Chapter 10

1.6K 42 0
                                    

KLEA

written by: Lorna Tulisana

Nagdadalawang-isip si Tyrex na tanggapin ang hamon. Lalo na at nakamasid ito sa higanteng sawa na nakalingkis at nakalambitin sa umuugoy na baging.

Idagdag pa sa pag-aalinlangan niya ang kulot na dalaga na komportableng nakaupo sa sanga ng punongkahoy na kinaroroonan habang hindi pa rin matigil sa kakatawa dahil sa paulit-ulit na pagtangka ng kaibigan nito na makatawid sa puno. 

" Kapag natalo mo si Koko,magkaibigan na tayo! ".

Napangiwi angb binata. Sino naman ang magkakagusto na maging kaibigan ito?

" At mapapatawad na rin kita! ".

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Tyrex. 

" Halika na! ", tumayo ito, " Malaya ka dito,Tyrex! Alam ko na walang ganito sa mundo mo,kaya samantalahin mo na ang ganitong pagkakataon! Teka...hindi ka ba marunong umakyat ng puno? ".

Huh? Sino ang mag-aakala na ang sikat na taong katulad niya ay eksperto sa akyatan?

Noong bata pa siya,madalas siya sa probinsiya ng kanyang mga lolo at lola kung saan walang puno siyang hindi inaakyat.

Paborito niya ring lugar sa bahay ang bubong lalo na tuwing gabi at puno ng mga bituin ang kalangitan.

It was a long time ago since he experienced being free.

Mula nang pumasok siya sa pagmomodelo,nakamasid na ang publiko sa bawat galaw at kilos niya kahit wala na siya sa entablado.

Kasabay ng kanyang pagsikat ang pagkawala ng kanyang kalayaan na gawin ang gusto niya.

Is this the right time and the right place to be out of his shell and be free as he wanted to be? 

" Malapit na si Koko! ", nasisiyahang sigaw ng dalaga.

Mabilis na hinubad ni Tyrex ang rubber shoes nito...agad na isinunod ang suot na puting polo...at aktong tatanggalin din nito ang maong na pantalon nang abandonahin ito dahil sa tingin ng magkaibigan.

Tinakbo nito ang puno at sinamantala ang pagkakatigalgal ng dalawang naghahamon sa kanya.

" Bilis,Koko! ".

Bigla namang natauhan ang sawa at nilakasan nito ang pagduyan ng baging.

Walang hirap namang inakyat ng binata ang punongkahoy.

He was not the famous Tyrex Maravillo that very moment. He was the young boy who used to enjoyed the freedom being with the nature and the real world.

" Sige pa,Koko! ", pampalakas-loob na sigaw ni Klea sa kaibigan kahit sa puso niya ay gustong-gusto niyang manalo ang binata na sa pagkakamasid niya dito habang palipat-lipat ng sanga paakyat sa pinakamataas na bahagi ng puno ay hindi pa rin makapaniwala ang kanyang mga mata na ito ang pamosong modelo na hinahangaan ng publiko sa iba't ibang parte ng mundo.....ayon ito sa diyaryong nabili at nabasa niya kung saan una niya itong nasilayan, " Nand'yan na siya Koko! ".

Inihanda ni Tyrex ang sarili. Bahagya pa nitong ibinaluktot ang likod at ibinaliko ang magkabilang tuhod mula sa kinatatayuang malaking sanga.

Titig na titig ito at halos hindi kumukurap habang nakatingin sa papalapit na baging kung saan nakalingkis ang dambuhalang sawa na inilabas pa ang mga pangil at pinagbagsik ang mukha.

Hindi ito alintana ng binata. Nakakaramdam man siya ng kaunting takot,pero mas nangingibabaw sa kanya ang hangarin na manalo sa hamon.

Pinahaba ni Koko ang buntot nito na akto sanang itutulak ang kalaban nang maagap naman itong mailagan.

KLEA (Book 3: Trinity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon