CHAPTER 14:HELP (Part 1)

17 2 0
                                    

SKIE'S POV

Hay! gusto ko ng aminin ang nararamdaman ko sayo. Pero bakit ganun parang ayaw pa ng isip ko pero yung puso ko gusto na. Ano bang susundin ko? heart or mind? Bahala na nga Si Mickeymouse!

"Kuya?Ayos ka lang?"tanong ng pinsan ko, si Kiera.

"Oo baby! Ayos lang ako."sagot ko naman sa kanya

"Kuya! sabi ko sayo wag mo na akong tinatawag na baby ah! hindi na ako baby! kainis ka naman eh! 15 na ako."

"Parehong pareho talaga kayo ni Loraine. Ang cute nyo pag nagrereklamo kayo dahil ayaw nyo ng tawag sa inyo yung ganun."sagot ko sakanya habang nakangisi.

"Kuya? sino si Loraine? maganda ba sya kagaya ko?."

"Hindi lang sya maganda."nakangiti kong sabi."Dyosa sya! tsaka mabait at matalino pa!"si Kiera naman parang nagtataka.

"Huh? kuya sino ba kasi sya?" naiinis nyang tanong

"Makikilala mo rin sya pag naging akin na sya. Sa tamang panahon makikita mo sya. Kaya dapat maghintay ka dahil pag marunong kang maghintay mas maganda ang ibibigay sayo. Kaya ako kahit gaano katagal kaya kong maghintay kasi nga mahal ko."

"Hay nako! kuya nakapatyaga mo! malay mo may mahal na syang iba hihintayin mo parin sya kahit na alam mong masasaktan ka lang?Ang tanga mo pag ganun!"grabe yah kala mo mas matanda sakin eh, makapagsalita eh! sa bagay matured syang magisip eh.

"Oo hihintayin ko parin sya! kahit na alam kong may mahal na syang iba! Okay lang maging tanga basta wag kalang susuko! Ganun kasi ako eh! Lalaban ako hanggat gusto ko at hanggat kaya ko! Pag mahal mo ipaglalaban mo!" Napaka drama kong sabi,galing sa puso ko yun eh!

"Sige na! ikaw na ang nagmamahal! ikaw na ang nagtyatyaga! ikaw na ang nagpapakatanga! Tse! papasok na nga lang ako sa kwarto ko! bye kuya sana magtagumpay ka sa pagmamahal mo sa kanya!"sigaw nya sakin, kala mo mas matanda talaga sakin eh makahiyaw eh kala mo wala ng bukas eh.

"Talagang magtatagumpay ako dahil pag may tyaga! may mapapala"

"Kuya! mali!" walang hiyang to nakakagulat eh parang kabuti bigla bigla nalang sumusulpot.

"Paanong naging mali?"nagtataka ko naman tanong.

"Kuya! pag mag tyaga may nilaga, yun ang tamang term don. Naiintindihan mo?" edi wow! oo na mali na! pag talaga nagmamahal ka kahit anong mali para sayo nagiging tama!

"De ikaw na! the best ka!" sigaw ko naman sakanya.

Pagkatapos nyang sabihin lahat ng yun umakayat na sya kwarto nya.Kahit palagi kaming ganun ng pinsan ko mahal na mahal ko yun kapatid na nga ang turing ko dun eh.Mas matured pang mag isip kaysa sakin yun eh.Minsan nga tawag ko sa kanya baby at kapatuds eh yun nga lang pag tinawag ko syang ganun nagrereklamo sya minsan nga inaaway pa ako eh.Bakit ba ganun ang mga babae napakaaarte? Hay! hindi pala lahat karamihan lang si Loraine pala simple lang kahit anong arte sa katawan wala yun kaya siguro lalo akong nainlove sa kanya eh.

Umakyat ako ng kwarto ko para matulog. Nung ipipikit ko na ang mga mata ko bigla na lang akong tinawag ni Kiera.

"Kuya! may naghahanap sayo! nasa ibaba sya maganda sya! bilisan mo baka si Loraine yun."ha? Si JL naku mag aayos muna ako baka panget ako pag humarap ako sa kanya.

Nagayos muna ako ng buhok ko at nagpalit na rin ng damit at nagpabango pa. Pagkatapos kong magayos bumaba na ako.Lumabas ako ng bahay namin at Andon nga si JL! ano kaya ang pinunta nya dito? Baka may problema sya? O may nangyaring masama.Puntahan ko na nga baka importante yun.

"Loraine!"tawag ko sakanya kaya napaharap naman sya.

"Skie?"Malungkot nyang sabi na para bang may problema sya ngayon dahil mahahalata sa mukha nya na para bang kagagaling palang nya sa pag iyak. Sino kayang tara*tado ang nagpa iyak sa kanya?Ayokong nakikitang umiiyak ang mahal ko nasasaktan ako. Kaya pag nalaman ko kung sino ang nagpaiyak sa kanya malilintikan yung gumawa sakanya non. Magkamatayan na! lalaban ako hanggang kaya ko! para lang sakanya. Ako ata ang yung hindi boyfriend pero over protective, hays napakalakas talaga ng tama ko sa babaeng to.

" Umiyak ka ba? " nagtataka kong tanong sakanya na para bang hindi nya alam na nahalata kong umiyak sya.

"Si Mommy kasi..." sa pangalawang pagkakataon muling bumuhos ang kanyang mga luha. Dahil sa pag iyak nyang yun lalo akong naawa sa kanya.

"Anong nangyari sa Mommy mo?" nagtataka kong tanong sa kanya.

" Si Mo- mommy nasa os-ospital sya nga-ngayon m-may tu-tumawag lang sakin ka-kaya ko na-nalaman na-nasa sa os-ospital sya."pautal- utal nyang sabi dahil umiiyak pa rin sya.

"Nasa ospital na ba si Kenjie? Nauna na ba sya?" nagaapura kong tanong sa kanya dahil nagaalala na talaga ako sa kanya.

"Ala sya sa ospital wala pang kasama ngayon sa ospital si Mommy." medyo maayos na ang pagsasalita nya dahil tumigil na sya sa pag iyak nya medyo kalma na sya ngayon.

"Hah? nasaan ba sya? "nagtataka kong tanong sa kanya.Kahit kailan talaga si Kenjie oh walang awa sa Mommy at kapatid nya.

"Ala! ewan ko! hindi ko alam! hindi ko naiintindihan ang lahat ng nangyayari sa kin! bakit ba ako napunta sa sitwasyon na ganito? bakit ba ako pinahihirapan ng Diyos? mabait naman ako ah, mabait akong kapatid at anak marami namang masasamang tao dyan ah bakit ako ang napili ng Diyos na parusahan at pahirapan? Masama ba ako?Skie masama ba talaga ako?"pagkayari nyang sabihin yun sa pangatlong pagkakataon muli nyang binuhos ang sama ng loob nya umiyak muli sya at ang iyak nayun ang dahilan kung bakit ko sya niyakap hindi ko na naiwasan na yakapin sya dahil sa nakikita ko. Ayokong nakikitang umiiyak ang babaeng mahal ko nasasaktan ako.

"Hindi ka masamang anak at kapatid, napakabait mo nga eh may rason lang talaga ang Diyos kung bakit ikaw ang napili nya.Baka gusto ka lang nyang maging matapang ka at maging malakas sa anumang hamon.Gusto ka lang nyang sanaying maging malakas kung may problema kang kakaharapin. Ayun siguro ang dahilan.Everything happens for a reason sabi nga nila.Kung may mangyayaring anuman,well its good!"sagot ko naman sa kanya.

"Skie? bakit pag dating sakin ang bait mo?" sa tanong nyang yun nagulat ako, hindi ko kasi alam ang sasagot ko eh, pwede ko na bang sabihin ang lahat sa kanya? Pinag isipan ko muna ang isasagot ko. Alam ko na! wag muna ngayon dahil alam kong may problema sya, darating din tayo sa araw na pwede na, pwede ko ng aminin ang lahat ng nararamdaman ko sakanya pero this time hindi muna wag ko munang isabay tong nararamadaman ko sa problema nya ngayon kaya kong magsakripisyo para sa kanya.

"Kasi nga napakabuti mo sa kin at sa mommy at kuya mo" ganun nalang ang sinagot ko sa kanya.

"Pwede bang samahan mo ako sa ospital? wala kasi akong kasama eh wala si kuya"

"Sige! saan bang ospital sya dinala?"

"Sa San Roque Hospital sya dinala! tara na?"

"Sige! sakay ka na sa kotse ko! " aya ko sa kanya

Nung sinabi ko yun sumakay na sya sa kotse ko.

Pumunta na kami sa Ospital kung saan yung Mommy nya.

Sana walang mangyaring masama sa Mommy nya. Ayoko kasing nakikita syang umiiyak eh, ayokong nakikita syang nasasaktan. Kung pwede nga lang ako nalang ang kumuha lahat ng sakit na mayroon sya ngayon. Mas gugustuhin ko nalang ako ang mahirapan kaysa sa kanya. Ganun ko sya kamahal! Sobra sobra nya kasi akong pinasasaya eh tuwing nasa tabi ko sya malakas ako. Kaya pag hindi nya ako pinansin manghihina ako.

IM INLOVE WITH THE BULLY KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon