CHAPTER 18:SI EX💔💔

23 2 0
                                    

---

LORAINE'S POV

Magiisang buwan na rin si Mommy na nasa ospital.Sobrang miss ko na nga sya eh kaso anong magagawa ko kung nangyari sa kanya yun. Naiiyak na naman tuloy ako pag naaalala ko yung nangyari sakanya sana nga sakin nalang nangyari yun eh. Sana hindi na sya nahihirapan sa kalagayan nya ngayon. Mommy sana gumising ka na miss na miss na kita.

Pumasok na ako sa room ni Mommy at nakita kong nandon si Kuya Kenjie.

"Kuya!"tawag ko sa kanya kaya naman lumingon sya

"Oh!"sagot naman nya

"Bakit ngayon ka lang ulit dumalaw kay Mommy? Saan ka ba nanggaling?"sunod sunod kong tanong sa kanya

"Long story! mahirap ipaliwanag!"barumbado naman nyang sagot

"Yeah! whatever!"mataray ko ding sagot sa kanya.

Lumabas nalang ako ng room ni Mommy para hindi na ako maasar at maaway pa ni kuya. Sya nga lang yung kakadating palang tapos inaaway na ako. Kainis talaga yung badboy kong kuya.Napaka iresponsable nya! napaka immatured pa nya. Mas matanda pa sya kaysa sakin  pero kung mag isip sya bata! sa madaling salita isip bata sya. Pero kahit ganun mahal na mahal ko yun hindi ko ipagpapalit yung kuya kong yun sa sino mang kuya sa buong mundo kahit sino pang gwapong kuya yung ipalit sakanya hindi ko pipiliin yun. Sya ata yung kuyang napaka overprotective daig pa Daddy ko.

"Ivan!"tawag ng isang babae

"Babe!How are you!"sagot naman nung lalaki

"Ayos na ako magaling na ako"

"Mabuti naman"

Grabe yah Ivan talaga yung pangalan nung lalaki nag bibiro ka ba tadhana? Sa daming pangalan na maririnig ko yun pa siguro nga kung wala si Ivan ngayon sa Japan aakalain kong sya yun.

Bumalik na ako sa room ni Mommy dahil nakalma ko na yung sarili ko. Dahil sanay naman na ako na  kahit papano hindi pinapatulan si Kuya.

"Oh bakit bumalik ka na payatot?"tanong nya

"Tse!"sagot ko nalang sa kanya

"Haahahha pikon! pikon! si payatot"pangaasar nya

"Ikaw kaya yun!"sagot ko sakanya

Nung nasabi ko na yun tumigil na sya siguro napagod na akong asarin.Pagkatapos lumabas sya ng room ni Mommy siguro aalis na naman sya o sa madaling salita makikipagaway na naman.Ano kayang napapala ni kuya pag nakikipag away sya? nakakakuha ba sya ng pera don? mas lalo ba syang nagiging matapang? o lalo syang nagiging panget? hhahaha oo nalang!

"Mommy? ayos ka na ba? magaling ka na ba?"eto naman ako kinakausap ang hindi naman pwedeng magsalita.

"Magiging maayos din ang Mommy mo"ay palaka! nakakagulat! here we go again the mushroom is on! hahhah

"Buti na lang hindi na ako gaanong nagugulat sayo kasi sanay na ako" sagot ko na naman

"Hhahahh"tawa sya ng tawa

"Tumigil ka na nga ng pagtawa dyan napakaingay mo mamaya magising ng hindi oras si Mommy."saway ko naman sa kanya

"Mas maganda nga kung magigising na sya eh magiging masaya ka na."totoo naman ang sinabi nya eh gusto ko ng magising si Mommy

"Tama ka naman dyan gusto ko ng magising si Mommy"sagot ko sakanya

"Kumain ka na ba?"tanong naman nya

"Hindi pa nga eh bakit ililibre mo ba ako?"pagbibiro ko sa kanya

"Oo lilibre kita ano bang gusto mo?"tanong nya

"Kahit ano basta masarap"

"Kaya dapat bumili na tayo" sagot naman nya

"Mabuti pa nga"medyo tipid kong sagot

Lumabas na kami ng room ni Mommy. Si Skie naman habang naglalakad kami nakatingin sya sakin ano kayang dumi ang meron sa mukha ko kung bakit palagi nalang akong tinitingnan ni Skie siguro may duming ayaw mawala sa pagmumukha ko.

Habang naglalakad kami papalayo ng room ni Mommy may bigla namang nakabunggo sakin

"Ayy! Miss sorry!"paumanhin ng lalaki sakin

"Okay lang po hindi naman po sadya eh"sagot ko naman

Pagharap ko parang nakakita ako ng isang multo. Tama ako parang pamilyar nga ang boses na narinig ko kanina at yung nakabunggo sa kin si Ivan nga talaga sya. Nakatitig lang ako sa mga mata nya ibang iba na yung mata nya simula nung maghiwalay kami dati para sakin napakaganda non pero ngayon masasabi kong wala ng ningning ang kanyang mga mata

"Prinsesa ko?"tanong ni Skie kaya napatingin ako sakanya

"Skie? Bakit?"tanong ko sakanya

"Bakit sobrang titig mo naman sakany? nagseselos kaya ako"

"Hindi kaya!"depensa ko

"Bakit masama bang titigan ang gwapo kong mukha?"maangas na tanong ni Ivan

"Ikaw ba ang tinatanong ko?"astig na sagot naman ni Skie parang nagpapatayan na nga sila sa tingin eh

"Opppssss...... bago kayo magkainitan dyan binabawal ko na kayo gagawa pa kayo ng gulo dito eh tapos pati ako madadamay."pagbabawal ko sa kanilang dalawa habang nakatingin ako sa kanila

"Wag kang mag alala hindi kita idadamay sa gulong to tsaka pag ako ang nakikipag away akin lang ang gulo hindi na ako nandadamay pa kasi kahit akong magisa lang kaya ko."pagyayabang pa nya

"Sige na nga maiwan ko na kayo ng Boyfriend mo!"maangas na pagpapaalam ni Ivan

"Mabuti pa nga!"galit na sagot naman ni Skie

Pagkatapos ni Ivan na umalis kinausap ko si Skie

"Skie? magsabi ka nga ng totoo kilala mo ba yung lalaking yun?"tanong ko sa kanya

"Hindi!"depensa nya

"Eh bakit kung makatitig ka sa kanya parang lalamunin mo na sya?"tanong ko ulit

"Eh napakayabang nya eh"

Pagkatapos nyang sabihin yun inaya ko na syang bumili na.

IM INLOVE WITH THE BULLY KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon