Chapter 21

1.6K 39 0
                                    

KLEA

written by: Lorna Tulisana

" Anak! "

Nakangiting sinalubong ni Kaka Paloma ang dalaga. 

" Bakit ang lapad yata ng ngiti mo,Kaka? Maganda ba ang ani natin ngayon? "

" Oo! Pero,may mas maganda pang balita d'yan! Bilis! May bisita ka! " hinatak nito sa kamay ang anak papasok ng bahay.

Biglang kinabahan si Klea. Bumalik na ba si Tyrex? 

Bumilis ang tibok ng puso nito sa pag-asang masisilayan na niyang muli ang binata. Kahit pa abot-langit ang tampo niya dito ay agad niya itong mapapatawad dahil tinupad naman nito ang pangako na muli siyang dadalawin.

Halos ilang linggo niyang hinintay at pinanabikan na muli itong makita. Sa oras na magtapat ito sa kanya,hinding-hindi siya magpapakipot. Dahil tanga lang ang aayaw sa isang Tyrex Maravillo. At hindi siya tanga!

Tama ang iniisip niya na for publicity lamang ang dahilan kung bakit nito nasabi na isa lamang siyang masugid na tagahanga. Alam at ramdam niya mula sa bawat hibla ng kanyang kulot na buhok na espesyal din siya dito.

Mabilis na pinadaanan ng kamay ni Klea ang buhaghag nitong buhok at pilit itong inuunat. Pinunasan ng manggas ng suot na damit ang nagmamantikang mukha. Kiniskis ng daliri ang ngipin sa pangamba na baka pagngiti niya ay may mga nakasabit pang gulay sa mga ito.

" Nandito na siya! " anunsiyo ng ginang.

Pinaarko ng dalaga sa labi ang pinakamatamis at pinakamagandang ngiti na tanging inaalalay lamang niya sa binata mula pa noong una nilang pagtatagpo.

" You must be,Klea? "

Agad na nabura ang kasiyahan sa mukha ng dalaga ng iba ang bumungad sa kanya.

" Hi! I'm Mylene! Mylene De Suarez,Assistant-Head of Fashion En Style ng Cotabato Group of Fame! " nakangiti nitong inilahad ang palad na sandali munang tinitigan ng dalaga bago ito tinanggap.

" Kadarating lang niya,anak! Tamang-tama naman at naisipan mo agad na umuwi! " pahayag ni Tata Selmo na noon lamang napansin ng dalaga na plantsado ang buhok na kung hindi siya nagkakamali ay ginamitan nito ng mantika ng niyog upang umunat at kumintab.

" Maupo muna kayo at maghahanda lang ako ng maiinom! " Iginiya ng ginang ang anak sa mahabang upuan katabi ng bisita.

At noon din lamang napansin ni Klea ang bulaklaking damit na suot ng ina na kulang na lamang ay paso at magmumukha na itong pananim.

Kung kadarating lang ng bisita,ang bilis naman ng mga itong ihanda ang sarili?

Napatitig ang dalaga sa katabi. Napakunot ang noo nito.

" Youl look curious? "

Marahan lang ang naging tango ni Klea.

" Actually,isa sa mga Production Crew ko ang nakadalo noong araw ng kasiyahan dito! He showed me the picture of your transformation at talaga namang nakuha mo ang atensiyon ko! "

Napakamot sa buhok ang dalaga at napayuko para maitago ang pamumula ng magkabilang pisngi, " Ah,e...nangyayari lang po 'yon tuwing Kapiyestahan ng Magabo! "

Hinawakan ni Mylene sa baba ang dalaga at itinaas ang mukha nito, " Ayaw mo bang gawing matagalan 'yon? I can help you! "

Lalong kumunot ang noo ni Klea.

" You're beautiful, you just need some changes! And I am expert with that! "

" Ah, mawalang galang na po! " Hindi na nakatiis si Tata Selmo na kanina pa nakanganga sa usapan, " Hindi pa puwedeng magsalita po kayo ng walang halong banyaga ng sa gan'un naman ay mas maintindihan ko! "

KLEA (Book 3: Trinity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon