KENJIE'S POV
"Nasan na ba yung kapatid kong yon?"
"Ahh!! kuya andito na ako!"
"Buti naman nakauwi ka na? marami ba kayong ginawang project? kasi halos mag gabi na oh bago ka makauwi!"
"Hindi naman po masyadong marami,sadyang tatlo lang po kaming magka group."palusot.com ka JL, hahaha
"Tatlo? alam ko na kasi panget ka ehh! hahaha walang may gustong maging kagroup ka, masyado ka daw kasing baduy!hahaha biro lang payatot."
"Ikaw nga ang panget eh, tsaka bad boy pa, alam mo bang sakit ka sa ulo ni Mommy, tsaka naiinis kaya ako sa mga kagaya mo. I really really hate you, Stupid brother!"
"Hahaha si payatot pikon! hahaha hindi bagay sayo lalo kang pumapanget! tumahimik ka na nga alam kong iiyak ka na naman kasi nga iyakin ka."
"Hindi kaya ako panget noh? hindi lang ako famous, eh ikaw kasi famous eh kaya para sa kanila pogi ka pero para sakin PANGET ka tsaka bad boy."
"Oo nga badboy ako, at ako ang badboy na pinakagwapo noh? kaya maglaway ka, payatot."
"Hala! kapal ng face mo kuya ako maglalaway sayo? No way sa panget mo nayan wala ka pa sa kalingkilan ng crush ko noh! yuckss...."
"Hala may crush ka na? sino yan ha? pag nalaman ko kung sino yung panget na crush mo bubugbugin ko yun."
"Hay kuya! hindi mo mabubugbog yun gangster din kaya yun, kagaya mo pero! mas gwapo sya sayo, kaya kuya tumigil ka sa pagiimagine mo noh."
"Sige na! ikaw na ang panalo, suko na ako, pero sino muna yung crush mo? "
"Hay naku! Kuya chismoso ka rin eh, tumigil ka na nga"
"Yiehh si payatot in love na, sana wag ka na ulit umiyak ah sa pangalawang pagkakataon, sinasabihan ulit kita kaya sana sundin mo na."
"Yah! alam ko na yun tumigil ka na nga, kuya I love You."
"Naku! Payatot alam ko na yan may kailangan ka na naman noh? ano ba yun? baka pwede kitang tulungan"
"Yiehh sweet talaga ng kuya ko kaya lab na lab kita eyy!"
"Ano ba kasi ang kailangan mo? Sabihin mo na kasi"
"Ahmm.... kuya kasi hindi ko talaga crush yung sinasabi ko sayo, pero sana kuya wag kang mabibigla ah?"
"Ano ba yun? promise hindi ako mabibigla. Kaya sige na sabihin mo na payatot. "
"Ahmm... kuya may boyfriend na ako! sorry! kung ngayon ko lang sinabi."
"Sino? Ano ang pangalan nya? Kilala ko ba sya? Ano? Ano?"
"Teka lang naman kuya! mahina ang kalaban, konti konti lang ang tanong isa lang ako, marami ang tanong mo."
"Ang boyfriend ko ay si Skie Morales, ang tinaguriang bully king ng school natin. Ano kuya masaya ka na? Pasok na ako ng room ko, bye kuya I Love You."
"JL! JL! Saglit lang, totoo ba? hahaha! baka nag bibiro ka lang? Si Skie boyfriend mo? Bakit ikaw pa hahaha siraulo talaga yung lalaking yun."
"Bakit masama ba? syempre kasi nga maganda ako. Diba sabi ko naman sayo na maganda ako hindi nga lang sikat."
"Sige na magbihis ka na! tapos pagkabihis mo bumaba ka na at kakain na tayo."
"Opo"tipid nyang sagot
JL,
Sana sa susunod mong lovelife maging masaya ka na. Sana hindi ka na saktan ng lalaking mamahalin mo. Sana maging matibay ka na ulit . Mahal na mahal ka namin JL kaya gusto namin na maging masaya ka. bulong ko sa sarili ko habang papunta sya sa kwarto nya.Dear Santa Claus,
Parang awa mo na pasayahin mo naman ang kapatid ko, kahit alam kong hindi ako naging mabuting kapatid at anak. Sana sa darating na pasko mapagbigyan mo ako."JL, kahit anong mangyari hindi ako bibitiw sa pagmamahal at pag aalaga sayo. Kaya sana worth it ang paghiling ko kay Santa Claus, kahit na matagal pa ang pasko hahahaha. Pero seryoso ako don.
BINABASA MO ANG
IM INLOVE WITH THE BULLY KING
Teen FictionSa Panahon ngayon marami na ang hindi tumutupad sa mga pangako. Paano kung nangako ka sa sarili mong hindi ka maiinlove sa taong pinakahate mo? Paano kung lahat ng bagay magkagulo dahil sa pagmamahal mo sa kanya? Kaya mo bang isakripisyo ang lahat...