CHAPTER 9:SINO KA BA?

20 2 0
                                    

BETHANY'S POV

"Psh. kala mo naman kung sinong ubod ng gwapo, gwapo lang sya pero hindi sobra noh?. I swear I really really hate him, I hate bully kings, like him."

"Ha? bakit ba inis na inis ka sa mga kagaya nya, ang cool kaya ng mga badboy. Alam mo bang crush na crush ko si Skie?"

"Skie? who's that freaking guy? "

"Hindi mo sya kilala? ang famous kaya non at gwapo pa, kaya lang may pagka snobber. Pero okay lang! ang hot pa rin nya."

"Ahmm... pamilyar nga ang name nya kaso, wala akong pakialam sa mga crush mo. Kaya hindi mo na dapat pang ikwento yang kaartehan mo. Manahimik ka na lang dyan, stop that nonsense feeling for him.Walang kahahantungan!"

"Kahit mas matanda ka sakin, kayang kaya kong kalimutan ang pagiging magkapatid natin, kung hindi mo susuportahan ang lovelife ko.Palibhasa kasi bitter ka hindi mo pa nakakalimutan ang ex mo! Am I right big sister?"

"No you're not! tanggap ko na! tanggap ko ng wala ng kami, tanggap ko ng hindi na pwedeng maging kami pa. Naka move on na ako. Kaya mali ka, hindi na ako bitter."

"Fine! aalis na ako! baka mamaya masapok mo pa ako eh, papangit ang napakaganda kong mukha,babush!"

"Umalis ka na! walang hiya ka, badtrip na nga ako papalalain mo pa. Umalis ka na!" sigaw ko naman sa kanya.Totoo naman eh badtrip talaga ako ng bonggang bongga.

Makaalis na nga lang pupunta na nga lang ako ng bar, mas gagaan lang ang loob ko don kaysa sa bahay namin. Lalo pat andito ang napaka arte kong kapatid. Kahit kapatid ko yan, inis na inis ako sa mga kagaya nya.Ewan ko nga ba kung bakit naiinis ako sa mga kagaya nya.

Badtrip ako sayong lalaki ka pero, bakit pag naiisip kita napapangiti ako. Haysss, ano bang iniisip ko nababaliw na ba ako. Siguro stress lang to, dahil siguro to sa badboy na yun at sa walang hiya kong kapatid. Aish Lord help me, sa nangyayari sa kin ngayon. Ano bang dapat kong gawin para maging maayos na ako?Pleaseeeeee, Lord! itaboy nyo ako sa masamang nangyayari sakin ngayon.

Dear Badboy,
Bakit ba kasi kita nakilala, ngayon tuloy iniintindi pa kita. Ang dami ko ng problema nakihati ka pa, kung pwede nga tulungan mo ako sa problema ko eh.

Aish nakakayamot talagang buhaya to, oo!

IM INLOVE WITH THE BULLY KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon