LORAINE'S POV
"Hayss! nasaan na ba kasi yung kuya kong yon, naiinip na ako eh, kanina pa ako nakatayo dito nangangawit na ako."bulong ko na lang sa sarili ko kahit na gusto ko ng humiyaw sa sobrang inis sa kuya ko. Kuya nasaan ka na ba kasi? sana man lang tinext mo ako.
Haysss kuya mauuna na nga ako sayo. Alam mo naman na madali akong mainip tapos paghihintayin mo ako dito, anong klase ka! kuya sa unang pagkakataon, iiwanan muna kita, kaya sana wag kang magalit sakin hindi mo naman ako masisisi eh ganito talaga ako eh mabilis mainip. Sorry kuya uunahin ko muna ang sarili ko dahil sobrang nagugutom na ako, pag hinintay kita baka makita mo na lang akong naninigas dito sa gutom. Ayoko pa kuyang mamatay noh! bata pa ako at isa palang ang nagiging boyfriend ko noh! hahaha sobrang OA ko naman.
"Hey! Loraine why are you here? Where's your brother?" tanong ng napakagaling kong classmate,si Skie
"Ahmmm.... kasi hinihintay ko yung kuya ko pero dahil nagugutom na ako gusto ko na syang iwanan. Sige yah! mauna na ako sayo, iiwanan ko na ang kuya ko."
"Ahh! saglit lang sumabay ka na sakin. Baka pag wala kang kasabay baka may mangyaring hindi maganda sayo.Ikaw rin maganda ka pa naman, hindi nga lang sexy hahaha!! biro lang yun."grabe sya pinuri nya nga ako tapos binawi din. Hayss iba talaga, iba talaga pag monggoloid. Hahahaha
"Sige na nga may point ka dun eh, baka mapahamak pa nga ako. Kaya dapat sumabay na ako sayo, may tiwala naman ako sayo eh. Ikaw kaya ang naghatid sakin kagabi papunta samin, at take note ligtas ako. Ahmmm, siguro alam mo na ang bahay namin noh? natatandaaan mo na?"
Hinatid ako ni Skie sa bahay.
"Mommy!andito na ako."bati ko pagdating ko ng bahay
"Nasaan ba ang mommy mo? "tanong naman ni Skie, may pagka chismoso rin to eh
"Shh... wag kang magulo. Baka nakauwi na ang kuya ko, pag nakita ka non aasarin ako non. Sinabi ko kasing boyfriend kita eh."
"Gotcha!siguro gusto mo na ako noh? "
"Sira! kaya ko lang sinabi na boyfriend kita kasi, inaasar nya ako ng panget, kaya dapat panindigan natin ang fake relationship natin. "
"I think that's a good idea! Malay mo mag work diba?malay mo maging tayo.Hahaha"sabay naman kaming natawa, hahaha siguro gusto ko ng lalaking to, kung anu ano sinasabi eh. Joke lang.
"Ehem. baby girl? who's with you? Is that your boyfriend? Sya ba yung sinasabi mong...."
"Mom! tumigil na nga kayo, baka kung ano pa ang akalain ni Skie."
"Hi! good afternoon po!I'm Skie Ash Morales, Loraine's boyfriend"sabay abot ng kamay kay mommy.
"Ah,ikaw nga ang sinasabi nyang boyfriend, pero infairness ang gwapo mo ang galing pumili ng anak ko."
"Naku! ako po ang magaling pumili noh? ang ganda nga po ng anak nyo eh, matalino at mabait pa po."naks naman! ang galing umarte ng lalaking to.Ikaw na ang best actor. Hahaha. Kahit na bola lang yun napangiti ako ng lalaking to.
"Look who's here! Si Skie! ang boyfriend ng kapatid ko." Nako! si kuya talaga babati na lang, nangaasar pa. Iba talaga!
"Kuya! Stop that dont tease me!Naiinis ako sayo hindi mo manlang ako hinintay, pero buti na lang hinatid ako ng gwapo kong boyfriend." sabay irap ko sa kanya. Hahaha! kala mo Skie ikaw lang ang magaling umarte, ako rin noh. The best ata ako.
"Oh eh? bakit ka pa nagagalit sa kin hinatid ka naman pala ng magaling mong boyfriend. Aish badtrip lalabas nga muna ako. Maiwan ko muna kayo dyan, Skie! Nice to meet you, take care of my baby sister!"
"Kuya! Hindi na ako baby noh? tumigil ka na nga ng pagtawag sa kin ng ganon! Mommy pagalitan mo nga si Kuya!"inis kong sabi habang naka pout ako.
"Stop that baby girl yung boyfriend mo andito pa hindi ka ba nahihiya?"
"Mommy pati ba naman ikaw! tinatawag mo akong baby? hindi na sinabi ako bata ehh."
"Sorry my daughter, sige hindi na. Let's eat? I know you're hungry.Skie sumabay ka na samin."
"Oo nga! Skie halika ka na."pag aaya ko naman sa kanya.
"Sige na nga po! Nagugutom na din po ako eh. Si Kenjie po nasaan? Hindi po ba sya sasabay satin? "
"Pabayaan mo na nga yung kuya ko na yun.Wag mo ng iniintindi yun.Tara kumain na nga tayo."
Kumain na kami.
"Thank you po sa lunch, grabe ang sarap po ng luto nyo sobra po akong nabusog. Sige po mauuna na po ako.Pag paalam nyo na lang po ako kay Kenjie.Hey Loraine, take care!"sabay kaway sakin ni Skie, syempre kumaway na din ako. Mahirap na baka mahalata pa nya kami noh.Pag hindi ako kumaway sa kanya baka akalain ni Mommy hindi kami sweet. Psh.Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon.Bakit ko ba kasi sinabing boyfriend ko si Skie.Bahala na nga si Wonder Woman.
Dear Lord,
Sorry po kung nakagawa na naman po ako ng masama.Sorry po kung naka pagsinungaling na naman po ako.Sorry din po kung inaway ko po si kuya Kenjie."Hayss ang sama ko bang anak at kapatid?"bulong ko na lang sa sarili ko habang nakapikit ako.
BINABASA MO ANG
IM INLOVE WITH THE BULLY KING
Teen FictionSa Panahon ngayon marami na ang hindi tumutupad sa mga pangako. Paano kung nangako ka sa sarili mong hindi ka maiinlove sa taong pinakahate mo? Paano kung lahat ng bagay magkagulo dahil sa pagmamahal mo sa kanya? Kaya mo bang isakripisyo ang lahat...