LORAINE'S POV
"Good Morning World!"sigaw ko. Ganon kasi ako eh,sumisigaw pag kagising ko palang, gusto ko kasing gisingin yung napakagaling kong kuya. Kuya kong gusto gisingin pa sya, napaka iresponsable nya talaga.
Pumunta ako sa kwarto ng kuya ko.Ginising ko sya, kasi pag hindi ko ginawa yun male late kami parehas, kaya kahit ayoko man na gisingin sya hindi pwede dahil madadamay lang ako sa kagagawan nya. Ayokong ayoko kayang nalelate noh? kasi nakakahiya, mapapagalitan ako ng teacher ko at madadala lang ako sa office. Ikaw na ang nale late napasama ka pa. Hahahaha.Para sakin ang pagiging late, ay nakakahiyang gawain ng isang estudyante.
"Kuya! gising na! malelate na tayo, kasi puyat ng puyat! walang hiyang buhay yan oo! badboy kasi eh, mahirap talagang maging kagaya mo! sakit sa ulo ng magulang! Tse! bababa na nga ako."
Lumabas ako ng kwarto ng Kuya ko. Dumiretso ako ng kusina, grabe nagutom ako don ah! hayss nagutom ako sa paggising ng napakagaling kong kuya. Tapos ginising ko naman balewala lang sa kanya! Kuya ano bang gagawin ko sayo? Bakit ba hindi ka magbago? Aish,dapat wag kong intindihin yun.
Nakita ko si Mommy nagluluto ng almusal namin. Naamoy ko, ang bango! Kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Mommy! Good morning! ang bango naman nyan! "
"Sige! kumain ka na my daughter! alam kong nagugutom ka na kaya hinandaan kita ng napakasarap na almusal. Enjoy your meal."umalis na si Mommy, dahil may pupuntahan yun. If I know, magpapaganda na naman sya. Hahahaha!!! nanay na eh, gumaganon pa! sus iba talaga ang pamilya ko.
Pagkatapos kong kumain, umakyat agad ako sa kwarto ko. Naligo ako ng mabilis dahil 30mins nalang malelate na ako. Shocks! ayokong malate, nakakahiya yun.
Kuya iiwanan na kita papasok na ako. Ayokong malate. Goodbye!
Agad akong tumakbo papalabas ng bahay namin.Naghanap agad ako ng tricycle, sakto namang may dumaan kaya isinalay ako.
Ngayon nandito na ako sa school namin. Agad akong nagtungo sa room namin at thank GOD ala pa ang napaka aga naming teacher, siguro kung mag award yung teacher na ganon, proud ako sa kanya dahil sya ang mabibigyan non.
"Bes!" tawag sakin ni Bethany.
"Hello! good morning bes. Ang aga mo naman nadaig mo si Ma'am Dela Cruz ngayon ah! Bakit hah?"
"Ala lang! siguro hindi ako gaanong nakatulog dahil may iniisip ako."sabay takip ng bibig nya na para bang nadulas sya.
"Ano ba ang iniisip mo. Ayy! mali pala hindi pala ano kung hindi sino. Come on bes sabihin mo na sakin kung sino ang tumatakbo dyan sa isip mo buong gabi.Baka matulungan kita.Kilala mo na ba sya?"
"Oo tama ka! tao ang iniisip ko hindi bagay o ano pa man."
"Ehh sino ba yun? kilala mo na ba?"
"Sya lang naman yung lalaking...."
ringgg****
Naku bad timing naman yung walang hiyang bell na yun! As usual andito na ang napaka aga naming guro, pero infairness hindi sya sobrang aga ngayon sakto lang naman sya hay! naku may himala!
"Loraine?"tanong sakin ni Skie, ano naman kaya ang kailangan ng lalaking to
Pag kaharap ko. May naramdaman akong kakaiba, parang! hinalikan ako ni Skie! Omo! yung first kiss ko nakuha na ng lalaking yun. Sh*t hindi pwede noh? pangako ko sa sarili ko bibigay ko lang ang first kiss ko sa magiging asawa ko. Maging si Ivan hindi nagawa sakin yun! tanging si Skie lang ang nakagawa sakin nun! Teka! pwede kayang si Skie ang maging asawa ko? Ayy! bakit ko ba iniisip yun. Erase erase! tumigil ka na JL.
Kinausap ko si Skie.
"Hoy! ano bang ginawa mo sakin? bakit mo ako hinalikan?"
"Hindi ko naman sinasadya yun! kaya tumigil ka nga sa pagbubunganga mo dyan. Ikaw ata ang may gustong halikan ako eh."kapal nya,asa pa sya hindi sya ang tipo kong lalaki noh? kaya magtigil sya.Dahil kahit kailan hindi ako mahuhulog sa isang bully king.
"Ano? ako pa ngayon ang may gusto ng lahat ng nangyari? Hindi kita type noh? kaya manahimik ka! assuming."
"Mr.Morales? Ms.Arevalo?go to principal's office Now!"
"Yes Ma'am!" sagot ko.
Hayss! oo nga hindi nga ako nalate pero na office parin ako, jusko!nakakahiya! matalino pa naman ako tapos na office ako?Huhu! I'm so disappointed to myself.Sana naman wag ipatawag ang Momm ko. Kung hindi talaga ako hinalikan ni Skie hindi mangyayari lahat ng kamalasan ko. Skie! lagot ka sakin.
Deat JL,
Alam mo bang naiinis ako sayo, dahil kay Skie mo binigay ang first kiss mo.Talagang sakanya pa! diba nga ayaw mo sa mga kagaya nya.Kainis ka!
BINABASA MO ANG
IM INLOVE WITH THE BULLY KING
Teen FictionSa Panahon ngayon marami na ang hindi tumutupad sa mga pangako. Paano kung nangako ka sa sarili mong hindi ka maiinlove sa taong pinakahate mo? Paano kung lahat ng bagay magkagulo dahil sa pagmamahal mo sa kanya? Kaya mo bang isakripisyo ang lahat...