Chapter 18

1.5K 38 1
                                    

KLEA
written by: Lorna Tulisana





" Hsssssttt! "

Napaigtad si Koko hindi dahil sa kati at kirot dulot ng pagpapalit-balat nito kundi sa maaksyong pelikula na kanyang pinanonood sa cellphone na nakasabit sa dingding ng wasak na silid ni Ka Bastre.

May mas magaling pa pala kay COCO MARTIN...si TOM CRUISE at napakaganda ng pelikula nitong MISSION IMPOSSIBLE.

Nawala na sa isip nito ang kanina lamang ay pagbuhos ng matinding emosyon dahil sa sinapit ng ina na hindi na niya nasilayan pa.

Marahil hanggang doon na lamang talaga ang buhay nito. Wika nga ni Ka Bastre.....una-unahan lang 'yan!

" Hsssstttttt! "

" Naiintindihan ba talaga niya ang pinapanood niya? " Hindi makapaniwalang tanong ni Tyrex na kanina pa hindi inaalis ang tingin sa sawa na komportableng nakahandusay sa sahig.

" Nakikita mo naman, 'di ba? Sinasabayan niya 'yong galaw ng bida! "


" Hindi kaya maging bayolente siya dahil sa mga pinapanood niya? "

" Tinuruan ko si Koko na huwag pumatay ng tao,ilang ulit ko bang sasabihin 'yan saiyo? "

" Huwag pumatay, pero nakita mo naman kanina na halos magkabali-bali ang mga buto natin?"


" Natural lang 'yon dahil nasaktan siya sa sinapit ng kanyang ina! Manhid ka ba talaga? ".

Napatitig si Tyrex sa katabi.

" O,bakit na naman ganyan ang tingin mo? May naisip ka na namang ipanlalait sa akin? "

Mabilis na umiwas ng tingin ang binata. Nilapitan nito ang kinaroroonan ni Koko at mabilis na hinablot sa dingding ang cellphone nito.

" Hssssssttttt! "

" Akin 'to! "

" Hssssttttt! "

" Huwag mong ginagalit si Koko dahil nagpapalit-balat siya! Gusto mo bang lunukin ka niya ng buo? " pagbabanta ni Klea.

Muling ibinalik ni Tyrex sa dingding ang telepono. " Ibalik mo 'to sa akin,ha? Huwag na huwag mo itong sisirain kung ayaw mong adobohin kita! "

" Hsssssttttt! " pinalabas ni Koko ang mga pangil nito.

Mabilis na napaatras si Tyrex ng nakita na naman nitong pinahaba ng sawa ang buntot. 

" Mayaman ka naman, 'di ba? Bumili ka na lang ng bago! Ibigay mo na 'yan kay Koko para may mapaglibangan siya dito! "

" Ano siya,sinusuwerte? SAMSUNG GALAXY 'yan? Alam mo ba kung magkano 'yan? "

" Sige,magyabang ka! Bukod sa panlalait at panghuhusga, 'yan lang naman ang alam mong gawin! Nuknukan ka ng hambog! "

" Magkape muna kayo! " Pumasok si Ka Bastre tangan ang tatlong tasa ng umusok pang kape na nakapatong sa pabilog na plato, " Mukhang nagkakainitan na naman kayo! Hindi na ba talaga kayo magkakasundo? "

" Hindi! Kung ganitong klaseng tao ang pakikisamahan ko na bukod sa mayabang na,matapobre pa! "


" At kung ikaw rin lang ang pakikisamahan ko,magtitiyaga na lang ako kay Koko! "

" 'Yon ay kung gugustuhin ka niyang makasama? Allergic ang balat niya sa katulad mong presko at arogante! "

" Tama na 'yan! Tyrex,baka naman hinahanap ka na ng mga kasamahan mo? "

" Hindi ko po alam ang pabalik doon! "

" Puwes,alamin mo! Huwag na huwag kang magpapasama sa akin dahil alam mo na ang isasagot ko! HINDI! NEVER! NO WAY! " nakakaloko pa itong ngumisi sa binata.

" Ang mabuti pa dumito ka na lang muna,Klea,at samahan mo dito si Koko! Ako na lang ang maghahatid kay Tyrex! "

Napangisi si Tyrex na ikinasingkit naman ng mga mata ng dalaga.

" Inumin na ninyo 'yang kape bago pa lumamig! "

Dinampot ni Klea ang tasa ng hindi inaalis ang tingin sa binata na nakaguhit pa rin sa mukha ang nakakalokong ngiti dahil sa kanyang pagkapahiya. Ang inis nito kay Tyrex ay idinaan nito sa mabilis at malakas na paghigop ng kape na nakalimutang bagong kulo at timpla lamang ito. Bago pa man sumayad sa lalamunan ni Klea ang umuusok na inumin ay agad niya itong naibuga sa hubad na dibdib ng binata.

" Whoaaaa! " Nataranta si Tyrex habang pinapagpag ng kamay ang dibdib kasabay ng pag-ihip dito na tila ba mapapawi ng kakarampot na hangin sa bibig ang hapdi na nararamdaman, " Nananadya ka ba talaga? "

" Hindi ko sinasadya! " maging ang dalaga ay napaihip sa bibig sanhi ng napasong dila.

" You're so careless! "

" Dumadami na talaga kasalanan mo sa akin, sumusobra ka na! "

" At ako pa ang may kasalanan? "

" Teka! Teka! Bago na naman mauwi ito sa iringan ninyong dalawa, ang mabuti pa,Tyrex,lumakad na tayo dahil ayokong simulan na naman ng gulo at usap-usapan ang pagkawala mo sa kasiyahan! Tiyak nag-aalala na rin sina Selmo at Paloma! "

" Buti pa nga dahil habang tumatagal ako dito,unti-unti na akong nawawala sa katinuan! "

" Ang yabang ng lalakeng 'to?! Akala mo kung sinong makapagsalita! "

" O,magdamit ka..." sabay abot ng polo ng binata, "...baka ano pa isipin ng mga kasama mo! Klea,ikaw na ang bahala dito! Ikaw na muna ang magpatuka sa mga manok ko! Halika na,Tyrex! "

Nagpatiuna na ang matanda na sinundan agad ng binata.

" Teka!" Tumigil sa paghakbang si Ka Bastre, " Hindi man lang ba kayo magpapaalam sa isa't isa? Baka ito na ang huli ninyong pagkikita? " nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa na nag-iwasan naman ng mga mata, " Maiwan ko muna kayo! Mukhang kailangan ninyo ng pribadong usapan! ".

" Huwag na, Ka Bastre..." maagap na pagpigil ni Klea sa pagtalikod ng manggagamot, "....hindi na kailangan! " Tinapunan nito ng sulyap ang binata na kunwaring inaabala ang sarili sa pagpaplantsa ng gusot na damit, " Wala namang mabuti at magandang nangyari sa naging pagkikita namin! ".


Nag-angat ng mukha si Tyrex at sinundan ng tingin ang pagtalikod ng dalaga.

" Wala nga ba? " pabulong na tanong ni Ka Bastre sa binata.

Sinalubong ni Tyrex ang makahulugang tingin ng albularyo.

" Lapitan mo na! " pasimple nitong tinulak ang binata, " Baka magsisi ka kapag pinalagpas mo ang pagkakataon? Sige na! "

Napakamot sa batok si Tyrex habang dahan-dahan itong humakbang palapit sa dalaga na nakadungaw sa labas ng wasak na bintana.

" Hsssssttt! "

Napatingin si Klea sa kaibigan na abala pa rin sa panonood. At nahagip sa sulok ng mga mata nito ang papalapit na binata. Agad nitong ibinalik ang tingin sa labas. Umarko sa labi nito ang ngiti.

" Aalis na ako! "

" E,bakit nandito ka pa? Kung aalis ka,umalis ka na! "

Nagpigil ng inis si Tyrex sa masungit na dalaga, " Baka hindi na tayo magkita uli! "

" Mabuti naman! " Sa kabila ng mabilis na tugon ay nakaramdam ng kalungkutan ang dalaga.

" Salamat nga pala! "

" Para saan? " sa pagkakataong iyon ay naging malumanay na ang tinig nito.

" Sa ilang beses mong pagligtas sa buhay ko! "

" Akalain mo 'yan? Naalala mo pa pala 'yon? " Hindi nito naiwasan maging sarkastiko lalo pa at sumagi sa isip niya ang mga inabot na panghuhusga at panlalait dito.

" Sorry! "

" Okay lang! Umalis ka na, baka hinahanap ka na nila! "

" Wala ka man lang bang sasabihin? "

Napaangat ang isang bagong ahit na kilay ni Klea. Hinarap nito ang binata, " At ano naman ang gusto mong sabihin ko? "

" Kahit ano! "

" Bakit? Inaasahan mo ba na maririnig mo sa akin na sabihin kong " MAG-IINGAT KA,MAMI-MISS KITA! " ? Gan'un ba? "

" Hindi ba? 'Yong totoo, hindi mo ba ako mami-miss? " sinabayan pa ito ng pagkindat sa dalagang agad namula ang mukha.

Pasimple namang sinulyapan ni Koko ang dalawa. Pinahaba nito ang buntot at tinanggal sa pagkakasabit sa dingding ang cellphone. Umusad ito ng kaunti palayo sa dalawang nilalang dahil naaalibadbaran siya sa kadramahan ng mga ito. Kung isa itong teleserye ay hinding-hindi ito papasa sa kanyang panlasa.

" Tumigil ka nga! Ang kapal nito! "

Humakbang palapit si Tyrex na nagpaatras naman sa dalaga.

" Hanggang d'yan ka lang kung ayaw mong paliparin kita palabas ng bintana! "

Hindi pinansin ng binata ang pagbabanta ni Klea. Mas nilakihan pa nito ang paghakbang.

Lumapat ang likod ng dalaga sa naatrasang dingding. At sinamantala agad ito ni Tyrex na iniharang ang dalawang matitipunong braso sa magkabilang tagiliran nito.

Sandaling nagkatitigan ang dalawa. Bumilis ang kanilang paghinga kasabay ng pintig ng kanilang mga puso.

And as Tyrex was staring at the girl who add-up spice on his boring life, hindi nito maiwasang itanong sa sarili na paano kung mahalin niya ang isang katulad nito? Will he risk his fame in the name of love? Kaya ba niyang ipagpalit ang mundo sa gubat kasama ng babaing tiyak niyang magpapasaya at magpapangiti sa bawat araw ng kanyang buhay?

Napapikit si Klea ng unti-unting ilapit ng binata ang mukha nito sa kanya. Nasamyo niya ang mabangong hininga nito. 

Samantalang ang sawa na abalang-abala sa panonood ay biglang gumalaw ang isang mata na palihim na nagmamatyag. Nakaramdam ito ng inggit at selos sa paglapat ng labi ng dalawa na kanina lamang ay mala-teleserye ang eksena.

Nawala na ang konsentrasyon nito sa kinawiwilihang pelikula dahil sa pagsagi sa isipan ng tungkol sa nalalapit na VALENTINES.

Napanood niya ang tungkol dito noong mga nakaraang araw sa nawasak na telebisyon kung saan ay abalang-abala na ang mga magkakapareha para sa paghahanda ng kanilang magiging Valentines date.

Ayon sa natutunan niya sa MATHEMATICS+LOGIC+ENGLISH+SCIENCE+VALUES STUDIES+RELIGION, siya ay may SAMPUNG TAON ng nalipasan ng SUNOD-SUNOD na VALENTINES mula ng likhain ang SIYAM NA PLANETA ng DIYOS!

" Hsssttt! "

Tuluyan na ngang nawalan ng interes si Koko sa kahit anong pelikula at teleserye. Maging ang paghanga niya kina Coco Martin at Tom Cruise ay naglaho dahil okupado na ang isip nito sa pagpapantasya ng kanyang pinapangarap na VALENTINA...

Sino kaya ang masuwerteng nilalang na makakahimas ng kanyang kaliskis at mga pangil?

KLEA (Book 3: Trinity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon