CHAPTER 1: HALIMAW KA!

63 3 0
                                    

----

"Mr. Morales, Can you read page 48?"

"Mr. Morales?"

"Jast, gisingin mo yung seatmate mo tawag sya ni Ma'am"

"Hoy lalaki gumising ka tinatawag ka ni Ma' am Dela Cruz "

Nagulat ako nung bigla syang tumayo sa upuan nya tapos tiningnan nya ako ng masama, jusko!kala mo naman natakot ako Huhu! Ano naman ginawa ko sa kanya?

"Hoy ikaw! sino nagsabi sayong gisingin mo ko ha?! Panget!!"

"Mr. Morales, natutulog ka sa klase ko? hindi mo ba alam na bawal yan during class?!"

"Eh Ma'am Dela Cruz kasi po...napuyat ako kagabi eh. Ma'am Sorry po"

"Ah, bakit ka napuyat, come on share mo naman samin"

"Ma'am nakipag away po kasi ako"

"Nakipag away? yan ba ang new subject natin kaya mo pinagpupuyatan. Sige go to principal's office"

Tumingin ulit sya sakin...

"Patay ka sakin mamaya!"

Hala anong ginawa ko?. Shunga ba sya?Ginising ko lang naman sya ehh.. Tssk! Berirong move!

Pagkatapos nyang sabihin yun lumabas na sya ng room. Nako nakakatakot sya, ang tangkad pa naman nya. Ang sama ng first week ko sa school may nakaaway agad ako.

Natapos na ang klase namin. Sa wakas uwian na. Uwing uwi na ako eh, may naalala tuloy ako... oo nga pala yung Mr. Morales na yun. Patay nga pala ako sa kanya paano na kaya to? baka mamaya paglabas ko suntikin ako non. Oh no! o kaya pagsamantalahan pa nya ako. Nako I'm so dead! hindi pa pwede bata pa ako. Ang OA ko naman(erase, erase!). tama na

Pag labas ko ng room tiningnan ko ang paligid Yes! wala si Mr.Morales. Para pa akong ninja sa pagtatago para lang makalabas ako ng school namin, para tuloy akong kriminal kung hindi lang talaga sa lalaking yun! nakauwi na ako . Pag ka lagpas ko ng gate namin napabuntong hininga ako, wala yung Mr.Morales na yun Yown! ligtas ako.

Naglakad ako papalayo ng school
"Hay salamat nakaligtas din ako, makauwi na nga!"

"Saan ka pupunta?" Oh no! pag lingon ko isang halimaw ang napansin ko. Parang mangangain eh. Mukhang gangster pa. Ayy oo nga pala bully king eh.Oh Lord Help Me!.

"Eh di uuwi na saan pa ba?"

"Uuwi? Di ba may atraso kapa sakin?. Kaya bakit ka uuwi?"

"Hoy wala akong atraso sayo noh? Halimaw ka!"Bigla syang lumapit sakin, yung mukha nya ang lapit sakin naamoy ko pa yung hininga nya, infairness mabango ah! pero... Anak ng tilapia anong gagawin nya?Lord help me!! Pleaseeee.....

"Hoy Miss Arevalo, nakakalimutan muna yata ng dahil sayo na office ako at pinatawag ang parents ko. At dahil don nabawasan ang allowance ko, kulang ang pang bili ko ng yosi at pang bar ko."Huhu!! pauwiin mo na ako

"Hoy Halimaw ka. Pauwiin mo na ako. Patay ako sa parents ko. Maawa ka na sakin Mr. Morales, please!!"

"Hindi pwede!"

IM INLOVE WITH THE BULLY KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon