan sa mga bayan-bayan.

Napangiti ang dalaga. Magandang ideya ang kanyang naisip. Paniguradong matutuwa na sa kanya ang guro.

Baka ipasa na siya nito.

Sa hawak kasi nitong apat na subject ay ito lamang ang bukod tanging guro niya na tila ba paborito siya at ayaw pakawalan.

Labing-walong taong gulang na siya,pero hanggang ngayon ay nasa ikaanim na grado pa lang siya ng elementarya. 

Nalipasan na siya ng pagdadalaga ay hindi pa rin siya nakakatuntong ng entablado para sa pinapangarap ng ama niyang diploma.

Mukhang dadagdag na naman ng isa pang taon ang pananatili niya sa eskuwelahan lalo pa at pinakulo na naman niya ang dugo ng guro.

Kung hindi siya magpapakatino,baka nga abutan pa niya ang menopausal nito o retirement.

" Ahhh! ".

Napaigtad si Klea at naputol sa malalim na pag-iisip nang may kung anong bumagsak sa ulo nito.

" Mukhang hindi ka nahihirapan kasi nakukuha mo pang ngumiti! ".

Napangiwi ang dalaga dahil sa pagdagdag ng dalawa pang aklat sa ulo niya.

Kaya ayaw niyang manirahan sa bayan at makihalubilo sa ibang tao dahil kakaiba mag-isip ang mga ito.

Nakakabaliw!

Pati ang pagngiti,bawal na rin?

Whew!


----


Napuno ng hiyawan at tiliin ang paligid ng event hall ng SOUTH SEAS Mall ng lumabas mula sa backstage at rumampa sa entablado si TYREX MARAVILLO.

A half-Korean bachelor and a heartthrob.
A true image of fame and perfection.
He was envied by his generation.
He got the public's heart and attention.
Isa siyang kilalang modelo sa loob at labas ng bansa.
Hawak niya sa mga kamay ang tagumpay at kasikatan.

He walked like a professional. And at the age of twenty,maihahanay na siya sa mga batikang modelo.

" I love you,Tyrexxxx!!! " sigaw ng karamihan sa mga kababaihan na namamaos na sa pagtilisa kanilang iniidolo.


----


" One of the country's top product endorser and fashion model,a round of applause to TYREX MARRAVILLO.....".

Sa liit ng Studio 3 ng ABS-CBN MINDANAO,nabulabog ng nakabibinging tilian ang buong paligid.

Maging ang ilan sa Production Crew ay hindi na rin napigilan ang paghiyaw ng pumasok ang binata on his masculine black suit na talaga namang nagpalabas sa matikas nitong pangangatawan na lalo pang naging guwapo sa makalaglag-pustiso nitong ngiti.

" Hello,Tyrex! Welcome to NAME YOUR FAME....".

" It's always an honor,Tita Vicky! ", humalik ito sa pisngi ng host nang nasabing programa.

Itinaas ng isa sa mga crew ang karatolang " SILENCE " sa harap ng mga manonood.

Natahimik ang paligid.

" So,how do you find COTABATO? " panimula ng host.

" Great! On my way here,i really appreciate the sceneries! And to be honest,Tita Vicky,i did not expect too much welcome in this place that most residence are MUSLIM people! I thought they don't put too much attention to fashion,but i was definitely wrong dahil mula pa lang sa airport at sa dalawang mall show na ginanap,they are very supportive and very warm! "

Muling napuno ng hiyawan at palakpakan ang paligid.

" Sa dami ng mga tagahanga mo as a fashion model,hindi mo ba naisip ang pumasok sa pag-aartista? "

" Never! "

" Why? "

" Because i don't have talents in any form of acting! "

Ilan sa mga manonood ay natawa sa naging prangkang sagot ng binata.

" But there's a lot of workshop kung saan mahahasa ka! "

Napangiti si Tyrex, " It's not really in my genes! And besides,i'm not comfortable to see my self in a television or big screen in different facial expression espicially crying! "


" Have you ever cried in love? "

" Not yet! Hope so not! "

" Sa tinatamasa mong tagumpay at kasikatan,may oras ka pa ba sa lovelife? "

Napangiti ang binata.

" Have you ever fell in-ove,Tyrex? "

" No! "

Muling napuno ng ingay at tilian ang buong paligid.

" Please don't be offended...are you a gay? "

" That's what most people think,but i don't care about it! I knew my self so well! Siguro hindi pa lang dumarating 'yong tamang babae para sa akin! "

" What are qualities na hinahanap mo sa babaing mamahalin? "

" I don't put qualifications when it comes to love! As long as mamahalin niya ako ng tapat,then i'll promised to take care of her! ".

Muling naghiyawan ang mga kababaihan manonood.

" I WANT TO FALL INLOVE TO SOMEONE EXTRAORDINARY! "

----


Padapang bumagsak sa damuhan sa likuran ng paaralan si Klea habang naupo sa tabi nito ang kaibigang si Minyo.

" Kailangan ko na talaga itong gawin! "

" Gusto mong makatay ni Tata Selmo? "

Naupo ang dalaga. Hinawi ang ilang hibla ng kulot na buhok na tumabing sa mukha, " Wala akong pakialam! Basta hindi na talaga ako papasok sa eskuwelahan na ito! " madiin nitong pahayag.

" Kasalanan mo naman! "

Tinapunan ng matalim na tingin ni Klea ang katabi.

Mabilis na inakbayan ni Minyo ang kaibigan, " Para mawala 'yang inis mo,sumama ka na lang sa amin nina Topasyo at Arko! "

" Saan? "

" Sa Marheta! "

" Sa lawa? Bakit,anong meron doon? "

" Siguradong matutuwa ka! "


----


Napuno ng halakhakan ang grupo nina Minyo habang binabagtas na nila ang daan pauwi. Nakalarawan sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan na ang ilan ay sumisipol at kumakanta pa.

Nasa unahan ng grupo si Klea. Malapad ang ngiti. Nakasukbit sa likuran nito ang busog at pana habang hila-hila sa isang kamay ang malaking buntot.

" Sinabi ko naman sainyo,walang kahit anong mabangis na hayop ang inuurungan ng kaibigan ko! " pagbibida ni Minyo sabay tapik sa katawan ng buwayang nahuli nila.

Mahitpit itong natatali sa mahabang kawayan na pasan nina Topasyo at Arko. Habang nakatarak sa malaking bibig nito ang itak na halos maghati dito sa dalawa.

" O,dito na kami! 'Yong parte ko huwag ninyong kalimutan? " paalam at paalala ni Minyo sa mga kaibigan.

" Klea,sa susunod uli! "

Tumango at ngumiti lang ang dalaga.

" Halika na! "

" Mauna ka na! Dadaan muna ako sa gubat! Ibibigay ko 'to kay Koko..." tingin-turo nito sa buntot ng buwaya.

" Sige,hindi na kita masasamahan kasi may iniuutos pa sa akin si Imang! "

" Okay lang! "

" Ikumusta mo na lang ako kay Koko! "


----


Walang hirap na inakyat ni Klea ang pinakamataas na puno sa gubat. Ito ang kanyang paboritong tambayan dahil kapag nasa tuktok siya,tanaw niya ang mga nakapalibot na bayan at tila abot-kamay niya ang langit dito.

Isinukbit nito ang pana sa sanga. Dito niya ito iniiwan sa tuwing papasok siya ng eskuwelahan. Bawal daw.

Ang daming bawal!

Buti pa sa kanyang kagubatan,malaya siya.

Tumayo ito. Ipinikit ang mga mata at sinamyo ang sariwang hangin. 

Nakaramdam ito ng kaginhawahan at dagliang nawala ang inis na kanina lamang ay naramdaman niya sa guro dahil sa parusang iginawad nito sa kanya.

Dumilat ito. 

Maganda ang tanawing nasa harap niya. Kumukutitap sa liwanag ang mga bayang nakalatag sa kanyang paningin.

Tumingala ito at napangiti sa mga bituing nasa kalangitan.

" Alam mo, Koko,wala nang mas gaganda pa dito sa gubat! Sang-ayon ka ba sa akin? " bumaling ito sa kausap na nakalingkis sa katawan ng punongkahoy.

Bilang tugon ni Koko,inilabas nito ang mahabang dila.

" Nabusog ka ba sa pasalubong ko? " sabay haplos nito sa ulo ng alagang sawa.

Ito ang kanyang matapat na kasama at kaibigan sa gubat. Pero,tanging si Minyo lamang ang nakakaalam. Dahil kahit saang tribo,kinatatakutan ang mga kauri nito. Sumisimbolo daw ito ng kamalasan at kapahamakan.

Taliwas ito sa kanyang paniniwala. 

Dahil sila ni Koko ay " BEST OF FRIENDS " 'yon ay kung tama ang pagkakaalala niya sa itinurong grammar sa subject niyang ENGLISH...

KLEA (Book 3: Trinity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon