Chapter 15

1.5K 36 1
                                    

KLEA
written by: Lorna Tulisana


Hindi na namalayan ni Klea na nawala na siya sa retmo ng tambol. Sa halip na bumilis ang indak nito sa saliw ng musika ay huminto ito at nanatili na lamang mula sa pagkakakapit sa batok ng binata. Sinalubong niya ang mga titig nito na napapansin niyang kanina pa halos hindi kumukurap.

Maging si Tyrex ay tila nawala na sa sarili ng hapitin nito sa beywang ang magandang dilag na nasa harap.

Maraming babae na siyang nakilala at nakasalamuha. Pero,ano bang meron ang babaing ito na hindi niya nakita sa iba?

Ang binata na mismo ang sumagot sa naging tanong nito...it was her simplicity and being an extra-ordinary one.

Hindi ba't minsan ay sinabi niya na gusto niyang magmahal ng isang hindi ordinaryong babae? 

Well,here she is! Right at the very front of him. 

" Bakit kanina ka pa ganyan kung makatingin? ", asik ng dalaga.

Biglang natauhan si Tyrex. Nanlaki ang mga mata nito sa pagkakakita ng sariling mga kamay na nakapulupot sa beywang ng dalaga.

Nawala na sa isipan ng dalawa ang reyalidad ng mundong kanilang ginagalawan. Bumalik lamang ito ng marinig nila ang malakas na palakpakan sa paligid.

Mabilis na naghiwalay sina Tyrex at Klea.

Halos takasan ng kulay ang mukha ng binata ng makita nito na halos lahat ng taga-Press ay nakapalibot sa kanila at nagkikislapan ang mga hawak na camera.

Ang imahe na matagal na niyang iniingatan ay tila masisira dahil lang sa isang babaing tiyak niyang hindi tanggap ng lipunang kanyang kinabibilangan.

Nakita ni Klea ang biglang pagbabago ng reaksyon sa mukha ng binata. At nakaramdam siya ng sakit sa kanyang puso.

Alam niya na gaano man siya kaganda....hindi nito mababago ang katotohanan na isa siyang babaing-gubat. Hindi siya normal kagaya ng ilang ulit na nitong sinabi sa kanya.

Siya si Klea Joy Bunda Osano...at mananatili lamang siyang isang Klea. Hindi ang katulad niya ang nababagay sa isang tulad ni Tyrex Maravillo. 

" Tyrex,did you finally found the right girl for you? ", mabilis na tanong ng isang reporter habang nakatutok sa harap ng binata ang hawak nitong tape recorder.

Napaatras si Klea. Ayaw niyang marinig ang isasagot nito. Baka mas lalo lang siyang masaktan.

Sinundan ng tingin ni Tyrex ang papalayong dalaga kung saan ilan sa mga taga-Press ay nakabuntot dito. Ngunit,agad din naman itong hinarang nina Minyo at Tata Selmo.


-----

Halos pira-pirasuhin ni Klea ang hinubad na damit. Kasabay nito ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Kahit bihisan at ayusan siya,hinding-hindi siya magugustuhan ni Tyrex. Hindi ang katulad niya ang papangarapin nitong mahalin.

Mabilis nitong pinahid ang mga luha. Agad nagbihis. Tinanggal nito ang mga tali at palamuti sa ulo na muling nagpalugay sa makapal at buhaghag nitong buhok.

Kapag ganito ang pakiramdam niya na parang gusto niyang pumatay ng tao,isa lang ang makakapakalma sa kanya....ang gubat!

Ito ang totoo niyang mundo kasama si Koko.


----

Nasa tapat na ng bukana ng pinto si Tyrex ng lumabas ang dalaga.

Sandaling nagkatitigan ang dalawa.

Aktong tatalikuran ni Klea ang hambog na binata ng mabilis siyang pigilan nito sa braso.

" We need to talk? "

KLEA (Book 3: Trinity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon