SKIE'S POV
"Nasaan na ba yung babeng yun? Miss ko na agad sya bakit ba ganito ang epekto ng babaeng yun sakin, ayy oo nga pala kasi gusto ko sya, ayy hindi ko pala sya gusto mahal ko sya.Ang ganda nya kasi eh, mabait pa, matalino. Hays lalong nagiging malalim ang pagtingin ko sayo JL, pagdating talaga sayo kinikilig ako, ikaw lang talaga ang babaeng magbabago at nakapagbago sakin ng sobrang tindi."bulong ko nalang sa sarili ko, syempre mahirap na baka may makarinig sakin dito hindi naman sa ikinahihiya ko si JL, pero kasi, dapat munang mag ipon ako ng lakas ng loob para masabi ko na ang nararamdaman ko kay JL. Darating din ako sa tamang panahon pero sa ngayon hindi pa pwede.
"Hoy! Pre anong iniisip mo yah?"tanong ng kaibigan ko, si Brent
"Ano ka ba Brent? mali naman anag tanong mo, baka hindi talaga ano, kung hindi sino.Hahahaha."sulsol naman ng isa ko pang kaibigan, si Azier, hahaha mga tunay talagang kaibigan oo! mga chismoso kahit na lalaki pa sila.
"Ano ba kayo? magtigil nga kayo, inaabala nyo lang ako eh, lalabas muna ako yah, may iniintay kasi ako eh."
"Hala sino yun? pakilala mo naman kami. Pre maganda ba?"sabat naman ni Brent
"Hindi sya maganda..... ahmmm dyosa sya, tsaka bakit ko naman kayo ipapakilala sa kanya? Sige nga mag bigay kayo ng sampung magagandang dahilan kung bakit karapat dapat ko kayong ipakilala sa kanya, Aber!"
" Kailangan pa ba yung dahilan na yan? Kaibigan mo kaya kami, Skie kaya dapat lang na ipakilala mo kami sa kanya noh.Dahil ang para sa isa, para na rin sa lahat, naiintindihan mo? "sabi naman ng sulsol,si Azier
"Gag* pagdating sa babae hindi pwedeng makihati ang kaibigan, maliban na lang kung talagang gusto mo ang babae, kahit na kalabanin mo pa ang kaibigan mo makuha mo lang yung babae."
"Wow ha! lalim ng pinaghugutan mo ha, sa balon ka ba humugot?"
"Alam mo kasi Azier, ngayon lang ako nag seryoso sa babae, ngayon lang pre, kaya sana wag nyo munang sirain ang diskarte ko."seryoso kong sagot, eh kasi naman totoo yun ngayon lang ako nag seryoso sa isang babae.
" Ahh sige, lumabas ka na nga."
Saktong pagkalabas ko ng room ay ang pagpasok ni JL, kaya para hindi ako mahalata nila Azier at Brent lumabas muna ako. Mahirap na baka sabihin pa nila kay JL lahat ng alam nila at masira ang diskarte ko. Mahirap kasing magtago ng sikreto sa kanila madaldal yung dalawa na yun lalo na pagdating sa mga babae. Kaya kahit gusto ko ng puntahan at tabihan si JL ngayon ay hindi pa pwede, walangya kasing Azier at Brent yan ehh. Konting tiis na lang Skie, makakalapit ka na kay JL.
"Hey! Skie? c'mon tumabi ka na sakin, naiinip ako eh wala akong makausap wala pa kasi yung bestfriend ko eh, wala pa si,Bethany"
Ha ako? totoo ba to kinausap ako ni JL?pero act natural lang Skie, lalaki ka kaya hindi ka dapat kiligin pero hindi ko masisisi si JL kasi ganito ang tama sakin ng babaeng yan ehh. Kahit sa simpleng ngiti at tawa pa lang nyan, parang pati ako ay napapangiti na rin eh. Hayss bakit ba ganito ka magpakilig Loraine. Diba dapat ako ang nagpapakilig sayo pero parang baliktad ata ang mundo ngayon ahh. Hayss nababaliw talaga ako sayo Loraine, napaka lakas talaga ng tama ko sayo.
"Skie? ayos ka lang ba? kasi kanina pa kita kinakausap ehh, ayaw mo kasing sumagot."
"Ahmmm.... oo ayos lang ako noh, iniisip lang kita kaya siguro ganito ako ngayon."
"Ha? totoo bang ayos ka lang Skie? kasi parang pre-occupied ka ngayon ehh, kung anu ano na lang ang sinasabi mo eh."
"Bakit ano bang sinabi ko sayong masama? Pasensya na kung anuman yun."
"Ahh ang sabi mo lang naman kanina,iniisip mo ako kaya siguro ganyan ka ngayon."
"Ha? sinabi ko ba yun, ha! may iniisip lang siguro ako kaya naging pre-occupied ako. "
"Ahmmm... siguro nga, tara na?"
"Saan?"
"Ano ka ba Skie? pre-occupied ka na talaga, ang sabi ko tara na? ang ibig kong sabihin umupo ka na sa tabi ko at magkwentuhan na tayo kasi kanina pa ako naiinip eh."
"Ahh oo nga sabi ko nga, maguusap tayo."palusot ko naman sa kanya, hayss ano ba kasing pumasok sa isip ko bakit ko ba kasi nasabi kanina yun! Skie Ash Morales!!! wag ka munang magpahalata sa kanya. Pleaseeeeeee wag muna ngayon, sa susunod na lang pag may lakas ng loob ka na.
Dear Tadhana,
Sana itiming mo naman ako. Sana bigyan mo ako ng sign na pwede na, pwede ko ng sabihin lahat ng nararamdaman ko sa kanya, pero sana wag muna sa pagkakataon na to, wag muna dahil hindi pa ako handa ngayon, magiipon muna ako, ng lakas ng loob.
BINABASA MO ANG
IM INLOVE WITH THE BULLY KING
Teen FictionSa Panahon ngayon marami na ang hindi tumutupad sa mga pangako. Paano kung nangako ka sa sarili mong hindi ka maiinlove sa taong pinakahate mo? Paano kung lahat ng bagay magkagulo dahil sa pagmamahal mo sa kanya? Kaya mo bang isakripisyo ang lahat...