CHAPTER 11:PRINSESA KO o REYNA KO

24 2 0
                                    

LORAINE'S POV

"Hoy payatot gising na dyan yung sundo mo andyan na sa baba" ha? anong sundo, eh sya yung kasabay ko, nahihibang na ata ang kuya ko. Huh? Sino ba kasi yun?

"Kuya sino ba yung sundo ko? si Lord? Sinusundo nya na ba ako? " pang aasar ko sa kanya, eh sino ba kasing sundo ko?

"Huy! ligo ligo din pag may time late ka na. Ako okay lang malate dahil hindi naman ako papasok."ayan na naman si kuya tinamad na naman!

"Tse! sino ba kasing sundo ko? kilala ko ba yun? "

"Oo kilalang kilala! si Skie! ano masaya ka na? nalaman mong yung boyfriend mo ang susundo sayo. Kaya maligo ka na at mag baon ka nalang ng pagkain mo late ka narin eh." hayss panong hindi malelate eh, inisip ko pa ang halik sa kin ni Skie, yung first kiss ko nakuha nya! Sh*t.

"Oo na maliligo na ako! mahal na prinsipe!" pang aasar ko pa sa kanya.

Naligo na ako. Pinaghanda naman ako ni Mommy ng baon ko, dahil nga late na ako.

Lumabas ako ng bahay namin. Aba totoo nga andito si Skie! bakit naman kaya nya ako sinundo? Para sumipsip dahil hinalikan nya ako? o gusto nyang mag sorry? Ewan ko. Bahala na nga si Wonder Woman.

"Oh? bakit nandito ka, sinabi ko bang sunduin mo ako?"

"Bakit masama bang sunduin ang mahal kong Reyna! Gusto ko lang makapasok ka ng safe. Kaya sinundo kita. Kaya simula ngayon aagahan mo ng gumising dahil araw araw na kitang susunduin. Naiintindihan mo? "

"Bakit mo naman ako gustong makapasok ng safe, Aber! At tsaka isa pa bakit mo ako tinatawag na MAHAL NA REYNA? Bakit HARI ba kita? "

"You know what" bulong nya sa tenga ko. "Hindi ka marunong umarte, kasi hindi mo kayang magpanggap bilang girlfriend ko, paano kung mahalata tayo ng kuya at mommy mo? baka magalit sila sayo." pananakot pa nya! Pero infairness medyo nadala ako don, medyo kinabahan ako. Lakas mangonsensya ng lalaking to. Hanep! Iba talaga, pag bully king. Malakas ang dating, dating ng toyo. Hahahaha

"Yah! ikaw na ang panalo. Tara na? late na tayo eh!"pag iiba ko ng topic.

"Sige na sakay na, Prinsesa ko! Baka malate pa tayo."Grabe sya oh! kanina reyna, ngayon prinsesa na. Iba talaga! pag monggoloid. Hanep!

Umalis na kami ni Skie.

Ngayon nandito na kami sa school. Sabay kaming pumasok ng room kaya naman lahat ng kaklase ko nakatingin samin. Ano naman ang iniisip nila? Iniisip ba nilang kami ni Skie! Naku! wag na wag. Hindi kami ni Skie noh? Diba nga ayoko sa Bully king! Ayoko sa mga kagaya nya. Kaya itigil na nila ang iniisip nila tungkol sa min. Nag sasayang lang sila ng oras. Hay naku! wag ko na nga lang silang pansinin.

Dumating na ang teacher namin. Si Ma'am Early Bird. As usual maaga na naman kaming nag klase, tapos late kaming ididismiss. Nasaan ang hustisya don! It's Unfair! Very Unfair!Huhu! ano bang pinaglalaban ko. Mabuti pa makinig na lang ako sa teacher kong to.

IM INLOVE WITH THE BULLY KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon