FINALE

2.5K 79 11
                                    

KLEA
written by: Lorna Tulisana




Sa laki ng Event Hall ng Mall of Asia ay nagsisiksikan ang mga tao dito para mapanood ang pagrampa ng tambalan ng dalawang modelong sumikat dahil sa mala-FAIRYTALE nilang lovestory.

Mali ang inaasahan ng mga kritiko na sa naging pag-amin ni Tyrex sa publiko hinggil sa pagmamahal niya sa isang babaing malayo sa pangarap ng isang tulad niyang GUWAPO,MAYAMAN,at SIKAT.

Sa halip na bumagsak ang carrier at katanyagan ng binata ay lalo pa itong nagningning dahil marami ang humanga sa kanyang naging desisyon. Marami ang bumilib sa pagsunod niya sa kanyang puso sa kabila ng posibilidad na maaaring masira ang kanyang imahe at pangalan.

Iba na talaga ang nagagawa ng isang tunay at tapat na pag-ibig. Handa nitong iwan at talikuran lahat. Handang magsakripisyo para sa kaligayahang hindi kailanman mapapantayan ng kayamanan at kasikatan.

True love was designed to someone who is willing to wait...to someone who believed... to someone who have the courage to do everything for the sake of it.

Tama lang na umasa at naghintay si Klea. Imposible man sa tulad niya ang pangarapin ang tulad ni TYREX MARAVILLO,patuloy siyang naniwala at nagtiwala.

Nasaktan man siya at hinusgahan ng publiko,she remained standing knowing that there's someone at her side na laging handang ipagtanggol siya.

" You're ready? "

Ngumiti si Klea, " Basta kasama kita! " Iniangkla nito ang kamay sa nakalahad na braso ng nobyo.

" I'm always here! You know i won't leave you! " Hinawakan nito sa baba ang dalaga at ginawaran ito ng masuyong halik sa labi na muling nagpataas sa kilay ng ilang modelo na nasa likuran ng mga ito.

" I'm sure gumamit 'yan ng gayuma! " pabulong ng isa sa katabi nito.

" Sa tingin ko may lahing mangkukulam ang babaing 'yan! "

" Baka nga gumamit pa ng espiritista dahil parang wala sa sariling katinuan si Tyrex! " sang-ayon ng isa pa.

Sabay na lamang na nagkatawanan ang magkasintahan.

" They don't know that it's none of the above! " malambing na bulong ng binata sa nobya.

" At ano 'yon? "

" I called it DESTINY! " sabay kindat sa dalaga.

Lalong lumapad ang ngiti ni Klea.

" Ready,guys? " tawag-pansin ng stage director.

Tumango lang ang dalawa.

Sandaling sinipat ni Tyrex ang kabuuan habang inayos naman ni Klea ang suot na kuwintas sa leeg na iniregalo sa kanya ng Mama ng nobyo.

She was lucky and blessed na sa kabila ng pagiging prominente nito ay mabilis agad sila nitong nagkagaanan ng loob. Simple lang naman ang ginagawa niya...ang pangitiin at patawanin ito araw-araw.

At ang laging TOPIC nila?

Si Koko!

Napangiti si Klea. Akala kasi nito ay kathang-isip lamang ang ibinibida niyang sawa.

Ano kayang magiging reaksyon nito sa oras na iharap niya dito ang kaibigan? Magagawa pa kaya nitong ngumiti at tumawa?

" And what's that smile for? " puna ng binata.

" Masayang-masaya lang ako! "

" And that's my goal in life...to make you happy! Let's go? "

-----


Napuno ng hiyawan at palakpakan ang buong paligid sa paglabas nina Klea at Tyrex.

Unang naglakad sa mahabang entablado ang dalaga wearing a black-cock tail dress na nagpalabas sa morena at makinis nitong kutis. Humakab din dito ang makurba nitong beywang.

Sa kabila ng pagbabagong idinulot sa kanya ng siyensya at teknolohiya,hindi niya kailanman ikakahiya ang mundong kaniyang pinagmulan.

Iba man ngayon ang tinahak niyang landas.... mas pinili man niyang iwan ang gubat...masaya siya at iyon ang mahalaga.

Sumunod na humakbang sa entablado si Tyrex. His masculine suit fitted him well na laging hinahangaan ng mga Fashion Designer dahil sa galing niyang magdala.

Halos mayanig ang buong Event Hall sa lakas ng sigawan at hiyawan ng simulan na ng magkasintahan Ang kanilang ROMANTIC MOVES kung saan sa mga titig pa lang nila sa isa't isa hanggang sa mga haplos ay talaga namang nagpakilig at nagpatili sa lahat.

Sino nga ba talaga ang mag-aakala na sa lawak ng mundo...sa layo ng pinagmulan nila....sa dami ng kanilang pagkakaiba ay nakalaan pala sila para sa isa't isa?!

It's how really true love moves...full of mystery and surprises!

----



Muling napaigtad sa sakit si Tyrex ng sa pangatlong pagkakataon ay bumagsak ito mula sa puno. Habang tumatagal ang laban ay nagiging marumi na ang pamamaraan ni Koko.

Nais nitong magpakitang gilas kay Erich na nakatanaw mula sa ilalim ng butas kung saan nagpapainit ito ng kaniyang mga itlog na ayon kay Ka Bastre ay malapit ng mapisa.

" Tyrex,bangon! "

Napatingin ang binata sa nobya na tulad ng dati ay nauna na naman sa kabilang puno.

Maliksi pa rin ito sa kabila ng matagal na pamamalagi sa lungsod dahil sa pagiging abala sa pagmomodelo nito.

Tanggap na nito ang pagbabago ng mundo kasama siya. At iniwan man nito ang gubat,hindi pa rin ito nakalimot.

" Hsssstttt! "

Bumagsak sa tabi ni Tyrex ang dambuhalang sawa na may iisang pangil nang mapatid ang baging na kinapitan nito.

Doble na kasi ang timbang nito. Ayon sa matandang albularyo ay hiyang daw ito sa pagkakaroon ng kapareha sa buhay.

Kinuha itong pagkakataon ng binata. Sa kabila ng pananakit ng likod at balakang ay mabilis itong tumayo at muling inakyat ang puno.

Hindi naman nagpahuli si Koko na kumindat pa kay Erich habang pinahaba ang dulo ng buntot at kiniliti nito ang kili-kili ng determinadong binata na nangangalahati na sa pag-akyat.

" Koko! " muntik ng makabitiw si Tyrex, " Lumaban ka ng patas! 'Yan ba ang klase ng ama na nais mong tularan ng magiging mga anak mo? " emosyonal na litanya nito.

Tama naman ang naging istilo ng binata dahil tila naman nakaramdam ng pagkapahiya ang sawa na muling napasulyap sa kinaroroonan ng kapareha.

Ilang araw na nga lang pala ay mapipisa na ang mga itlog at makikita na niya ang kanyang mga supling. Magiging ganap na siyang ama. At nais niyang maging mabuting huwaran.

Ayaw niyang lumaki ang mga anak na bayolente tulad ng iba niyang mga kalahi. Dahil ayon sa kaibigan niya,isa siyang sawa na may mataas na antas ng karunungan...kakaiba siya dahil sa angkin niyang talino...tunay na maipagmamalaki dahil sa taglay niyang kisig...walang katulad dahil sa tikas ng katawan at kaliskis....higit sa lahat ay ma...

CRACK!

Napukaw ang diwa ni Koko sa ginagawang pagbibida sa sarili ng marinig nito ang ingay. Napatingala ito at biglang nanlaki ang mga mata. Hindi na niya namalayan na naungusan na siya ng kalaban. At mukhang naisahan siya nito.

Agad na kumilos ang sawa. Mabilis ang naging paglingkis nito paakyat ng puno.

" Bilis,Tyrex! " sigaw ni Klea.

Naalarma naman ang binata lalo na ng mamataan nito ang sawa na patungo na sa kanyang direksyon. Pinilit nitong makasampa mula sa pagkakakapit sa nabaling sanga.

Ngunit hindi pa man nakakalayo si Tyrex ay naramdaman na nito ang pag-angat sa ere.

Pumulupot ang buntot ni Koko sa katawan ng kalaban at inilipat ito sa kanyang likuran.

Halos manakit naman ang tiyan ni Klea sa katatawa habang nakamasid sa dalawa na parehong determinadong manalo sa laban.

Napakabilis lumipas ng panahon. Halos dalawang taon na rin ang lumipas mula ng mapadpad si Tyrex sa kaniyang gubat.

At dumaan man sila sa maraming bangayan na tinalo pa ang mga aso't pusa,nauwi naman sila sa isa naiibang kuwento ng pag-iibigan na tulad ng kanyang kaibigang si Koko ay ngkaroon din ng HAPPY ENDING kasama ng kanilang minamahal.

Napasuklay ang mga daliri ng dalaga sa unat na unat nitong hanggang balikat na buhok. At napasulyap din ito sa makinis at morena niyang balat.

Marami man ang nagbago sa kanyang buhay,mananatili pa rin ang kanyang tunay na katauhan.

Siya pa rin si KLEA JOY OSANO na mula sa Tribong Harayo ng Cotabato...

Nabago man ang kanyang pananaw at nakatakda man niyang lisanin ang gubat para sa pagpasok sa isang mundo na dati ay hindi niya pinangarap,magiging malaking bahagi pa rin ito ng kanyang buhay at nakaraan.

" Hsssstttt! "

Muling napatingin si Klea sa dalawang magkalaban na wala pa ring gustong sumuko.

Dalawang baging na ang binitinan ni Koko para makasiguro na hindi na ito mapapatid pa. Pero,dumagdag naman ang bigat niya dahil sa binatang komportableng nakaupo sa gitnang katawan niya.

Hindi niya maitaboy o maitulak man lang ito dahil ang dulo ng buntot niya ay mahigpit na nakalingkis sa isang baging habang ang bahaging ulo ay nasa kabila naman.

Sa maling kilos niya ay dalawa lang ang magiging resulta...uuwi siyang talunan at hindi pa siya makakahalik kay Erich.

Pinahaba ni Klea ang braso para abutin ang kamay ng nobyo ilang pulgada na lamang ang layo mula sa kinaroroonan niya.

Ngunit,sa tulad ni Koko na inspirado at determinado,hindi siya basta na lamang magpapatalo.

Kaya naman bago pa magdikit ang kamay ng magkasintahan ay naging mabilis ang desisyon ng sawa.

Bumitiw sa isang baging si Koko at tulad ng inaasahan ay napatid ang natirang binibitinan nito.

" Ahhhhh! "

KLEA (Book 3: Trinity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon