Chapter 26

1.9K 50 2
                                    

KLEA
written by: Lorna Tulisana

Kahit anong pilit ni Koko na intindihin ang pinanonood na teleserye ng paborito niyang aktor na si Coco Martin ay ayaw talagang rumihestro nito sa kaniyang utak.

Malayo ang kaniyang isipan.....hindi pala gaanong kalayuan. Nasa gubat lang naman......kay Erich!

Wala kasi itong hilig sa telebisyon kaya mas pinipili na lamang nito ang magpaiwan. Pero,hindi naman siya mapakali. Tulad ng mga oras na iyon. Finale na kasi ng inaabangan niyang JUAN DELA CRUZ ni Coco kaya ayaw niya itong palagpasin. Pero,hindi naman niya naintindihan ang kabuuan ng istorya dahil nga nahahatak ang isip niya sa nag-iisang kapareha na naghihintay sa kanya.

" Koko,puwede ba? Tumigil ka nga d'yan! ", sita ni Klea sa kaibigan na paroon at parito sa maliit na sala ni Ka Bastre.

Hindi rin makapag-concentrate ang dalawa sa pinapanood dahil ang tingin nila ay nasa buntot ng sawa na anumang oras ay baka mahagip sila.

Tumalima naman si Koko. At ng makita nito ang salitang WAKAS ay agad na nitong tinungo ang pinto dahil nalalapit na rin ang oras ng kaniyang CURFEW. Hindi na nito nakuha pang magpaalam sa dalawa na nakasunod na lamang ng tingin sa kanya.

" Iba na talaga ang may LOVELIFE! ", makahulugang wika ng matandang manggagamot.

Mabilis na iniiwas ni Klea ang tingin sa nanunukso o nang-aasar na matanda, " Responsable lang si Koko at mahal niya si Erich! ".

Natawa si Ka Bastre, " Ang nagagawa nga naman ng pagmamahal! ", tinapunan naman nito ng makahulugang tingin ang dalaga, " Huwag kang mainip,darating na siya! ".

Tumayo na si Klea bago pa man uminit ang ulo niya sa matanda na ipinapaalala na naman sa kanya ang pagiging SINGLE at HEARTBROKEN, " Alis na po ako! Masyado ng gabi,baka hinahanap na ako sa amin! Salamat po uli! ", at tumalikod na ito.

" Tyrex,do you have any revelation in regards with the issue.......".

Natigil sa paghakbang ang dalaga sa pagkakarinig sa pangalan ng lalakeng laman pa rin ng kaniyang puso at isipan. 

Hindi ito lumingon. Pinipigil ang sariling huwag itong tingnan. Nais niyang humakbang at tumakbo na palayo,pero ayaw makisama ng kaniyang mga paa na tila ipinako sa kinatatayuan.

".....na nagkaroon ka nga ng relasyon sa isang babaing-gubat na nagngangalang KLEA JOY OSANO na nabibilang sa isang Tribo sa Cotabato? ".

Halos hindi humihinga si Klea. Gusto niyang takpan ang kaniyang tenga para hindi marinig ang isasagot ng binata dahil alam niyang masasaktan lang siya,pero sa mga oras na iyon ay tila may nakalagay pang MEGAPHONE sa tapat nito.

" Hindi siya babaing-gubat! She was just raised far from civilization! ".

" Nagkaroon ba kayo ng relasyon? ".

" Hindi! ".

Bumagsak ang mga balikat ng dalaga. Napakagat ito sa labi para mapigilan ang napipintong pagtulo ng mga luha. 

Ano naman ang inaasahan niya?

" But she was special to me! ".

Mabilis na napalingon si Klea. Tinitigan ang binatang sentro sa nagaganap na presscon.

" How special? ".

" Very special! She's the who........".

Biglang namatay ang telebisyon. Nataranta ang dalaga, " Ka Bastre,anong nangyari? Bilis! Kailangan kong marinig ang lahat ng sasabihin niya! ".

" Wala nang baterya,Klea! Hiniram kasi 'yan noong nakaraang araw ni Koko dahil gustong mapanood ang IT'S SHOWTIME! Hindi kasi siya pinayagan ni Erich na magtagal dito sa panonood! ".

KLEA (Book 3: Trinity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon